Jake Cuenca on rumor that Roxanne Guinoo is engaged and pregnant: "I'm happy for her."

"Ako, I wanna stay out of it. It's their life, it's their business. Basta ang sa akin, I'm happy for Roxanne and, personally, wala akong alam sa detalye niyan. Basta ako, I'm happy for her and that's that," says Jake Cuenca about reports saying that his ex-girlfriend Roxanne Guinoo will get married next year and is now two-months pregnant.


Recently ay pumutok ang balita na magpapakasal na raw next year ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Roxanne Guinoo sa non-showbiz boyfriend nito. Kasabay nito ay ang usap-usapan na two-months pregnant na rin daw ang young actress. Pero hanggang ngayon ay wala pang naririnig na pahayag mula sa kampo ni Roxanne kung may katotohanan ang mga balita o hindi.

Sinubukan naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon dito ni Jake nang makausap namin siya sa 10th anniversary celebration ng YES! Magazine last Tuesday, February 23, sa NBC Tent. Pero hangga't maaari ay ayaw sanang magsalita ng young actor.

Aniya, "Ako naman, wala akong alam sa ganung issue. I have no idea about that, but I heard nga she's getting married. And if it's true, congratulations. Like I've said, kung ano ang makakapagpasaya kay Roxanne, yun din ang makakapagpasaya sa akin.

"Regarding that buntis issue, ibalato na lang ninyo sa kanila," patuloy ni Jake. "Ako, I wanna stay out of it. It's their life, it's their business. Basta ang sa akin, I'm happy for Roxanne and, personally, wala akong alam sa detalye niyan. Basta ako, I'm happy for her and that's that."

MELISSA RICKS. Kinumusta rin namin kay Jake ang matagal nang pinagdududahang special friendship nila ng young actress na si Melissa Ricks. Bakit patuloy pa rin ang pagde-deny nilang dalawa gayong mukhang tanggap naman ng publiko ang relasyon nila kung saka-sakaling umamin nga sila?

"Pagdating sa aming dalawa, wala naman kaming problema," sabi ni Jake. "We're both happy, we're both busy. So wala namang dapat ika-stress. Wala naman kasing dapat aminin sa fans. Honest naman ako dati pa that I admire her, I'm attracted to her. Pero ngayon, wala pa talaga kaming dapat aminin. Like what I've always said, we're both not rushing into things. Pareho kaming busy ngayon. When the right time comes, we'll be thankful for that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng patuloy na pagli-link kina Jake at Melissa, may lumabas na balita na nakita raw ang young actor kasama si Liz Uy, ang fashion stylist na ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz. Ayon pa sa report, nanliligaw raw si Jake sa dating kasintahan ni John Lloyd.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Jake sa PEP.

"Walang anything sa amin ni Liz," diin niya. "Hindi ako nanliligaw sa kanya, not at all. There's no issue between us. I just came to her birthday party because she invited me, that's it."

Dagdag pa ni Jake, alam daw ni Melissa na pumunta siya sa birthday party ni Liz. "'Saka magkaibigan din kami ni Melissa, so walang kaso yun," aniya.

May usap-usapan din na hindi raw gusto ng pamilya ni Melissa si Jake dahil daw sa negative issues and controversies na pinagdaanan ng 22-year-old actor. Bakit hindi na lang kausapin ni Jake ang pamilya ni Melissa para patunayang malinis ang intensiyon niya sa dalaga?

"Pag nagkikita naman kasi ng nanay niya, okay naman kami," sabi niya. "Sa ngayon, hindi ko pa sila nakakausap. But like I've said nga, paninindigan ko naman yun pagdating ng tamang panahon. When the right time comes, pag nandun kami sa right place, I'll talk to her parents.

"Sa akin naman, like I've said, hindi ako magmamalinis. I had lots of issues in the past years. Marami na rin akong mga kontrobersiyang pinagdaanan. Pero kung mabibigyan naman ako ng pagkakataon, kahit na nanay ni Melissa o kahit sino pa man, I'll be happy to prove everyone wrong Minsan ang tsismis ay tsismis lang."

SEXY BENCH BILLBOARD. Kapansin-pansin na wala na ang sexy Bench billboard ni Jake sa Balintawak, Monumento samantalang ilang linggo pa lamang ito naikakabit. Ang hinala ng iba, may kinalaman ang pagkakaalis ng sexy billboard ni Jake sa reklamo ng ilan na malaswa at hindi raw kaaya-aya sa paningin ang pagkakalantad ng katawan ni Jake habang nakasuot lang ng brief.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Ang sa akin naman, it's not my decision. Hindi ko naman desisyon kung ibababa man o itatatayo man yun. As an endorser of Bench, I just did my job, at sa akin, I didn't find it masagwa. Pero siyempre, hindi naman lahat ng tao makaka-appreciate ng ganung klase ng billboards. Itinayo ng Bench yun, they gave campaign on that, and I'm very thankful to Bench. Buong puso akong magpapasalamat sa kanila at sa mga taong nakakita at naka-appreciate ng billboards ko," saad ng aktor.

Right now, Jake is focused on his career, nagbubunga naman ang kanyang mga pagsisikap.

"Ako, I'm working hard. Ginagalingan ko lang talaga at inaalagaan ang mga blessings na ito. I have Agimat coming out. Ngayon, nagte-taping ako ng Rubi. Maraming salamat sa mga taong sumusuporta sa Rubi dahil mataas ang ratings namin," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN