Dingdong Dantes defends Marian Rivera on another issue involving fans

"Wala naman akong na-encounter na ganung incident. Well, siguro kung mayroon man, normal na may ganun. You can't please everybody. Nagkataon siguro na hindi napagbigyan yung request because it was in a crowded area, which I really don't know because specifically, yung incident na yun, baka sumobra lang din because wala naman talaga akong nakita," says Dingdong Dantes about the latest rumor involving his girlfriend Marian Rivera.


Ipinagtanggol ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera sa panibagong akusasyon na may nakaaway na naman daw na fans ang aktres nang magpunta sila sa Middle East (Dubai, UAE at Doha, Qatar) para sa series of shows nila with Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ayon sa reports, may ilang fans na inisnab daw ni Marian nang mag-request ang mga ito na magpa-picture at magpa-autograph sa kanya.

Pero sabi ni Dingdong, "Sa karamihan ng segundo na nandun kami sa Dubai at sa Doha, magkatabi kami, lalo na pag nagpo-promote, wala naman akong na-encounter na ganung incident. Well, siguro kung mayroon man, normal na may ganun. You can't please everybody. Nagkataon siguro na hindi napagbigyan yung request because it was in a crowded area, which I really don't know because specifically, yung incident na yun, baka sumobra lang din because wala naman talaga akong nakita. Ako kasi, normal na sa akin 'yang balita na 'yan, nasanay na ako," sabi ni Dingdong.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa 10th anniversary celebration ng YES! magazine noong Martes, February 23, sa NBC Tent.

TRIP TO SPAIN. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang pagpunta nila ni Marian sa Spain, kung saan dinalaw ng aktres ang ama nitong si Francisco Javier Gracia.

"It was much better than expected," sambit ng aktor. "Sobrang memorable, sobrang dami ng nangyari na hindi mo malilimutan talaga. Kung mas nagkakilala ba kami [ni Marian], well, hindi, kasi basically magkakilala na kami nang husto. But it's the experience that is different. It's the experience na may mga moments kayong mase-share, things you will keep for a very long time."

Muli ring nilinaw ni Dingdong na walang pamamanhikan na nangyari sa pagpunta nila ni Marian sa Spain.

"Walang ganun kasi yung trip na yun was really dun sa pagkikita nilang mag-ama," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik ba sila uli ng Spain?

"Kung may pag-uusap na ganun, nasa kanilang dalawa na yun. Ako naman, I'll just support Marian sa mga gagawin niya," sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN