First Time's Barbie Forteza wants to follow in the footsteps of idol Marian Rivera

The pre-teener is worth emulating herself: "Gusto ko pong mag-summer classes. Kasi nga po marami akong nami-miss sa school kapag may taping... Ayoko naman po kasing huminto sa pag-aaral ko. Importante pa rin sa akin ang education ko kahit busy na ako sa pag-aartista."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 26, ang batang bida ng First Time na si Barbie Forteza sa Studio 6 ng GMA building at isa sa naitanong namin sa kanya ay kung sino sa mga kasalukuyang aktres ang iniidolo niya at gustong masundan ang mga yapak.

Si Marian Rivera, ang sagot ni Barbie. "Kasi yung career niya tuluy-tuloy. Meron siyang soap, movies, may commercials, meron siyang ads," pahayag ni Barbie.

Kung papipiliin siya sa mga nagampanan na ni Marian sa telebisyon, alin doon ang pinakagusto ni Barbie na gampanan din someday?

"Marimar!" ang sabi ng bata. "Pero gusto ko ring mag-Darna para challenge, aksyon."

Tawa lang ang isinagot ni Barbie sa tanong kung kakayanin rin niyang isuot ang sexy costume ni Darna kapag dalaga na siya.

CHEF BARBIE. Kahit 12 years old pa lang si Barbie, sigurado na siya kung ano ang kursong kukunin niya pagdating sa college.

"HRM [hotel and restaurant management] po! Gusto kong magkaroon ng sarili kong restaurant, or mag-manage ng isang hotel. Gusto ko rin pong maging pastry chef."

Ngayong summer, kapag may free time, instead na mag-beach or mamasyal, mas gusto ni Barbie na kumuha ng special summer classes.

"Gusto ko pong mag-summer classes. Kasi nga po marami akong nami-miss sa school kapag may taping."

Graduating na siya sa elementary this March at gusto niyang i-review ngayong summer ang mga na-miss niyang lessons.

"Para pagdating ko ng high school hindi na po ako mahirapang mag-adjust sa mga lessons."

Balak ni Barbie na mag-home study program sa high school dahil napaka-busy na niya bilang isa sa pinakasikat na young stars ng GMA-7.

"Ayoko naman po kasing huminto sa pag-aaral ko. Importante pa rin po sa akin ang education ko kahit po busy na ako sa pag-aartista."

BOY TALK. Sa naturang teen drama ng GMA-7, close friend ni Barbie si Jhake Vargas at love interest naman niya si Joshua Dionisio. First time daw niyang magkaroon ng kabarkadang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, marami ring babaguhin kasi nga lalaki. Iba yung pakikipag-usap sa lalaki, sa babae, yung girl talk iba sa pakikipag-usap sa lalaki. Pero masaya rin namang kausap si Jhake, mapagbiro."

Sa umpisa lang sila nagkailangan. "Nung una po kasi ano, tahimik po siya, hindi po siya makuwento. Pero madali rin naman po kaming naka-adjust, kasi madali rin naman pong pakisamahan si Jhake."

Bilang magka-love team, di pa naman nag-away o nagkatampuhan sina Barbie at Joshua, pero madalas daw silang nag-aasaran. "Ganun lang po talaga kaming mag-usap."

Kung ide-describe niya in one word si Joshua, ito'y "makulit!"

Physically, ang pinakagusto niya raw sa ka-partner ay ang mga mata nitong singkit.

"Iyon nga, kapag sinabing walang mata, siya po ang naaalala ko," natatawang sabi ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN