Dolphy loses hope of ever receiving National Artist award: "National Arthritis lang ako!"

"Kung ibigay, ibigay. Kung wala, wala. Bahala sila. Kung ibigay nila o hindi, okey lang. Basta yung aking ginawa, yung achievement ko, okey na. Nasa tao naman yun, e. Nakamarka na sa tao," says Comedy King Dolphy about the National Artist award.


Natawa ang Comedy King na si Mang Dolphy sa alingasngas na ibibigay na raw sa kanya ngayong taong ito ang kontrobersiyal na National Artist award. Dapat ay last year pa raw ito igagawad sa kanya, pero hindi siya nakasama sa pinal na listahan ng mga binigyan ng karangalan.

"National Arthritis lang ako!" pagbibiro ng 81-year-old comedian.

Ayon sa Wikipedia, "National Artist of the Philippines is a title given to a Filipino who has been given the highest recognition for having made significant contributions to the development of Philippine arts."

Ang pagpili ng hihiranging National Artist, o Gawad Pambansang Alagad ng Sining, ay isinasagawa sa pamamagitan ng Presidential Proclamation. Ang ilan sa mga kategorya ng National Artist ay ang mga sumusunod: Music, Dance, Theater, Visual Arts, Literature, Film and Broadcast Arts, at Architecture.

Umaasa pa ba si Mang Dolphy na mahirang bilang National Artist?

"Huwag na yun. Hindi na ako umaasa dun, e," sabi niya. "Kung ibigay, ibigay. Kung wala, wala. Bahala sila. Kung ibigay nila o hindi, okey lang. Basta yung aking ginawa, yung achievement ko, okey na. Nasa tao naman yun, e. Nakamarka na sa tao."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang King of Comedy sa appreciation dinner-launching ceremony ng 2010 Metro Manila Film Festival last February 26. Dumalo siya kasama sina Sen. Bong Revilla; OMB chairman Ronnie Ricketts; film producers Lily Monteverde, Orly Ilacad,Wilson Tieng, and Atty. Joji Alonso; directors Joe Carreon and Joel Lamangan; celebrities Phillip Salvador, Buboy Villar, Francine Prieto, Boots Anson-Roa, and Rhap Salazar; and MMDA chaiman Oscar Inocentes.

NORA AUNOR'S COMEBACK. Hiningan din ng PEP ang Comedy King ng reaksiyon sa napapabalitang pagbabalik ng Superstar na si Nora Aunor sa Pilipinas upang i-resume ang kanyang acting career. Nagkasama na rin sa ilang pelikula sina Mang Dolphy at Nora, na dalawa sa itinuturing na pinakamaningning na bituin sa Philippine showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkita kami sa Kodak [Theater sa Hollywood, kung saan ginanap ang first Fil-Am Visionary Awards noong March 7, 2008]. Kailangan na niyang bumalik dahil magaling siyang artista. Talaga namang Superstar 'yan, e. Tingnan mo si Vilma [Santos], Governor na, pero hinahanap ng katawan natin na lumabas, e," saad niya.

OBER DA BAKOD SA TV5. Nagsalita rin si Mang Dolphy tungkol sa paglipat niya sa TV5 at pagkakaroon ng bagong sitcom doon.

"Sa lahat naman ng istasyon, puwede ako, e. Non-exclusive naman, e. Isang beses lang naman kami nag-usap, umalingawngaw agad!" natatawa niyang sabi.

Kumusta naman ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN kung saan siya na-identify?

"Okey naman. Nag-usap naman kami. Maganda ang usapan namin. Ang sabi ko, ang puso ko ay nasa inyo pa rin kaya lang nabo-bore na ako. Wala pa naman akong trabaho sa kanila, di ba? Kailangan ko nang magtrabaho. Three years na, e. Wala pa," deklara niya.

MANNY OVER ERAP. Tinanong din ng PEP ang ace comedian kung bakit si Manny Villar ang ini-endorse niya bilang presidente para sa May 2010 elections at hindi ang kanyang kaibigang si Joseph Estrada. Magkaibigan pa ba sila ni Erap?

"Oo," sagot ni Mang Dolphy. "Ayaw ko naman talaga sumama sa politics pero inumpisahan ni FPJ [Fernando Poe Jr.], nagtuluy-tuloy na. Siyempre, ayaw ko na may kaaway, e. Talaga namang wala akong kaaway, e. Pero sa politics, nagkakaroon ka talaga ng kaaway. Masyadong personal dito sa atin.

"Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa pulitika. Nirerespeto ko naman lahat sila, e," pakiusap pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN