Valerie Concepcion not threatened by ex-PBB housemate Sam Pinto's entry in Wowowee

"Wala namang sinasabi na kung papasok siya may tatanggalin or anything. Wala namang ganun. Actually, kung papasok sa amin si Sam, tiyak na welcome siya kasi okay naman siya. At saka parang mabait siya," says Valerie Concepcion about Sam Pinto, who will become one of the regular co-hosts of Wowowee.


Hindi raw ang pagpasok ng ex-Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Sam Pinto sa noontime show nilang Wowowee ang dahilan kaya may conscious effort si Valerie Concepcion na mas lalong magpaganda at magpaseksi.

Ito kasi ang naitanong kay Valerie sa launching nila ni Jennylyn Mercado bilang endorsers ng Novashape ng Belo Medical Group kahapon, February 24. Ginanap ang presscon sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ang Novashape ay isang non-invasive body contouring method.

So, hindi kinakabahan si Valerie na papasok na si Sam sa Wowowee?

"Hindi naman, hindi naman," sagot niya. "Kasi wala namang sinasabi na kung papasok siya may tatanggalin or anything. Wala namang ganun. Actually, kung papasok sa amin si Sam, tiyak na welcome siya kasi okay naman siya. At saka parang mabait siya.

"Sa ilang beses na nag-guest siya sa Wowowee, tahimik lang siya sa dressing room. Tapos pag tinanong mo siya kung nag-e-enjoy siya, sasagot siya, 'Of course!' So importante yun, e, na nag-e-enjoy siya. Kasi 'yon naman ang importante sa Wowowee, na happy person ka, di ba?

"Okay siya, feeling namin masayahin din siyang tao. Although medyo nahihiya pa siya kasi medyo ilang beses pa lang siyang nagge-guest sa Wowowee, di ba? Pero when she's on air naman, you can see na parang talagang, you know, na masayahin siyang tao.

"Kumbaga," patuloy ni Valerie, "she's trying na makasakay sa mga jokes. Hindi ko alam kung magaling siyang mag-Tagalog or kung fluent siya at nakakaintindi ng lahat ng Tagalog words. So, kung may joke, parang tina-try niyang makisakay. So, hindi siya yung parang, 'Ayokong makisama dito.' Hindi siya ganun kaya okay siya sa amin."

GOOD MOOD. Totoo bang walang dapat ipangamba si Valerie sa pagpasok ni Sam sa Wowowee dahil siya diumano ang "nagpapa-good mood" sa main host ng show na si Willie Revillame?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ganun? Talaga, may ganun ba?" natatawa niyang sabi. "Hindi, promise, hindi ko alam, walang ganun. Hindi totoo yun. Walang ganun. Grabe naman kayo!

"Before, alam kong may tsismis na parang...pero walang ako daw ang nagpapa-good mood. Parang natsismis lang na parang, 'Paano kung ligawan ka ni Papi?' Parang ganun. Pero wala naman yung ako ang nagpapa-good mood."

Ayon kay Valerie, hindi raw siya talaga niligawan ni Willie.

"Hindi, hindi, never! Hindi talaga."

So, wala siyang insecurity kahit may mga nang-iintriga na kapag nasa Wowowee na si Sam as a regular female co-host ay magiging "VIP" ito?

"A, hindi naman siguro kasi parang... Paanong magiging VIP? Walang ganun-ganun sa amin. Basta lahat masaya, okay kami," sabi ni Valerie.

ANGEL LOCSIN. Naitanong naman kay Valerie ang tungkol sa pag-alis ni Angel Locsin sa poder ni Becky Aguila na manager niya.

"Medyo nakakalungkot yung naging desisyon niya. Pero, of course, she has that right as a person, kung gusto niyang magpalit ng manager, di ba? Kumbaga, siya yun, e. Wala tayong magagawa dun. Sabi ko nga, everything happens for a reason. So for sure, merong rason si God kung bakit nangyari yun. Pero 'yon, ako, nakaka-sad din. Pero yun, wala tayong magagawa, e."

Nagkausap na ba sila ni Angel tungkol sa pag-alis nito kay Becky?

"Hindi pa. Actually, nagkita kami pero hindi namin pinag-usapan yung tungkol dun sa paglipat niya [ng manager] kasi parang feeling ko... Kahit si Tita Becky, hindi ko tinatanong. Kasi feeling ko, kung ako yung may problema, kakausapin ko si Tita Becky, di ba? Pero kung ibang tao kasi, alam mo yun, si Angel yun, e, ayokong makialam," sabi ni Valerie.

Siya ba ay hindi aalis sa poder ni Becky?

"A, hindi!" mabilis niyang sagot. "Kasi ever since naman nag-start ako, si Tita Becky nandiyan para sa akin, e. Kahit na when I got pregnant, kahit na after kong manganak, hanggang ngayon, nararamdaman ko yung suporta ni Tita Becky sa akin as my second mom. So I have no plans na umalis. Wala akong anything na parang issue sa kanya or whatever kaya never pumasok sa isip ko na magpalit ng manager."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN