John "Sweet" Lapus clarifies report that he will replace Ricky Lo in a new TV5 show

"I hope maantay nila ako doon sa ino-offer sa aking show because I like the concept. In fairness sa TV5, okey lang sa kanila na may shows pa din ako sa GMA-7. Matapos lang ang three movies ko, haharapin ko na 'yan at sana maging maayos ang lahat. I want to make sure na walang magiging conflict sa anumang ginagawa ko ngayon," says John "Sweet" Lapus.


Nilinaw ng TV host-comedian na si John "Sweet" Lapus ang tungkol sa balitang siya ang kinuhang kapalit sa sisimulan sanang showbiz talk show ng entertainment editor at Startalk host na si Ricky Lo sa TV5. Hindi kasi natuloy ang paglipat ni Ricky sa TV5 and he decided to stay with GMA-7. Pagkatapos nito ay lumabas na nga ang balitang si Sweet na ang replacement ni Ricky.

Sa pamamagitan ng Facebook ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sweet kahapon, February 28. Nilinaw niya ang tungkol sa diumano'y offer ng TV5 sa kanya. Bago pa raw kumalat ang kung anu-anong istorya, gusto na niya itong linawin sa lahat, lalo na ang pagkakaroon ng conflict sa hinu-host niyang showbiz talk show sa GMA-7, ang Showbiz Central.

"Hindi ako papalit sa ino-offer kay Tito Ricky na showbiz-oriented talk show sa TV5," paglilinaw ni Sweet. "Matagal na ang offer sa akin but it is not a showbiz-oriented talk show. Walang magiging conflict sa Showbiz Central. I have no intention to leave my Showbiz Central family. 'Tsaka, I'm proud to be a Kapuso."

Sabi pa ni Sweet, maganda raw ang working relationship niya with the people of Channel 5. ABC-5 pa lang daw ito ay nakapagtrabaho na siya rito ng ilang beses. Professional daw ang pakikipagtrabaho niya sa mga tao sa naturang istasyon.

"Napakabait ng TV5 sa akin. They believe in my talent. Remember, sila ang unang nagbigay sa akin ng solo game/showbiz show, yung Blind Item. Sa kanila din ako unang nagkaroon ng award as Best Game Show Host via Sing-Galing.

"Until now, tinatawagan nila ako to be a talent scout sa Talentadong Pinoy. Hindi ko lang sila napapagbigyan in the past weeks because I'm doing three shows sa GMA-7—Showbiz Central, Show Me Da Manny, at Full House.

"Ngayon kasi, tapos na ang Full House, pero hindi pa din ako puwede because I need to finish three movies. Kawawa naman ako niyan. Sobra na akong mapapagod. Ayoko namang maospital tulad dati, di ba?" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagdarasal ni Sweet na kapag tapos na ang ibang commitments niya ay bukas pa rin ang offer ng TV5 para sa kanya.

"I hope maantay nila ako doon sa ino-offer sa aking show because I like the concept," sabi niya. "In fairness sa TV5, okey lang sa kanila na may shows pa din ako sa GMA-7. Matapos lang ang three movies ko, haharapin ko na 'yan at sana maging maayos ang lahat. I want to make sure na walang magiging conflict sa anumang ginagawa ko ngayon."

THREE MOVIES. Masayang-masaya si Sweet dahil sa tatlong pelikula na gagawin niya sa taong ito.

"Una ay ang Of All The Things with Aga Muhlach and Regine Velasquez under Viva Films. Hopefully matapos na namin ito kasi nagsasawa na ako sa pula kong buhok!" biro niya.

"Tapos sa ilalim naman ng Regal Entertainment," patuloy ni Sweet, "magbibida kami ni Eugene Domingo. Ikinatutuwa namin ni Uge ang project na ito kasi ni-request ito talaga ni Mother Lily Monteverde. And take note, for Mother's Day itong project na ito! Ang director namin ay si Joel Lamangan at ang magsusulat ng script ay si Ricky Lee. Kaya panalo, di ba? Imagine, after 16 years sa showbiz, nabigyan na ako ng pagkakataon na maging isa sa mga bida sa isang pelikula. Nakakatuwang isipin kaya excited na kami ni Uge na simulan na ang project."

"Yung pangatlo naman ay sa ilalim ng Quantum/Star Cinema, Here Comes The Bride ang title. Kami ulit ito ni Uge at kasama sina Angelica Panganiban, Tuesday Vargas, at Jaime Fabregas. Si Chris Martinez ang magsusulat at magdidirek ng project. Kaya thank you Lord sa mga blessings na ito."

SWEET 16 DVD. Bukod sa TV shows at movies, may ilalabas din na Sweet 16 DVD si Sweet na ire-release ng Viva Records. Ito ay ang ginawa niyang stand-up comedy show na Sweet 16 last year sa Teatrino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited ako doon kasi ako mismo ang umupo sa editing. It's also my best stand-up show to date kaya para sa akin, deserving na magkaroon ng DVD. It will be the first stand-up show to be released in DVD dito sa Pilipinas. Parang ala-Jerry Seinfeld at Ellen Degeneres lang naman. Suplada, di ba?

"Pag lumabas na ito, please bumili sana ang mga supporters ko, lalo na ang mga mahihilig sa stand-up shows. Orig ang bilhin at huwag ang pirated," pakiusap ni Sweet.

Excited din si Sweet sa bago niyang segment sa Showbiz Central, ang "Sweet Talk," kung saan kasama niya ang tatlong echoserang frogs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN