Teen star Joshua Dionisio wants to be a chiropractor someday

First Time lead actor Joshua Dionisio gives a short "lecture" on possible spinal injuries and reveals that he also dreams of becoming a chiropractor, aside from being an actor.

"Lahat po kasi ng tao, puwedeng magkaroon ng diperensiya sa spine. Hindi naman po talaga disalignment, halimbawa po natumba ka or nadapa ka, may mga part po na... Meron po talaga na mga vertebra na minsan na nadi-disalign," he says.


Bukod sa pagiging artista, gusto pala ng teen star na si Joshua Dioniso na maging isang chiropractor.

"Kakaiba po kasi," sabi ni Joshua nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ayon kay Joshua, nagpapa-chiro raw ang kanyang buong pamilya.

"Para lang po sa alignment ng spine. Lahat po kasi ng tao, puwedeng magkaroon ng diperensiya sa spine. Hindi naman po talaga disalignment, halimbawa po natumba ka or nadapa ka, may mga part po na... Meron po talaga na mga vertebra na minsan na nadi-disalign," saad ni Joshua na tila bihasa na sa medical terms na may kaugnay sa iba't ibang bahagi ng ating buto.

Kailan nagsimula ang interes ni Joshua sa chiropractice?

"Nag-umpisa po 'yan sa school," sagot ng First Time star. "Nung nag-aaral ako, pinag-aralan po namin yung iba't ibang klase ng trabaho. Pinag-aralan namin yung mga ginagawa ng pilot, ng doctor, at na-amaze po ako sa chiropractor.

"So nung napag-aralan ko yun, naisip ko na gusto kong maging chiropractor. Tapos nalaman ko na marami palang chiropractor dito sa Pilipinas. Tapos po, nagpa-chiropractor kaming buong pamilya, maraming beses na po."

Dagdag niya, "Gusto naming i-try, e, masarap po pala. 'Tsaka dati po, pag lumilingon ako, yung biglang lingon, parang may tumutunog sa may leeg ko. Ngayon, wala na po."

Wala naman daw nakitang diperensiya sa spine ni Joshua.

"Sa akin po, wala po, pero kay papa po meron. Maganda po kasi na habang bata pa, nagpapa-chiro na ako para madiretso ang spine ko," sabi ng 15-year-old actor.

BARBIE & PIOLO. Naitanong naman ng PEP kay Joshua kung paano niya ide-describe in one word si Barbie Forteza, ang ka-loveteam niya sa teen show ng GMA 7 na First Time.

"Natural!" sambit niya. "Natural po siyang tao, ayoko po kasi ng maarte at plastik na babae."

In a separate interview ng PEP kay Barbie, sinabi ng young actress na ang mga yapak ni Marian Rivera ang gustong sundan nito. Si Joshua, sino naman among our male stars ang gusto niyang sundan ang mga yapak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Joshua Dionisio po!" tawa niya. "Biro lang po... Si ano po, si Piolo Pascual."

Noong nasa ABS-CBN pa si Joshua ay nakatrabaho na niya si Piolo. "Maraming beses na po," sabi niya.

May advice bang ibinigay sa kanya si Piolo?

"Opo, marami... Yung sa mga fans, kung paanong itrato ang mga fans. Sabi po niya, kahit na sinong fan, kailangan pong i-entertain mo palagi, na kailangang pakisamahan at mahalin mo."

At 15, ayaw madaliin ni Joshua ang pagbibinata. In fact, mahilig pa rin daw siyang maglaro.

"Opo, mga gadgets po, computer, mga ganun. Dati po, naglalaro ako ng GI Joe, pero hindi na po ngayon. Nasa kapatid ko na lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN