James Yap says marriage with Kris Aquino is still going strong

"Sana ipagpatuloy natin ang love, love, love," said James (left) on Startalk, addressing wife Kris (right). "Kasi, sa lahat ng trials na pinagdaanan namin, nandito pa rin kami, ipinaglalaban yung love namin."


Nakausap ng Startalk sa presscon ng Sun Life Financial Philippines ang cager na si James Yap, kasama ang anak nila ni Kris Aquino na si Baby James. Silang mag-ama kasi ang endorsers ng Sun Life.

Sa panayam ni Ricky Lo kay James, ikinuwento nito kung ano ang nangyari sa asawa nang madulas ito at ma-confine sa ospital ng ilang araw.

Tulog na raw si James nang maaksidente si Kris.

"Naligo siya sa banyo, around 3 o'clock in the morning. Nagbabasa yata siya, e, tulog na ako that time. Tapos, buti narinig ko siya noong napasigaw siya. Nadulas nga raw siya, ang sakit daw noong tinanong ko kung ano ang nangyari sa kanya."

Itinakbo ba niya kaagad si Kris sa ospital pagkatapos ng nangyari?

"Hindi pa... natulog pa siya. Bumili pa siya ng gift sa friend namin kinabukasan. So, ngayon, nahilo talaga siya, umuwi siya. Tinawagan niya yung doctor, si Doc Ayen, sabi niya, 'Doc, puwede bang pumunta ka rito?' Tapos, kinuhanan siya ng BP [blood pressure].

"Alam mo ang BP niya, 180/100. Kaya siya nahihilo rin. So, yun, na-confine siya. After ng game ko, nagulat na lang ako na nandun na siya sa hospital. After ng game, hindi na ako naligo, bihis na at takbo na ko run."

Maayos na raw ang kalagayan ni Kris ngayon.

BABY JAMES. Pinag-usapan ba nilang mag-asawa ang gagawing commercial ni James at Baby James?

"Oo, pinag-usapan namin. And una niyang sinabi sa akin, 'Gusto kong makita yung board kung ano.' First time kasi kaming magkasama. So, nakita niya yung message ng board, kumbaga, kung ano talaga, so, sobrang excited siya na, 'O, sige, gawin na natin 'to.'"

Ano ang gusto niya para kay Baby James paglaki, TV host like mommy or basketball player like daddy?

"Kung ako ang tatanungin mo, player. Ako, nakarating ako rito, nakapag-aral ako nang libre, naging athlete ako, malaking bagay talaga. Pero kung pipilitin ko si Baby James na maging ganito, 'Mag-basketball ka,' pero ayaw niya naman, 'E, di mag-showbiz ka.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAYS. James turned 28 last February 15, isang araw bago ang 39th birthday ni Kris. Nag-private celebration ba silang na mag-asawa?

"Wala... wala e, gusto ko nga," natatawa niyang sagot.

May special gift ba sila sa isa't isa?

"Ako, sinurpresa ko siya. Galing siya sa Batangas noon. Umuwi siya, 14 ng madaling-araw. May binili ako, nilagay ko sa comforter niya. Nandun, nagulat siya. Kunwari tulug-tulugan ako. Binasa yung sinulat ko."

Ano naman ang gift sa kanya ni Kris?

"Camera. Noong pumunta kami ng Bangkok... advanced yun, e. Tinitingnan ko. E, medyo mahilig ako ngayon sa camera."

FIGHTING FOR LOVE. Hindi na siguro lingid sa karamihan ang malaking kontrobersiyang nangyari sa mag-asawa noong nakaraang buwan nang ma-link si James sa isang fan at kaibigan na nagngangalang Mayen Austria. Pero ayon kay James, going strong pa rin daw ang relasyon nila ni Kris sa kabila ng intrigang yun.

Sa naging isyung yun, sino sa mga kapatid ni Kris ang masasabi niyang mas nakaintindi talaga sa kanya?

"Halos lahat," mabilis namang sagot ni James. "Wala akong masabi sa mga kapatid niya... mga sisters-in-law ko, mga bayaw."

Magmula ba noon, parang ayaw na niyang tumanggap ng mga text at calls?

"Ayoko na... sobrang careful na careful na 'ko."

Kapag may ganung selos si Kris, paano niya ipinapaliwanag?

"Alam mo si Kris, kapag mainit ang ulo niya, hindi mo puwedeng banggain. Mag-aaway kayo nang mag-aaway. Hayaan mo munang lumamig. Tapos, dun ka na lang mag-explain."

Tinanong din ni Ricky si James kung wala raw ba silang balak magpakasal sa simbahan?

"Yun ang pag-uusapan namin. Siguro, after this election. Kasi, sobrang busy. Alam mo naman yun, sobrang busy nun."

Nais niya lang iparating sa asawa, "Sana ipagpatuloy natin ang love, love, love. Kasi, sa lahat ng trials na pinagdaanan namin, nandito pa rin kami, ipinaglalaban yung love namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN