Mark Anthony Fernandez hurt by Claudine Barretto's accusations against him

"Masyado po akong nanghina sa mga sitwasyon. Anyway, gusto ko lang pong sabihin na hindi po... Well, hindi ko nga po alam kung saan ako nagsinungaling. Kung nagsinungaling man ako or hindi man, hindi ko nga ma-pinpoint. Hindi po araw-araw. Hindi po ako ganun araw-araw," explains Mark Anthony Fernandez about his feud with ex-girlfriend Claudine Barretto.


Magalang at maayos na nakiusap si Mark Anthony Fernandez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalo sa press conference ng Diva—ang bagong primetime series niya with Regine Velasquez—na hindi muna siya masyadong sasagot sa mga katanungan ng press. Dahilan niya, nagpa-interview na raw kasi siya sa dalawang talk shows ng GMA-7, ang Startalk at Showbiz Central, hinggil sa mga isyu sa kanya ngayon.

"Bago pa po ako pumunta dito, ang sabi ko lang, nasabi ko na po lahat sa Showbiz Central at saka sa Startalk kung kaya't hindi muna ako magko-comment ngayong gabi. Pero since nandito po kayo, ano po ang gusto n'yong malaman?" pagbibigay pa rin ni Mark sa ilang press na lumapit sa kanya.

Ginanap ang launching ng Diva sa Studio 7 ng GMA Network kagabi, February 24.

ISSUE WITH CLAUDINE. Kaya naman hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang PEP at tinanong na namin siya tungkol sa recent interviews ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto, kung saan diretsahan nitong sinabi na galit siya at masama ang loob niya kay Mark dahil sa pagkakaudlot ng pelikulang gagawin sana nila sa Viva Films. (CLICK HERE to read related story.)

"Masyado po akong nanghina sa mga sitwasyon," sabi ni Mark. "Anyway, gusto ko lang pong sabihin na hindi po... Well, hindi ko nga po alam kung saan ako nagsinungaling. Kung nagsinungaling man ako or hindi man, hindi ko nga ma-pinpoint. Hindi po araw-araw. Hindi po ako ganun araw-araw."

Ayaw ba niyang makatrabahong muli ang dating girlfriend?

"Hindi po sa ganun. Conflict of schedule lang po talaga ang problema," paliwanag niya.

Ayon kay Claudine, hindi raw siya nag-sorry sa mga nangyari?

"Nag-sorry ako...nag-sorry ako," diin ni Mark. "Noong nagkaroon ako ng kasalanan, tumawag ako the very next day or two days yata."

Once and for all, naka-move on na ba siya from his past relationship with Claudine? Noong mag-guest kasi si Claudine Startalk, lumabas na baka hindi pa siya totally nakaka-move on sa nangyari sa kanilang relasyon kaya ayaw niyang makipagtrabaho sa aktres? Ito ay sa kabila ng meron na silang kani-kanilang pamilya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, yun ang sinabi ni Tita Lolit [Solis]. Ang totoo nun, siyempre, medyo masyado akong nasa tatay ko pa ako. Nandun pa rin ako sa sitwasyon na yun. Kung hindi pa ako nakaka-move on, dahil yun sa nangyari sa tatay ko," paliwanag ni Mark, na ang tinutukoy ay ang pagkamatay ng kanyang ama na si Rudy Fernandez noong June 7, 2008.

Ano ba ang nararamdaman niya sa lahat ng mga ibinabatong isyu sa kanya ni Claudine?

"Wala...wala naman. Sumasama ang loob. Pero lahat naman 'yan anticipated na. Napag-usapan nga namin ni Papa yung mga bagay-bagay na 'yan noong araw pa," sabi ni Mark.

DIVA. Pumayat si Mark ngayon, pero agad niyang nilinaw na dahil yun sa pagwu-workout niya sa gym. Kahit nga raw sa teaser ng Diva ay mapapansin na mas mataba siya kumpara ngayon. Kaya hindi rin daw totoo ang intrigang bumalik na naman siya sa dati niyang masamang bisyo.

"No, kahit pa po ipa-check n'yo ang ngipin ko. Kahit ipaimbestiga n'yo pa po ang ngipin ko," sabi ng aktor.

Tinanong din ng PEP si Mark kung sa Diva ba ay mapapanood siya hanggang sa ending nito, unlike noon sa Darna na bago pa man matapos ay nagpaalam na siya.

"Oo naman...oo naman," sagot niya. "At saka yung group naman na humahawak dito, mapangalaga naman sila. Actually po, nagkasunod-sunod lang naman po ang mga isyu, yung kay Claudine."

Dito sa Diva ay ginagampanan ni Mark ang role ni Gary, isang lyricist na kababata at kaibigan ni Regine. Kinumpirma rin niyang sa "kantaserye" na ito, na mapapanood simula sa March 1, ay boses daw niya ang ginamit sa musical numbers nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN