Jaya finally lives out her dream of acting in a soap opera

"Kasi sino ba naman ang mag-aakalang I will be able to do a soap? Si Regine siyempre ang nag-recommend sa akin at tatanawin ko 'yan na habambuhay na utang na loob," says Jaya about her first soap, Diva.


Natupad na ang pangarap ng Queen of Soul na si Jaya na umarte at makasama sa isang soap opera. Ito ay sa pamamagitan ng pinakaunang "kantaserye" ng GMA-7, ang Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

"Eto na nga! Artista na, masaya! Masaya ang aming soap!" tuwang-tuwang bungad ni Jaya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Finally, nakasali ako. Easy siya kasi kasama ko si Regine. So, ang dami niyang naituturong tips sa akin. For my first project, kasama ko pa si Regine giving me all the lessons that I need to learn, napapadali para sa akin ang pag-arte."

Nakausap ng PEP si Jaya sa grand launch ng Diva last Wednesday night, February 25, sa Studio 7 ng GMA Network.

BEST FRIEND NG DIVA. Kahit sa totoong buhay ay pareho silang kilala ni Regine bilang dalawa sa pinakamahuhusay na singers sa bansa, dito sa Diva ay hindi raw marunong kumanta si Jaya.

"Naku, hindi, ako ang manager ni Regine dito. Ako ang naka-discover sa kanya after a night na nag-audition siya sa comedy bar na pinagtatrabahuan ko. Nakipag-friendship ako agad sa kanya kasi kawawa siya. So, nahabag ako sa kanya. Mabait naman ang role ko, pero aawayin ko lahat ng mang-aapi sa alaga ko," paglalarawan ni Jaya sa kanyang role bilang Barbra, ang best friend ni Sampaguita (Regine).

So, ano ang challenge ng role niya sa Diva?

"Challenge? Wala kasi akong talent dito. Ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa boses, e, si Regine. Gagawin ko ang lahat para mapasikat ko siya," sagot ng singer turned actress.

Masayang-masaya nga raw siya na napasama siya sa Diva.

"Happy, siyempre. Kasi sino ba naman ang mag-aakalang I will be able to do a soap? Si Regine siyempre ang nag-recommend sa akin at tatanawin ko 'yan na habambuhay na utang na loob. She's the first person that gave me the opportunity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakarerin na ba niya ang paggawa ng soap?

"Sana mapansin. Sana mapansin nila. Ayoko rin naman na ma-stuck ako sa comedy lang. I think this also has a lot of drama on it's own," sabi niya.

Dahil ito ang kauna-unahan niyang soap opera, nanibago raw si Jaya sa schedule kumpara sa nakasanayan na niyang schedule sa mga variety at game shows.

"Well, ano lang, extra lang ang oras...maraming extra hours na gising ka. Sa akin, so far, not so bad. Nakekeri ko pa siya," sabi ni Jaya.

CLUELESS ABOUT SOP'S EXIT. Kahit isa sa main hosts ng SOP si Jaya, tila wala pa siyang kaalam-alam na final episode na ng kanilang musical-variety show sa Linggo, February 28.

"Hindi pa kinu-confirm sa amin," sabi niya. "Actually, ako ang walang alam. Wala talaga akong alam kung anuman ang mangyari. Ang manager ko kasi, hindi siya nagsasalita sa akin. So, sabi ko, ayoko na lang alamin kung ano ang mangyari on Sunday. I haven't gotten my study CD yet, yung mga kakantahin. So, wala talaga akong kamuwang-muwang."

Sinabi ng PEP kay Jaya na mismong si Ogie Alcasid ang nagkumpirmang huling episode na nga ng SOP sa Linggo at papalitan na ito ng bagong show. Maging sa hiwalay na panayam ng PEP kay Regine ay kinumpirma rin nito na magpapaalam na sa ere ang kanilang programa. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, nanggaling na nga sa kanya, so siguro," napakibit-balikat na lang na sabi ni Jaya.

"Nakakalungkot," pahabol niya.

Sa 13 years na itinakbo ng SOP, ten years dito ay kasama si Jaya. Nagsimulang umere ang SOP noong February 2, 1997, at pumasok naman siya sa show noong 2000.

"It's kinda sad...none of us was expecting it. Pero kung totoo talaga ang mangyayaring pagsasara, there's nothing much we can do about it. And we can only hope for something better to come along. Sana maging maganda kung anuman ang susunod na kapalit," saad ni Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Jaya, mapalad pa rin sila na tumagal ng mahabang panahon ang SOP.

"Di ba, may shows na naka-cancel after a year? Meron din naman na after 20 years. So, hindi mo talaga iisipin yun. Kasi ang pananaw mo, sana habambuhay. But nothing lasts forever, especially in television. You always have to keep something fresh, something new. So, ewan ko lang kung ano."

Sa palagay niya, what went wrong sa kanilang programa?

"Alam mo, napakalaking produksiyon niyan, e. Hindi mo mapi-pinpoint kung saan ang mali. Sino ang dapat i-blame. It's a team effort. Ang gawa ng isa, gawa ng lahat. Feeling ko, it's just a decision na kung sinuman ang nagdesisyon niyan, gusto na lang pagdesisyunan na ganun."

Pero sabi ni Jaya, she still has to find out what's going on. Hindi pa rin daw niya alam kung ano ang magiging kapalit ng kanilang show. Kaya tila clueless pa rin siya na Party Pilipinas na ang papalit sa SOP at retained pa rin silang apat nina Regine, Ogie, at Janno Gibbs bilang main hosts.

STEADY CAREER IN GMA-7. Nabalita na nag-offer daw ang TV5 para lumipat sa kanilang bakuran sina Ogie at Regine. On Jaya's part, meron din ba siyang offer na natanggap mula sa TV5?

"Well, you know, I never really thought about jumping over to another station. Wala, e, masaya ako dito. They've always been very kind to me. I always have a job. Although, hindi naman ako yung superstar, malandi lang. Alam mo yun?" natatawang biro niya.

"Pero," patuloy ni Jaya, "I always have a very steady career in GMA and I owe it a lot to Ma'am Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV], Ma'am Darling de Jesus [AVP for variety programs], they always trust me on what I'm capable of doing. Palagay ko naman, kung mawawalan ako, magkakaroon pa rin. Hindi ako magda-doubt dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A SLIMMER JAYA. Habang nagpe-perform si Jaya sa presentation ng Diva, marami naman ang nakapansin na pumayat na siya.

"Ay, thank you po," natutuwa niyang sabi. "Siguro kasi, full-time pa rin ako sa pag-aalaga sa mga bata. Although ngayon, medyo half. Pero ang usapan, bago ako umalis, ako ang magpapakain, ako ang magpapaligo, magbibigay ng gamot, lahat. Pagdating ko, ako pa rin ang nagpapadede, patulog. Pero sa gym nga, parang ngayong may soap, ang hirap. Mas kailangan naman, tulog," sabi niya.

May dalawang anak si Jaya sa kanyang asawa na si Gary Gotidoc—sina Sabriya at Dylan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN