StarStruck V Second Prince Rocco Nacino proud of himself despite not winning the big title

"Itong competition na 'to, self-development na rin po. Kaya ngayon, I'm so positive po. Kasi sinasabi ko, 'Rocco, tingnan mo ang layo na ng narating mo sa StarStruck. Out of so many hopefuls, like 80,000 hopefuls, nakaabot ka dito. So, look at you, look at you, look at what you can do. And kung lalo mo pang pagbubutihin, mas malayo pa ang mararating mo.' So, kaya sabi ko po, very fulfilling po para sa akin itong gabing ito. I'm so very proud of myself,"


Nagkatotoo ang hula ni Rocco Nacino na si Steven Silva ang mananalo ng titulong Ultimate Male Survivor sa StarStruck V.

Sa presscon kasi ng Final 5 a few days before the Final Judgment ay tinanong sila kung sino sa palagay nila ang mananalo. Kung para kina Steven, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Sarah Lahbati ay mga sarili nila ang kanilang isinagot, sinabi ni Rocco na si Steven ang malamang na manalo dahil ito ang may pinakamaraming text votes sa unang siyam na linggo ng competition. (CLICK HERE to read related story.)

At sa ginanap ngang Final Judgment ng StarStruck V noong Linggo, February 21, sa Araneta Coliseum ay nagdilang-anghel si Rocco dahil si Steven nga ang itinanghal na Ultimate Male Survivor. Pumangalawa si Enzo upang tanghaling First Prince at pumangatlo si Rocco na itinanghal na Second Prince.

ACCEPTING DEFEAT. Tanggap naman ni Rocco ang kanyang pagkatalo kay Steven.

Aniya, "Ako po, wala pong problema sa akin kahit anong position o title ang makuha ko. I was just happy na makasama ako sa Final 5. I wasn't thinking about yung winning nang bonggang-bongga. Yung makapag-pay back lang ako sa mga taong nag-support sa StarStruck, yun lang po ang goal ko tonight. So yung lang po talaga ang gusto ko. So, kahit po ano sabihin nila na Second Prince, kulelat sa boys, wala, wala po sa akin yun."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rocco sa press room ng Araneta Coliseum ilang sandali pagkatapos ng Final Judgment.

Hindi ba siya nakaramdam ng disappointment na hindi siya ang nanalo?

"No, no disappointment at all," mabilis niyang sagot. "I'm very proud of myself. From thousands of people na nag-audition dito, nakarating ako sa Top 3 guys sa StarStruck. I'm very proud of what I've done. So, Rocco, congrats sa 'yo kasi malayo rin yung narating mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STEVEN IS DESERVING. Kumpara kina Rocco at Enzo, madalas napag-iiwanan si Steven sa mga artista tests lalo noong mga unang bahagi ng StarStruck V. Pero lumalabas na si Steven pala ang may pinakamalakas na fan base, at patunay nga nito ang napakamarami niyang nakuhang boto mula sa viewers.

Sa tingin ba ni Rocco ay deserving si Steven to win the title of Ultimate Male Survivor?

"Oh yeah! Of course, of course, of course!" bulalas niya. "Ang laking improvement and nakita mo sa kanya kung gaano siya ka-hungry para sa title na 'yan, he gave his all talaga. And kahit merong disadvantage sa Tagalog niya, he still made it this far, di ba? So it's a very big, it's a very big leap for him. So, congratulations sa kanya, galing niya."

Ang text and online votes ay 50 percent ng kabuuang score ng Final 5, samantalang ang natitirang kalahati ay nanggaling naman sa score ng StarStruck Council na sina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos. At malaking bahagi ng pagkapanalo ni Steven ay ang taas ng kanyang boto mula sa viewers.

"It's a competition po, e, ganun naman po talaga," sabi ni Rocco. "And the better man won. Ganun po talaga, it's a competition, right? Someone has to win talaga. Kasi Steven is very charming so nag-a-appeal talaga siya sa mga tao. That's a plus points pa rin. So I'm proud of him talaga. He deserves it. Hindi naman ano... He got the people, he won the hearts of the people through his charm, through his talent. So, everything was fair and square and I'm happy."

Ayon pa kay Rocco, maging siya man ay nahirapang pumili kung sino ang mananalo sa kanilang tatlo nina Steven at Enzo dahil sa tindi ng competition nila.

"Sabi ko po kay Steven and Enzo, 'Guys, kung makakapili ako sa ating tatlo, wala rin ako mapipili.' So hard, so hard talaga. A lot of people would say na, dati po, alam na talaga kung sino ang panalo. Itong season na 'to, as in kaming tatlo nasa isang tightrope talaga, e. So, mahirap po talaga hulaan. So, it was very, very exciting talaga. 'Etong gabing 'to, very exciting malaman kung sino po nanalo," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rocco, si Sarah talaga ang ini-expect niyang mananalo sa mga babae.

"Na-maintain niya po yung popularity niya, with the fans, and she did good sa lahat ng challenges, so heads up to her. Ang galing, galing... Natutuwa po talaga ako sa kanya. Ang bata-bata pa niya and she has achieved so much. So, galingan mo, galingan mo, Sarah. I'm very happy for her."

THERE IS LIFE AFTER STARSTRUCK. Pero nakahinga na ba siya nang maluwag ngayong tapos na ang StarStruck at nawala na yung pressure dala ng competition?

"In a way, yeah, in a way," sagot ni Rocco. "Kasi parang ano, e... Grabe, parang nasa military camp kami habang nasa StarStruck. So, medyo mas free ngayon. Medyo, we get to do what we want now. Pero mas nakakatakot kasi we are our own now. Sa StarStruck, inalagaan po talaga kami nun. So medyo maninibago po 'ata kami. So, hopefully, hopefully, things will work out fine."

Ano na ang plano niya ngayong tapos na ang StarStruck?

"Siguro po, just take care of myself muna and give myself one or two days ng pahinga. And then..."

Paano kung may schedule sila agad?

"E, di magpahinga po in between!" natawa niyang sabi. "And yun lang po, mga ganun, ganun lang na pahinga. Tapos diretso workshop for acting, singing, and dancing."

Pero tila mahihirapan pa ring makapagpahinga si Rocco dahil habang ini-interview namin siya ay nilapitan siya ng isang representative from GMA Artist Center at ipinaalala ang meeting nila kinabukasan (Feb. 22). May nagsabi rin sa kanya na posibleng siya ang unang magkaroon ng show sa Final 5 dahil any moment ay tatawagan na siya para mag-taping.

Bagamat hindi si Rocco ang nanalo, naniniwala naman siyang aarangkada pa rin ang kanyang showbiz career.

"Ano naman po, e, discipline. And after StarStruck, basta kung masipag ka and mabigay mo ang lahat, mapu-prove mo rin na kaya mo. Makakaya mong tapatan yung title or standing as artista. So it depends on that. The real test is after StarStruck, kaya malaking bagay po siya para sa akin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Initially, expected nang mas bibigyan ng priority at bigger opportunities si Steven—o maging si Sarah Lahbati na nanalong Ultimate Female Survivor—kesa sa kanilang hindi nanalo. Ano ang masasabi ni Rocco rito?

"Then I have to work my way to stand out. I have to work my way out," sagot niya. "That's why po, priority po yung workshop for me. I have so much to improve on. Although maraming nagsasabi na okay po ako, for me, nasa 80 percent...parang 70 to 80 percent pa lang yun. So I have a lot to improve on pa."

So, sisiguraduhin niyang aabot ito sa 100 percent?

"Oo, sigurado po pagkita sa akin ng mga tao, mas magugustuhan nila ako. So I'm aiming for that star quality talaga," aniya.

Sa tingin ba niya ay nagbunga lahat ng pinagpaguran niya from the very beginning of the competition kahit hindi siya ang nanalo?

"Of course, of course," sagot niya. "Opo, napakita ko ho. Ibigay mo nang lahat mo and maniwala ka sa dream mo, magagawa mo, e. Nothing's impossible if you just keep trying and trying. Ako, I can say I dreamed, I believed, I survived. It's huge feat to get to the Final five. So, opo, nagbunga po talaga."

Ayon kay Rocco, para na rin siyang naging Ultimate Survivor dahil sa lahat ng pinagdaanan niya sa StarStruck.

"Kumbaga po itong competition na 'to, self-development na rin po. Kaya ngayon, I'm so positive po. Kasi sinasabi ko, 'Rocco, tingnan mo ang layo na ng narating mo sa StarStruck. Out of so many hopefuls, like 80,000 hopefuls, nakaabot ka dito. So, look at you, look at you, look at what you can do. And kung lalo mo pang pagbubutihin, mas malayo pa ang mararating mo.' So, kaya sabi ko po, very fulfilling po para sa akin itong gabing ito. I'm so very proud of myself," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY'S LOVE. Nakausap na ba niya ang parents niya after the Final Judgment?

"Opo, my mom went up to the stage tapos sabi niya... Unang-una, sinabi niya sa akin na love na love niya po ako and miss niya na ako. And I'm still the winner for her. And I'm the Ultimate Survivor para sa kanya, sabi niya. Sabi ko, masaya ako. Yun yung sinagot ko sa kanya, 'Masaya ako mommy,'" kuwento ni Rocco.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang supporters na hindi siya iniwanan hanggang sa Final Judgment?

"Ay naku, nakakatuwa yung numbers na nakita ko. Nakakatuwa yung purple shirts na nakita ko kanina. So, I'm very thankful to you guys. Salamat at hindi n'yo ako...hindi kayo nagsawa sa akin and I'm happy na natutuwa kayo sa akin, and promise ko sa inyo mas mamahalin ko po kayo after StarStruck.

"Dahil din sa inyo, ang layo ng narating ko dito sa StarStruck. Thank you guys, and hope to see you soon kasi gagalingan ko para sa inyo. Thank you sa mga supporters ko lalo na sa Pateros, Pasig, sa Calamba, Laguna, yung mga kamag-anak ko. And all the people in Pampanga, especially sa family ko and relatives ko, sa mga Nacinos po and Quiogue. Maraming salamat po sa inyo. And miss na miss ko na po kayo," pahayag ni Rocco.

Nabanggit din ni Rocco na distant relative pala niya ang StarStruck Season 1 First Prince na si Rainier Castillo. "Third cousin ko po si Rainier Castillo. Pero twice ko lang po siya na-meet before. So, hindi kami close, hindi kami masyado close. Pero ngayon po, medyo nag-uusap na po kami," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN