Claudine Barretto says there's no "tampuhan" between her and Ate Gretchen

Claudine and Gretchen Barretto were supposed to star in a drama series for ABS-CBN when Claudine suddenly transferred to GMA-7. Since then they haven't talked, but she says there's no gap between and her big sis. "Kailangan lang naming magkita-kita," says Claudine who is soon to star in her own drama anthology for the Kapuso network.


Natuwa si Claudine Barretto nang kunin siya bilang judge sa Binibining Pilipinas 2010.

Sa naganap na pre-pageant night kagabi, February 26, sa Studio 7 ng GMA-7, kasama ng award-winning actress sa board of judges sina Mike Enriquez, Ms. Wilma Galvante at marami pang iba.

First time ni Claudine na umupo bilang judge ng isang beauty pageant at nagtaka nga raw siya kung bakit napili siya.

"I asked them pa nga kung bakit ako? E, never naman akong sumali or naging beauty queen. Ang alam ko kasing kinukuha nilang judge ay either past title holder or mga involved nga sa ganyang mga pageants.

"They explained it naman na they put celebrities as judges para may representative ang entertainment field. Ako raw ang napili nila and I'm very flattered about it. Kasi nga they can choose a lot of celebrities from GMA-7, di ba? E, bago pa lang ako dito but the BPCI [Binibining Pilipinas Charities, Inc.] chose me kaya nakakatuwa naman iyon...

"National beauty pageant pa ito kaya our scores will determine who we will send as Philippine representative to the Miss Universe, Miss International and Miss World pageants."

Excited at impressed si Claudine habang pinapanood mula sa kinauupuan niya ang mga candidates para sa taong ito.

"Ang tatangkad nila at magaganda silang lahat," ngiti ni Claudine. "As a judge, ang mahirap na part ay iyong pagpili who deserves the titles. But during the pre-pageant, makikita mo na kung sino ang standout at sino yung favorite ng crowd...

"Since it's my first to sit as one of the judges, nae-excite akong maglagay ng score. Parang ang hirap for me to give a low score kasi magkakaiba sila ng ganda, talent at appeal. But as a judge, I need to be fair. Pero may mga choices na ako at sana magtugma sa gusto rin ng ibang judges."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRAMA ANTHOLOGY. Magsisimula na si Claudine ng kanyang unang show sa Kapuso network. Ito ay ang SRO Cinemaserye kung saan may drama anthology siya. Hindi raw ito tatakbo ng iisang buwan lang.

"They already showed me scripts for the episodes na gagawin ko. Excited na ako to act again. Matagal din akong hindi nakaranas ng pag-arte on TV.

"Magaganda ang mga storylines na pinakita nila sa akin and we might start taping na by March. Kaya abangan na lang nila yung SRO kasi iba't ibang istorya ang mapapanood nila and I will be working with the stars of GMA-7."

Lilipad din for the U.S. si Claudine dahil sisimulan na niya ang shooting ng In Your Eyes, ang pelikula niya sa ilalim ng Viva Films na co-produced ng GMA Films. Kasama niya rito sina Richard Gutierrez at Anne Curtis.

"We might start shooting it in April. Kasi nga this March, we will start muna with the TV drama. Magbabangko muna kami bago ako umalis for the U.S. May ite-tape din kasi na pang-SRO episode sa U.S. Kaya I might stay there for over a month.

"This is my first time to work with Richard Gutierrez. Though matagal ko siyang kilala at pati na ang family niya like si Ruffa na naging kaibigan ko noon pa, Tita Annabelle Rama and Tito Eddie Gutierrez, ngayon ko lang talaga siya makakatrabaho.

"With Anne naman, it's also my first time with her, kahit na nagkakasalubong kami or nagkakasabay ang guestings namin sa ABS-CBN 2 before. She's a very nice girl and I am happy to work with her."

Hiningan namin si Claudine ng comment sa muling paghingi ng sorry ni Mark Anthony Fernandez sa kanya dahil sa hindi natuloy na movie project nila.

Simple na lang ang naging sagot ni Claudine tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As much as gusto kong mag-react, pinagsabihan na ako ng asawa ko [Raymart Santiago] na tigilan ko na. Tutal matutuloy na ang movie kaya tama na iyon. Huwag na nating pahabain pa iyon," sabay ngiti pa ni Claudine.

SCRAPPED SISTER ACT. Tinanong din namin si Claudine kung nagkausap na ba sila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto. Balita kasing may tampuhan ang dalawa dahil hindi nga natuloy ang drama series sana nila para sa ABS-CBN.

Inamin ni Claudine na matagal na niyang hindi nakakausap or nakikita ang kanyang Ate Gretchen.

"Since January 31, hindi pa kami nagkikita or nagkakausap ni Ate Gretchen. Even nga si Ate Marjorie [Barretto], hindi ko rin nakakausap. Pare-pareho kasi kaming naging busy and sometimes nagte-text na lang kami sa isa't isa. But not that often din.

"In regards doon sa TV drama na dapat gagawin namin ni Ate, the last time na nag-usap kami, she said na she won't do the series anymore kasi nga nakalipat na ako sa GMA-7. At ang alam ko rin, the project will be given na lang to Bea Alonzo.

"Pero kelan nga lang, someone told me that Ate will be doing the project with Bea nga at magsisimula na silang mag-tape for that. So I guess, gusto nga gawin iyon ni Ate talaga.

"I don't think naman na nagtampo siya sa akin or anything like that kasi alam naman niya ang mga plano ko. Never ko naman kinumpirma noon yung tungkol sa series na iyon kasi nga may ongoing na negotiations that time.

"One of these days siguro, magkakausap din kami ni Ate para matapos na ang sinasabi nilang nagkakatampuhan ulit kami. On my part, wala akong dapat na ikatampo kay Ate or sa ibang kapatid ko. Kailangan lang naming magkita-kita lang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN