Aljur Abrenica not affected by Rich Asuncion's denial that they became an item

"Wala pa ako sa stage na dapat magseryoso sa isang relasyon. Naka-focus po ako sa work ko talaga," says Aljur Abrenica.


Mas fit ang katawan ngayon ni Aljur Abrenica, the reason kung bakit sinabing nagpa-nose lift daw siya. Tinawanan lamang ni Aljur ang intrigang ito sa kanya nang makausap namin siya sa pocket presscon na ipinatawag ng Artist Center sa Souvenir Room ng GMA Network Center Annex noong Miyerkules, February 24.

Pinindot-pindot pa nga ni Aljur ang ilong sa harap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press para patunayan na hindi niya ito ipinaretoke.

"Meron po akong picture noong 16 years old pa lang ako na ganito ang ilong ko," sabi ni Aljur. "Siguro po dahil pumayat ako—from 170 lbs., 140 lbs. na lang ako ngayon—naging prominent ang nose ko."

Ayon kay Aljur, nakatulong sa kanyang pagpayat ang sunud-sunod nilang taping sa telefantasyang The Last Prince.

"Kung minsan, three days na diretso ang taping namin, lalo na kung mahihirap ang eksena namin," aniya. "Kaya umiinom na lang po ako ng chocolate drink para magising ako. Kung minsan, pinakamahaba ko nang tulog ang six hours. Pero okey na rin po ito kasi kailangan ko talagang magpa-slim ng katawan dahil may bago akong pictorial ng billboard para sa Bench."

May balita na pagkatapos daw ng The Last Prince ay paghihiwalayin na muna ang loveteam nila ni Kris Bernal. Payag ba si Aljur dito?

"Hindi po okay sa akin 'yon," sagot ng young actor. "Pero kung 'yon ang gusto ng management, wala po kaming magagawa ni Kris. Nakakalungkot lang po kasi ang tagal na rin naming magkatrabaho ni Kris. Takot din po ako dahil nasanay na akong siya ang katrabaho ko. Parang mahirap mag-adjust kung may bago ulit akong katambal.

Dagdag ni Aljur, "Mahal ko na po siya. Kaya kung minsan na napag-uusapan namin ang tungkol doon, ang usapan namin, kahit anong mangyari, hindi kami magbabago sa isa't isa."

RICH ASUNCION. Paano na ang issue sa kanila ni Rich Asuncion? Ayon kasi sa reports, si Rich daw talaga ang totoong girlfriend ni Aljur, pero nag-break na raw sila at idini-deny na rin ni Rich na naging sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama naman pong tumanggi siya dahil hindi naman totoo na naging kami," sabi ni Aljur.

Hindi ba siya nasasaktan kapag idinidenay siya ng isang babae?

"Okey lang po sa akin 'yon. Wala pa ako sa stage na dapat magseryoso sa isang relasyon. Naka-focus po ako sa work ko talaga," sagot niya.

Napangiti lang si Aljur nang tanungin naman siya kung ano ang comment niya sa mga babaeng pinalalabas na naging boyfriend nila ang StarStruck 4 Ultimate Hunk. Biniro tuloy siya na dapat ay maging maingat na siya ngayon sa pagpunta-punta kung saan-saan para hindi na maulit ang naging isyu nang pumunta siya sa Puerto Galera last Holy Week.

"Opo, maingat na po ako," nakangiti naman niyang sabi. "Kapag may free time ako, pumipili po kami ng lugar. Kasama ko pa rin po ang mga kaibigan ko, sina Moymoy. Doon lang kami sa Metrowalk. Kapag kilala namin ang mga bandang tumutugtog doon, like South Border, nakiki-jamming kami sa kanila. Pero kung may taping ako kinabukasan, umuuwi kami agad."


HONG KONG TRIP. Speaking of Holy Week, saan niya planong pumunta this year?

"Nakaplano na po ang pagpunta namin ng family ko sa Hong Kong ng five days. Gusto kong i-treat ang mga kapatid ko sa Hong Kong Disneyland. Five years old pa lang ako nang una akong makapunta sa Hong Kong, kaya ngayon din lang ako makakapasyal sa Disneyland," sabi ni Aljur.

Hindi ba niya isasama si Kris sa Hong Kong?

"Hindi ko pa po nasasabi sa kanya, pero kung gusto niyang sumama, why not?" sagot ni Aljur.

WORKAHOLIC. Bakit parang ayaw na niyang magpahinga sa trabaho?

"Gusto ko po kasing makaipon para makabili na kami ng bahay somewhere in Quezon City. Nandito na rin po kasi kaming lahat, kasi dito na nag-aaral ang younger brother and sister ko. Kaya lahat ng kinikita ko, iniipon ko na muna sa bangko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of his younger brother, totoo bang gusto nitong mag-audition para sa susunod na Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN?

"Wala pa naman po kaming napag-uusapan," tugon ni Aljur. "Kasi kung ako ang masusunod, ayoko siyang mag-stop ng studies niya. Nag-aaral siya ng Culinary Arts sa UP Kalayaan. Basta ang sabi ko sa kanya, huwag niyang sayangin ang oras. Pero nasa kanya rin po ang pagdedesisyon."

Kumusta naman ang pag-aari nilang Ichiban Bar sa Batangas City?

"Napakalakas po at thankful po ako," sabi ni Aljur. "Si Daddy po ang nagma-manage doon at kapag wala akong trabaho, pumapasyal ako doon. Gusto nga po naming bilhin yung lote sa likod ng bar para mapalaki pa namin."

FIRST ALBUM. Sa ngayon, nagre-record na ng kanyang first solo album si Aljur sa Sony-BMG Records. Tatlong kanta pa lang daw ang naire-record niya—may revival at original.

Hopefully, mai-release daw ito before his 20th birthday sa March 24, kasabay ng isang major concert. Pero mukha raw malabo dahil hindi tuluy-tuloy ang recording niya dahil na rin sa taping ng The Last Prince. Balita ni Aljur, baka ma-extend pa ang telefantasya nila dahil sa magandang ratings nito. Kaya nagpapasalamat sila sa televiewers na sumusubaybay sa kanilang palabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN