Bangs Garcia does not want to be typecast in sexy roles

"Ang pagpapa-sexy ko, ayokong ma-typecast na sexy image lang. Siyempre, may mga followers pa rin ako na nagsimula sa Let's Go at wholesome image yun. Until now, nandyan pa rin sila, so kahit papaano, nili-limit ko pa rin ang sarili ko. I mean, not all the time sexy ako. Kailangan ko rin na maging versatile," says Bangs Garcia.


Kahit hindi kasama sa February birthday celebrants ng Star Magic ang sexy young actress na si Bangs Garcia ay isinabay na siya sa mga talent ng Star Magic na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong February. Masaya at proud kasi ang talent arm ng ABS-CBN kay Bangs dahil nagawa niyang magdala ng isang afternoon series, ang Magkano ang Iyong Dangal?.

Bago magsimulang umere ang Magkano ang Iyong Dangal?, marami ang nag-aabang kung kaya na nga ba ni Bangs na panindigan ang pagtitiwala sa kanya ng Kapamilya network na maging bida sa isang soap opera. At base nga sa national ratings ng TNS, mukhang nagtagumpay naman siya.

Kung masaya ang Star Magic para kay Bangs, mas higit ang sexy actress sa kung anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Masaya po na mataas naman ang rating namin. Sana ma-maintain hanggang last airing niya," sabi ni Bangs sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi raw nawawala ang kaba niya dahil alam niyang marami ang nag-aabang kung kaya na nga ba niya.

"Hanggang ngayon, may kaba pa rin. Siyempre, matataas ang rating ng mga pinalitan kong teleserye, di ba? So, it's a challenge for me na ma-maintain din yun at hindi kami papatalo."

Pero siyempre, nakatulong daw sa kanya ng malaki upang maibsan ang kanyang kaba ang mataas na rating ng soap nila at ang mga magagandang feedback na nakakarating sa kanya.

"Mas confident naman po kahit paano ngayon. Kasi, di ba, at first, I almost backed out bago pa kami magsimulang mag-taping. ''Gagawin ko ba 'to or hindi?' May ganung hesitation ako. Tapos, habang tumatagal, mas nagiging at ease na 'ko. Nakakapag-adjust na 'ko. So, at home na ako sa set."

Kumusta naman sila ng direktor niya sa soap na si Chito Roño?

"Okey din kami. We're getting better din," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Bangs na noong una siyang nag-taping ay napagsabihan na siya ng batikang director.

"I think, normal naman talaga na kapag may kailangang baguhin sa acting mo, or may hindi siya gusto sa acting mo, dapat tanggapin mo yun kung ikagaganda naman ng soap. Nasigawan na rin ako ni Direk, pero hindi naman siya yung nagmumura. Pati rin naman mga crew, nakakagalitan din niya kapag alam niyang mabagal. Ganoon siya ka-perfectionist. Ganoon siya kagaling," ani Bangs.

MAGKANO ANG IYONG DANGAL? Natawa naman si Bangs nang biruin namin siya na "ibinenta" na niya ang kanyang dangal. Ang tinutukoy namin ay sa isang episode ng Magkano ang Iyong Dangal?, kung saan nagawa niyang ibenta ang kanyang katawan para sa boyfriend niya sa soap na si Sid Lucero.

"Oo nga, nabenta ko na!" natatawang sakay naman niya. "Actually, marami pang twist. Marami pang kaabang-abang na eksena."

Gaano nga ba siya magpapaseksi rito?

"Basta sabihin na lang natin na mas sexy pa sa Palos [her defunct primetime soap with Jake Cuenca]," sagot niya. "Sa tingin ko ha, mas sexy siya sa Palos. Ready naman ako gawin, pero siyempre TV 'to, may mga limitation. Kahit sa sarili ko rin naman, may limitation ako. Pero nandun yung willingness ko para sa ikagaganda ng teleserye, gagawin ko."

Happy rin daw siya having Sid as her love interest.

"Kami ni Sid, sobrang okay. Wala kaming dull moments. Kahit din naman kami ni Rayver [Cruz, her other leading man]. Although, so far, wala pa talaga kaming nakukuhanan ni Sid na grabeng sexy na eksena, yung kissing scene, bed scene...magkakaro'n pa lang. But I don't think na magkakaroon ng inihibition."

ROXANNE GUINOO. "I don't know," ang nakangiting sagot ni Bangs when asked if Magkano ang Iyong Dangal? was really her gain and Roxanne Guinoo's loss. Si Roxanne kasi ang original choice na gumanap sa papel ng bida sa soap na ito, pero nag-backout ito at the last minute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko lang, maganda yung iniwan niyang teleserye," sabi ni Bangs. "Siguro, everything was meant to happen. Parang siya naman, happy naman yata siya sa kung anuman ang meron siya ngayon."

Magpapakasal na raw si Roxanne?

"Yeah, I heard na totoo raw, na ikakasal na," banggit ni Bangs. "Hindi pa kami nagkakausap talaga ni Roxanne. Pero nagkausap kami ng mga common friends at yun nga, balita ko ikakasal siya. So, I'm happy for her."

Nagulat din daw si Bangs nang makarating sa kanya ang balitang magpapakasal na si Roxanne sa businessman na si Elton Yap sa January 2011.

"Nagulat talaga, oo, para kasing it's too early. Pero kung happy naman siya at gusto na niyang mag-settle down. Okey lang din yun. It's her decision," sabi niya.

Before, kay Roxanne kadalasang ibinibigay ng ABS-CBN ang sexy roles sa kanilang mga programa. Ngayong mag-aasawa na si Roxanne, si Bangs na kaya ang tuluyang magmamana sa mga project na dapat ay nakalinya rito?

Natawa si Bangs ng konti bago nakasagot. Aniya, "Parang ganun na nga po. Pero siyempre, ang pagpapa-sexy ko, ayokong ma-typecast na sexy image lang. Siyempre, may mga followers pa rin ako na nagsimula sa Let's Go at wholesome image yun. Until now, nandiyan pa rin sila, so kahit papaano, nili-limit ko pa rin ang sarili ko. I mean, not all the time sexy ako. Kailangan ko rin na maging versatile."

Kumusta naman ang lovelife niya?

"Wala, e, walang lovelife," sabi niya. "But I'm happy. Sobrang busy ko rin naman, so I don't think I'm gonna have time for that. Masaya naman ako sa taping, masaya ako sa work. First teleserye ko 'to, so pinapa-prioritize ko siya. Anyway, ang lovelife naman, it can wait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN