TJ Trinidad gets to practice his singing ability in Diva

"Alam mo, when you're an actor, you sort of adapt to the system of where you are working for. Everyone that I've worked with treated me well. They are all very professional. Wala akong naging kasamaan ng loob. So, I can't say really that this is better or the other is better. They are all good to work with," said TJ Trinidad when asked what TV network he is happiest working with.


Malaki ang pasasalamat ni TJ Trinidad at hindi siya nababakante ng trabaho sa GMA-7. After ng Dear Friend: Almost A Love Story, kung saan nakasama niyang muli ang Stairway to Heaven co-star niyang si Rhian Ramos, ngayon naman ay kabilang siya sa cast ng kauna-unahang kantaserye sa primetime ng GMA-7, ang Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

"Nakakataba ng puso and I'm very grateful and thankful to GMA for all the work they have given me. Happy ako na hindi nila ako nakakalimutan at hindi nga ako nababakante ng trabaho. That's why I always make sure to give my all, to give my best para matumbasan yung pagtitiwala nila sa akin," pahayag ni TJ nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng Diva last February 24 sa Studio 7 ng GMA Network.

In Diva, TJ plays the role of Martin, isang musician-composer na gusto ni Sampaguita, played by Regine. Mai-involve sila sa love triangle with Mark Anthony Fernandez.

"Something like that, pero dun din patungo yun," sabi i TJ. "Magkabanda kami ni Mark at saka ni Regine. Ako yung ambitious guy. I will do anything for the band to get the big break para sumikat, para kumita."

Gaano ka-challenging ang role niya rito?

"Challenging because the singing part is difficult, e. I mean, I do sing and I sing in a band before. Pero it's like a rock band. It's not like how Regine sings well, alam mo yun? Iba yung training nila. Ako kasi, pabanda-banda rito lang, e. So, it's difficult in that sense."

Masasabi niya ba na lumabas dito yung naitatago niyang talent sa singing?

"Ewan ko kung meron bang lumabas!" natatawang sabi ni TJ. "Ewan ko kung ma-appreciate ng tao. Pero kung ma-appreciate, salamat."

WORKING WITH REGINE. First time makatrabaho ni TJ si Regine. How is it working with the Songbird?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's good for a first time. She's easy to work with. It's really nice because magagaling yung cast ng Diva. No problem whatsoever," sagot niya.

Ano ang first impression niya kay Regine noon hindi pa sila nagkakasama sa trabaho?

"I really admire her singing voice. She's amazing. Same also with her acting ability. Of course, when you say Regine, ibang level 'yan. She's such a great singer and she's known even outside of the Philippines. My impression is she's really a big star."

Ano ang na-discover niya kay Regine nang magkatrabaho na sila?

"In spite of her popularity, I'm happy to see that she's very humble and easy to work with. Mabait siya. We only had like three taping days, so I'm really excited to discover more things about her."

Tinutulungan ba siya ni Regine when it comes to singing?

"Well, at this point kasi wala pa kaming time to really bond together. Parang for our singing parts, dumidiretso kami sa studio. I was there with a voice coach naman. So, I haven't really spoken with Regine about any tips on singing. But I will try to ask for tips pag nagkaroon kami ng pagkakataon to really talk because I know she could really be of big help," sabi ni TJ.

GETTING ALONG WITH THE CAST. How about si Mark, what can he say about him?

"Si Mark, mabait din, tahimik. It's also my first time to work with him. So, I'm on that stage of getting to know him, getting to know them kasi magkakilala na sina Regine at Mark. So, we'll see what will happen. As far as I know, we are all getting along and mukhang okay yung chemistry ng cast. That's good." (Nagkasama na noon sina Regine at Mark sa primetime series na Ako Si Kim Samsoon.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay TJ, si Mark daw talaga ang leading man ni Regine sa Diva. Siya raw ang magsisilbing panggulo sa dalawa. Kontrabida ba ang role niya rito?

"Hindi, pero may pagka-antagonist din siya. Kasi yun nga priority niya, yung banda. Priority niya yung sumikat, yumaman. So, parang doon nako-compromise yung pagiging mabait niya kasi nabubulag siya sa goal niya sa buhay, which is sumikat at yumaman."

Sa Diva, isang magaling na singer pero may pangit na kaanyuan si Sampaguita (Regine). In real life, posible bang ma-in love si TJ sa isang pangit, pero very talented na babae?

"Yeah, of course," sagot ng aktor. "Siyempre naman nasa ugali naman yun, e. I mean, meron ngang isang magandang babae pero masama ang ugali, hindi mo rin naman magugustuhan din. So, it's definitely possible."

RHIAN RAMOS. Nilinaw naman ni TJ ang isyu na nade-develop na raw sila sa isa't isa ng Almost A Love Story co-star niyang si Rhian Ramos.

"No, that's not true. That's probably because of the show lang," tanggi niya.

Pero how will he describe yung relationship niya with Rhian ngayon?

"We're very comfortable working with each other. But that's just a platonic level. It's doesn't mean na you have feelings for someone, na nade-develop na kami romantically sa isa't isa," paliwanag ni TJ.

Imposible raw silang ma-in love ni Rhian sa isa't isa dahil may non-showbiz girlfriend si TJ. Hindi ba nagseselos ang girlfriend niya kay Rhian?

"No, she is very understanding and very supportive of my career. Though they haven't met personally, there's no reason para magkaroon ng selosan."

STAYING AS A KAPUSO. Samantala, marami nang artistang lumilipat sa TV5 ngayon. Dati na siyang nagtrabaho bilang host ng isang show sa TV5, ang Rescue Mission. May offer ba siya para magtrabaho ulit sa TV5?

"Wala, walang offer," sagot ni TJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung bigla nilang maisipan na kunin siya ulit, tatanggapin niya ba ang offer?

"You know, I'm happy working with GMA. I have a strong relationship with GMA. So, I'm a Kapuso for now."

Naranasan na niyang magtrabaho sa tatlong TV networks—ABS-CBN, TV5 at GMA-7. Saan siya pinakamasaya?

"Alam mo, when you're an actor, you sort of adapt to the system of where you are working for. Everyone that I've worked with treated me well. They are all very professional. Wala akong naging kasamaan ng loob. So, I can't say really that this is better or the other is better. They are all good to work with."

Wala raw talagang balak lumipat si TJ dahil naka-focus nga siya sa present show niya sa GMA-7, ang Diva, na mapapanood na simula sa Lunes, March 1, pagkatapos The Last Prince sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN