Direk Dominic Zapata believes ex-flame Krista Ranillo will survive Pacquiao controversy

"Walang nakakatuwa sa nangyayari ngayon kay Krista," said the director of GMA-7's Diva. "Though I don't know the whole story, hindi madaling tanggapin lahat ng mga sinasabi ng maraming tao about you. Kahit na sino ay ayaw ang nangyayari na gano'n sa buhay niya. I just hope that she survives this. I believe na kaya niya ito."


Okey na para kay Dominic Zapata, ang director ng GMA-7 kantaserye na Diva, na pag-usapan ang kanyang dating girlfriend na si Krista Ranillo.

Noon kasi ay tahimik lang ang director nang pumutok ang balitang pag-uugnayan diumano ni Krista at ang Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao. Pero ngayon ay binukas na ni Direk Dom ang kanyang saloobin tungkol dito.

EIGHT-YEAR RELATIONSHIP. Noong September 2009 pa raw sila break ni Krista at mutual decision daw iyon.

"Almost eight years din kaming may relasyon ni Krista. Naging close ako sa family niya at siya rin naman, she was very close to my family. Sa mga special occasions ng pamilya namin, nandoon kami parati for one another.

"There are times na okey na okey kami, but there are also times na hindi kami nagkakasundo. I think it came to a point na pareho na kaming hindi na nagkakaintindihan na. Kaya siguro it led to the breakup.

"Noong una ay nag-usap lang kami sa phone, then nagkita kami sa isang place and we talked it out. We were both hoping na may maayos kami. Baka misunderstanding lang. Pero nauwi pa rin kami sa paghihiwalay.

"I said to her na kung saan siya masaya, doon siya pumunta. Ako kasi, okey na ako sa kinalalagyan ko. I still have people who love me and I give them my love as well. That will be my family who has always been there for both me and Krista.

"Kung may hinahanap pang iba si Krista sa buhay niya, then it's her decision. Hindi na ako makikialam doon. She's a beautiful girl, very intelligent, at may prinsipyo sa buhay. I know na she will make right decisions kahit wala ako sa tabi niya."

UNFAIR TO COMMENT. Noong matsismis si Krista kay Manny Pacquiao last year, matagal na raw silang break ni Krista, kaya unfair daw na magsalita siya tungkol sa issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga two months na kaming wala na ni Krista. Kaya unfair to say na may kinalaman si Manny sa paghihiwalay namin...

"When the news came out nga, ako agad ang tinatanong nila. Wala naman kasing nakakaalam pa that time na wala na kami ni Krista. It's not something na kailangan mong i-announce or be proud of, di ba?

"I kept quiet na lang kasi ayokong magsalita o ma-involve sa gulo na 'yan. Kaya akala nila parang okey lang sa akin na ang girlfriend ko ay natsitsismis sa iba. But the truth is, wala na kami ni Krista when the tsismis came out.

"I kept quiet kasi ayokong mag-react ang family ko. I'm not just protecting myself but also my family. Mahirap kasi yung magtatanong sila, hindi mo naman alam ang mga sagot.

"That time, hindi na kami nakakapag-usap na ni Krista. Hanggang text lang kami. Until the news got bigger and bigger at marami nang tanong nang tanong. Pero quiet pa rin ako kasi mahirap nang masali ka sa tsismis na wala ka namang kinalaman."

ASKED KRISTA ABOUT RUMORS. Pero dumating sa point na tinawagan na rin ni Direk Dom ang kanyang ex-girlfriend para alamin kung ano ang totoo sa tsismis involving Manny Pacquiao.

"I called her up out of concern. Baka nga naman may ibang istorya, di ba? When I was able to talk to her, I asked her about it. May sinagot naman sa akin.

"Then I suggested na she has to do something kasi hindi na maganda ang mga lumalabas. I told her na kailangan may gawin na ang manager niya. Kasi hindi na nakakatuwa ang mga balita about her and Manny.

"That was just something I had to do. Concerned lang naman ako because things were getting ugly and nobody's doing anything. For sure na may mga masasaktan. Sana nga malagpasan ito lahat ni Krista at ng pamilya niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL CARES FOR EX'S WELFARE. Sa tono ng pananalita ni Direk Dom ay parang nandoon pa rin ang pagmamahal niya kay Krista.

"Hindi naman agad mawawala iyon, e. Almost walong taon din kami ni Krista and we've been through the good and the bad times. It cannot be helped na hindi ako mag-react din kapag may ganyang mga tsismis. As much as I don't want to be involved, nagpapakita lang ako ng concern sa tao.

"But of course, Krista will always be a part of life. Kapag naiisip ko nga iyon, I always turn to my family. Alam ko na sila ang unang nakakaunawa sa akin. Whatever I go through, my family is my strength. They always tell me to be strong. Kahit wala na kami ni Krista, nandoon pa rin yung nasasaktan ka para sa taong ito. Yung ganong klaseng feeling.

"Walang nakakatuwa kasi sa nangyayari ngayon kay Krista. Though I don't know the whole story, hindi madaling tanggapin lahat ng mga sinasabi ng maraming tao about you.

"Kahit na sino ay ayaw ang nangyayari na gano'n sa buhay niya. I just hope that she survives this. I believe na kaya niya ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN