Glaiza de Castro insists that she and Carlo Aquino are just "magkabarkada"

"Siguro yung dati, akala n'yo lang yun na, pero hindi pa talaga. Siguro malapit na malapit na, pero hindi natuloy talaga. May mga bagay na ganun na akala mo mangyayari, pero hindi," says Glaiza de Castro about how she almost had her first boyfriend.


Marami ang bumati kay Glaiza de Castro sa press conference ng Diva noong Miyerkules, Pebrero 24, dahil kapansin-pansin daw na mas lalo siyang gumaganda ngayon. Others even point to a young actor na nali-link sa kanya ngayon, si Carlo Aquino, na isa raw siguro sa reason ng lalong pag-bloom ni Glaiza.

Pero natawa lang ang magaling na young actress at paulit-ulit na sinabing matagal na raw silang magkabarkada ni Carlo.

"Alam mo naman yun, barkada talaga kami. Ewan ko... what could be the cause of fuss if they're seeing us together?" sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

This time daw kasi ay may "sundo factor " na sa pagitan nilang dalawa. Nasulat kasi sa PEP Alerts kamakailan na may nakakitang sinusundo siya ni Carlo sa GMA compound.

"May sundo?" natatawang sabi ni Glaiza. "Matagal na rin naman na ganun. Dati rin naman, pero hindi naman naiisyu."

Kung tutuusin, ang tagal na nilang magkaibigan ni Carlo. Pareho pa silang nasa ABS-CBN noon ay magkabarkada na sila. So, bakit ngayon, kung nakikita man silang magkasama, ay tila iba ang impression ng mga tao? Posible kayang may iba nang ipinapahiwatig si Carlo sa kanya ngayon?

"Other than... Well, hindi ko kasi ma-define kung ano yung panliligaw," sabi ni Glaiza. "Kasi nga, matagal na kaming... Parang ayokong magsabi. Parang wala ako sa posisyon na magsabing nanliligaw. Kasi, parang baka mamaya hindi naman pala."

Pero di ba't malalaman naman niya kung may kakaiba sa ipinapakita ni Carlo sa kanya?

"Parehas lang naman, e," sagot niya. "Parehas lang naman kung ano siya dati, ganun pa rin siya ngayon. Siguro, matagal lang kaming hindi nagkita ulit."

Kung talagang barkada nga lang sila hanggang ngayon, hindi ba siya nagugulat o nagtataka na this time ay nili-link sila romantically?

"Nakakatawa na lang. Parang nataon lang na nakitang ganun, pero wala naman talaga," ulit ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala rin ni Glaiza kung sino ang mga naging past girlfriends ni Carlo. Kung sakali nga at may katotohanan na iba ang intensiyon ng young actor sa kanya ngayon, nakikita ba ni Glaiza ang kanyang sarili na mai-in love din kay Carlo?

"Tingnan na lang natin... Masyado pang maaga para magsabi ng ganun. Mahal is such a strong word, di ba?" nakangiti niyang sagot.

PATRICK GARCIA. Bago ma-link romantically si Glaiza kay Carlo ay matunog ang pangalan noon ni Patrick Garcia na sinasabing nanliligaw sa kanya. So, ano na ang nangyari sa kanila ni Patrick?

"Ewan ko!" natatawang sagot ni Glaiza. "Wala na rin akong balita. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita. Siguro last year pa."

Bigla na naman ba itong nawala at hindi na lang nagparamdam?

"Oo, ganun talaga," sambit niya.

Hindi kaya "nakipag-break" na siya kay Patrick?

"Nakipag-break?" bulalas ni Glaiza. "May mga bagay-bagay kasi na kailangang time apart para mag-focus sa ibang bagay."

NEVER HAD A BOYFRIEND. Nasulat noon na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend o kahit na anong klaseng romantic relationship si Glaiza. Pero hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend?

"Kailangan sa akin talaga magmumula?" natatawa muna niyang sabi. Pero sa huli, sinabi rin nitong: "Hindi."

"Hindi pa talaga," giit ng young actress. "Siguro yung dati, akala n'yo lang yun na, pero hindi pa talaga. Siguro malapit na malapit na, pero hindi natuloy talaga. May mga bagay na ganun na akala mo mangyayari, pero hindi." Glaiza is referring to Patrick,.of course.

Kung ipu-pursue ni Carlo ang panliligaw sa kanya, posible kayang ito na ang maging first boyfriend niya?

"Hindi ko alam kung may ipu-pursue, kasi kaibigan lang talaga. As in, sobra," sagot ni Glaiza.

KONTRABIDA AGAIN. Bagamat kontrabida na naman ang role niya dito sa Diva, isa pang talento niya ang puwedeng makita sa kanya ng mga manonood—ang pagiging isang mahusay na singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo, kontrabida ako pero yung kuwela. Magaan lang kasi, hindi ganun ka-intense yung mga eksena. More on physical 'to kasi may mga production number kami," sabi ni Glaiza.

Makikipagkumpitensiya ba siya kay Regine ng biritan sa pagkanta?

"Ay, biritan, hindi kaya!" natatawa niyang sabi. "Pero kung kailangan lang talaga ng tarayan, e, trabaho yun. Pero yung status niya, hindi ko na kayang pantayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN