KC Concepcion admits not having too much bonding time with her adopted brother

"There are other people who know my sisters more than I do. Parang ang hirap balansehin kasi na merong kaedad mo, may teenager, tapos may baby. So, parang ate ka ng lahat. It's in a process din kasi lifestyle mo na silang makakasama," says KC Concepcion about being an ate.


This year, mas gusto ni KC Concepcion na mag-focus sa kanyang singing career more than doing teleseryes or movies. Ito ang inihayag ni KC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 10th anniversary party ng YES! Magazine kagabi, February 23, sa NBC Tent.

"Meron kaming pinag-uusapan na teleserye, although ang focus namin this year is music talaga and I think na-miss din ng mga tao yun," sabi ng 24-year-old actress-singer. "But you know, I really love doing teleserye. I really enjoyed doing my work in Lovers in Paris and I really love to do one again."

Bukod sa pag-concentrate sa kanyang singing career, kasabay rin nito ang movie na ginagawa niya under Star Cinema with her father, Gabby Concepcion, and leading man Jericho Rosales. Kumusta ang shooting nila?

"Actually, hindi pa kami masyadong nakakapag-shoot," sabi ni KC. "Kasi, sobrang...meron yatang project sina Echo at Papa na magkasama. And so far, hinihintay ko pa lang, yung talagang hinihintay ng lahat na magkasama kami in one schedule na parang pareho kami na lahat kami libre on the same day. So, yun ang ina-eye. But I think they'll gonna beat naman the deadline that we'll have a movie by May."

KC'S VALENTINE'S. Isa rin sa kinumusta ng PEP kay KC ay ang nakaraang Valentine's Day at kung paano niya ito ipinagdiwang.

"Valentine's Day? Quiet," nakangiti niyang sagot. "What did I do on Valentine's Day? I spent Valentine's Day with one of my best friends na girl, she lives in L.A. And also with my lola, she was there."

What about Piolo Pascual na inili-link sa kanya?

"Well, I don't know what he did on Valentine's Day!" natatawang sabi ni KC.

Hindi man lang ba nagparamdam sa kanya si Piolo?

"Hindi...nag-uusap naman kami. Pero wala kasi kami sa Pilipinas. He was with different trip. I was with different trip, too," paliwanag ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ibinigay na bang Valentine's gift sa kanya si Piolo?

"Siguro parating pa lang!" tawa niya ulit.

Kindi raw niya nakaugalian talaga magbigay ng Valentine's gift.

"I don't give gift on Valentine's Day. Maybe, guys talaga," ngiti ni KC.

BIG SISTER. Bilang kapatid naman, aminado si KC na hindi pa siya nakakapag-spend ng maraming oras sa bago nilang kapatid na si Miguel, ang adopted son ng Mama niyang si Sharon Cuneta at stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan.

"I haven't seen him so much. Kasi, nasa Laguna sila tapos galing akong L.A. Tapos, diretso sa work. So, I haven't seen the baby yet. He's in Laguna, getting fresh air," banggit ni KC.

So, hindi pa niya masyadong nakaka-bonding si Miguel?

"No, not yet. But of course, nahahawakan ko siya. Pero most of the time kasi, kapag umuuwi ako, tulog na siya. Or kapag gising siya, paalis na 'ko."

Being the eldest sa lahat ng kanyang mga kapatid—either sa mother side o sa father side—welcome ba sa kanya ang idea to have an adopted brother?

"Of course naman, of course naman," sambit ni KC. "Nakakaano nga, e, never kong na-imagine na magagawa ni Mama yun or it would be in her plans to do that. When she finally did it, parang it's a fresh start."

Si KC ay may tatlong kapatid sa ama niyang si Gabby Concepcion at dalawa naman sa ina niyang si Sharon Cuneta; tatlo kung idadagdag si Miguel.

"You know what's funny, I'm the eldest of six," sabi niya. "There's me, Garrie [anak ni Gabby kay Grace Ibuna], Chloe [anak ni Gabby kay Jenny Syquia] who lives in Sweden now, and then Frankie, Miel [mga anak ni Sharon kay Kiko], and baby Sam [anak ni Gabby sa asawa nitong si Genevieve Yatco]... Anim ba kami? And then, Miguel! So, lahat kami girls, tapos si Miguel na baby boy. Feeling ko nga, lahat kami mag-i-spoil sa kanya kasi only boy. He's Pinoy na Pinoy na guwapo na very cute, wide-eyed. Parang magiging bibo siya paglaki," masayang kuwento ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nararamdaman ba niyang may responsibilidad din siya being the eldest sister?

"Yes, siyempre," sagot niya, "Like yung mga baby sisters ko, ma-ate. So, nakakatuwa. Ang hirap lang dun, like si Garrie, I only met her... I mean, we only got close last year. And then si Chloe, I met her when she was five. Hindi ko pa rin siya nakikita ulit. Hanggang online lang kami. There are other people who know my sisters more than I do. Parang ang hirap balansehin kasi na merong kaedad mo, may teenager, tapos may baby. So, parang ate ka ng lahat. It's in a process din kasi lifestyle mo na silang makakasama."

KC ON YES! Isa si KC sa napakaraming mga artistang alam naming nagtiwala sa YES! Magazine. In fact, ang ilan sa firsts sa buhay ni KC ay sa YES! niya ipina-feature.

"Oh, yes! But of course, only because nakilala ko sila personally before ako nagkaroon ng relationship sa iba. And I think, si Tita Jo-Ann [Maglipon, editor-in-chief] kasi, also keeps in touch. And it's a nice thing that you can trust them with a good story and we're very thankful. We always wanna share the good things with these people," sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN