Veteran comedian Oscar Obligacion passes away at 86

Oscar Obligacion passed away last Friday, February 26, after suffering from kidney failure. He was 86.


Pumanaw na ang isa sa mga haligi ng Pinoy entertainment, ang beteranong komedyante at TV host na si Oscar Obligacion. Namatay si Oscar sa edad na 86 noong Biyernes, Pebrero 26, sanhi ng kidney failure at kumplikasyon nito.

Nakilala si Oscar sa mga bansag na Pantarorong at Kumang. Isa siya sa mga sumikat na komedyante noong 1960s.

Naging popular si Oscar nang maging host siya ng ilang programa sa telebisyon noong 1960s tulad ng The Big Show ng Channel 11 at Oras ng Ligaya ng ABS-CBN, kung saan nakasama niya ang singer-actress na si Sylvia La Torre.

Napakinggan din siya sa kanyang mga programa sa radyo gaya ng Mr. Buy and Sell at ang hit na Tuloy ang Ligaya.

Nakagawa rin ng mahigit sa 100 na pelikula si Oscar na karamihan ay sa ilalim ng LVN Pictures, kung saan niya nakilala ang kanyang naging asawang si Myrna Quizon-Obligacion. Ilan sa mga pelikula niya ay ang Bakit Ako Luluha, Parola and Capas, all shown in 1949; Korea with Nida Blanca noong 1952; Walang Takot at Alembong, both in 1958; Tuko sa Madre Kakaw (1959); Tacio (1961); Sakay and Moy (1962); Magtiis Ka Darling (1963); Dolpinger Meets Pantarorong with Dolphy (1965); The Jukebox Queen (1966); Boogie (1981); at ang huling pelikula niyang nagawa na Biyudo si Daddy, Biyuda si Mommy with Vic Sotto and Coney Reyes noong 1997.

Nakasama naman ni Oscar si Myrna bago pa sila ikasal sa mga pelikulang Luha at Musika, Tumbalik na Daigdig, at Itinakwil.

Matapos mag-quit sa showbiz ay nanirahan na sila sa Amerika kasama ang kanilang mga anak.

Napaulat na sa nagdaang mga taon ay sumailalim na si Oscar sa quadruple heart bypass surgery. May dalawa o tatlong buwan din siyang na-confine sa ospital kung saan siya sumailim sa dialysis.

Sa interview ng The Buzz sa asawa ni Oscar na si Myrna na ipinalabas kahapon, Pebrero 28, sinabi nito na, "Noong makita ko siyang hindi na humihinga, wala na, nag-hysteria na ako. Niyakap ko siya. Ako maski habang buhay aalagaan ko siya basta kasama ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa pagiging komedyante ng asawa. Sinabi ng biyuda ni Oscar na, "Talagang inborn ang kanyang pagka-comedian. Napapatawa niya lahat ng mga tao kaya mahal na mahal siya."

Pero higit sa pagiging komedyante ay isa ring maipagmamalaking ama at mapagmahal na asawa si Oscar.

May pabaong mensahe pa si Myrna sa kanyang asawa. "I love you very much and I'm going to miss you. Ngayon pa lang nami-miss ko na siya talaga."

Bukod sa kanyang asawa, naulila ni Oscar ang kanilang apat na anak, sampung apo at pitong great grandchildren.

Na-cremate ang mga labi ni Oscar kahapon, February 28. Magkakaroon ng private viewing at memorial services sa Heritage Memorial Park sa Taguig City sa March 5, 6 at 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN