Glaiza de Castro torments her biggest star yet in Regine Velazquez's Diva

"Nahihiya at saka kinakabahan [ako] kasi most of the scenes, magkakasama talaga kami. Alam niyo naman po kung gaano siya kagaling sa timing, magpatawa, magpaiyak, kumanta. At lahat yun kailangan kong sabayan. Hindi mo man mapantayan, sabayan mo lang para hindi ka maiwan. Yun ang pressure na bumabalot sa akin ngayon," says GMA-7's resident meanie.


Glaiza de Castro has finally arrived as kontrabida. Dati, mga young stars na katulad nina Maxene Magalona at Rhian Ramos ang kanyang tinatarayan at pinagmamalupitan. Ngayon sa Diva, ang kauna-unahang primetime musical comedy series ng GMA-7, magiging kontrabida si Glaiza ng isang bigating artista at sikat na singer, si Regine Velasquez.

Sa Diva ay ginagampanan ni Glaiza ang role ni Tiffany, na magiging karibal sa kasikatan ni Sampaguita a.k.a Melody, na ginagampanan naman ni Regine.

"Nakakatuwa, kasi every project na natatanggap ko ay palaki nang palaki, pabongga nang pabongga... Tapos first kantaserye sa primetime, talagang napakalaking privilege nung mapasama ka, di ba?" bulalas ni Glaiza nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Diva last February 24 sa Studio 7 ng bagong GMA building.

DIFFERENT VILLAIN ROLE. Malayo ba ito sa pagkokontrabida niya bilang Eunice sa Stairway to Heaven?

"Malayo talaga. Si Eunice napakabigat niya talaga, e. Dahil nung time na ginagawa namin yun, after that talagang sabi ko magpapahinga ako nang bongga kasi nai-imbibe ko siya, e. Pero ngayon nakakatuwa kasi alam kong magiging magaan yung trabaho namin, pero hindi naman ibig sabihin na magre-relax na kami. Masaya yung istorya, masaya yung produksyon. So, hindi siya ganun kabigat."

Anong klaseng kontrabida siya rito ni Regine?

"Kasi protégée ako ni Ms. Regine dito. Magsta-start ako na hindi ako mean. Magsta-start ako na underdog ako, alalay. Tapos bigla akong mabe-brainwash. So, lahat-lahat ng meron si Melody, like yung career niya, lahat ng meron siya gusto kong makamit yun. Lahat kukunin ko, yung boyfriend niya, yung nagmamahal sa kanya, yung pamilya. Basta lahat ng nagpapasaya sa kanya, pipilitin kong makuha."

Hindi ba siya na-intimidate na isang Regine Velasquez na ang tinatapatan niya bilang kontrabida?

"Siyempre po, nahihiya at saka kinakabahan kasi most of the scenes magkakasama talaga kami. Siyempre, makakabatuhan ko siya ng linya. Alam niyo naman po kung gaano siya kagaling sa timing, kung gaano siya kagaling magpatawa, kung gaano siya kagaling magpaiyak, kung gaano siya kagaling kumanta. Lahat yun nasa kanya na. At lahat yun kailangan kong sabayan. Hindi mo man mapantayan, sabayan mo lang para hindi ka maiwan. Yun ang pressure na bumabalot sa akin ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING TO KNOW REGINE. Ano ang masasabi niya na ni-request pa raw siya ni Regine para maging kontrabida nito?

"Sobra pong privilege, sobra pong honor yun para sa akin na si Ms. Regine pa ang nag-request, di ba? Noong una nga, hindi pa yun nasabi sa akin na kasama ako sa show na ito. Pero when I found out, tapos may ganito pa, may kanta, may sayaw, wow, ang sarap."

Bagamat nagge-guest si Glaiza sa SOP dati, kung saan main host si Regine, never pa raw silang nagkasama sa isang production number. Ngayong katrabaho na niya si Regine, ano ang na-discover niya sa Asia's Songbird?

"Kasi ngayon hindi pa kami talagang nagte-taping together. Pero nung time na nag-storycon kami, tapos 'etong presscon, siya mismo yung nagdi-discuss sa akin na, 'Glaiza, ayoko nang masyado kang mean. Kasi coming from Eunice [Stairway to Heaven], masyado yatang nainis ang mga tao sa iyo.' So, siya mismo, ayaw niyang kainisan ako ng mga tao. Parang gusto niya nakakainis pero nakakatuwa pa rin kasi nga may comedy, e.

"So siya yung bumubuo ng character ko. Siya rin yung nagko-conceptualize ng mga scenes namin, na nakakatuwa kasi meron siyang pakialam sa lahat. Meron siyang concern sa mga eksena namin. May concern siya sa character ko, sa role ko, sa role ng bawat isa. So, talagang wow, umaarte ka na kumakanta ka pa at sumasayaw, tapos may input ka pa sa istorya, sa produksyon na ito. Lalo tuloy tumataaas ang tingin ko sa kanya."

KAPUSO'S FAVORITE KONTRABIDA. Siya na raw ang favorite kontrabida ng GMA-7 ngayon. Ano ang masasabi niya rito?

"Siyempre po nakakatuwa, kahit na against sa principles mo yung mga ginagawa mo. Pero rewarding yung mga ganung compliments, yung mga ganung comments sa akin. Salamat po."

Hindi ba siya nagsasawang magkontrabida?

"Kung ganito naman pong kaganda ang projects na ibinibigay sa akin, wala pong problema sa akin kung kontrabida ako. Wala pong sawa factor kasi iba-ibang projects naman ang ibinibigay ng GMA sa akin. Iba-ibang atake rin ang ginagawa sa mga characters ko, so walang reason para magsawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na factor din daw para kay Glaiza ang pagiging musical ng Diva dahil gustung-gusto niya talagang kumanta.

"Ini-enjoy ko talaga kasi hindi lang kanta, may sayaw pa, nandun na lahat. Wala ka nang hihilingin pa."

Bukod kina Regine at Glaiza, kasama rin sa cast ng Diva sina Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, Rufa Mae Quinto, Jaya, Randy Santiago, Buboy Garovillo, Gloria Diaz, Mark Herras at Ynna Asistio.

Directed by Dominic Zapata, ang Diva ay mapapanood simula sa Lunes, March 1, pagkatapos The Last Prince sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN