Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao settle issue about nasty text messages

Ruffa Gutierrez (left) and Shaina Magdayao have finally settled their misunderstanding over nasty text messages that they have been receiving. The camps of the two Kapamilya stars initially suspected each other as responsible for sending these text messages. But Ruffa and Shaina have cleared the issue through a meeting set up by Star Magic. The two actresses are being linked to actor John Lloyd Cruz.


Hindi na napigilan ni Boy Abunda ang kanyang sarili at nagsalita na siya sa The Buzz last Sunday, February 28, para ipagtanggol ang kaibigan at co-host na si Ruffa Gutierrez tungkol sa mga negative text messages na natatanggap diumano ng aktres recently, gayundin ng isa pang Kapamilya star na si Shaina Magdayao.

"Tungkol ito sa mga text messages napapadalang...nasty text messages sa pagitan po ni Ruffa Gutierrez at saka ni Shaina Magdayao," umpisa ni Boy. "Masakit ang mga text messages na hindi malunok-lunok, 'ika nga. I saw some of the text messages. Nagkaroon na po ng pagkakataon, mga kaibigan, na magkaharap si Ruffa at saka si Shaina.

"Ruffa doesn't know this, that I'm going to talk today. Nagkaharap ho sila. Disenteng nag-usap, tahimik na nag-usap. At klaro na po sa dalawa na hindi nanggagaling sa kaninuman sa kanila ang mga text messages na ito. Kung sinuman ang responsible for this, huwag na ho nating pag-awayin pa si Ruffa at saka si Shaina. They are okay. Both are wonderful girls. They're moving on. And balato na lang po natin sa dalawang ito," pakiusap ni Boy.

Nagbigay naman ng maikling paliwanag si Ruffa tungkol sa isyu.

"At saka kumare ko si Vina Morales, her [Shaina's] older sister. At saka Tito Boy, wala naman talagang dapat pag-awayan," sabi niya.

"Korek, huwag na natin pag-awayin pa silang dalawa," segunda ni Boy kay Ruffa. "Why am I saying this? Sasabihin nila, 'Boy you're doing The Buzz. What are you talking about?' Opo, pero weeks na po ito na sobra po ang sakit na idinudulot kay Shaina at kay Ruffa. Kaya hangga't maaari po sana ay tantanan na. You know what I'm saying? Tantanan na po natin kahit kaunti lang po. Balato na lang po natin kay Ruffa."

Nagpasalamat naman si Ruffa sa mga executives ng Star Magic na naging tulay para magkita at magkausap sila ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I would like to thank Mr. M [Johnny Manahan] and Ms. Mariole [Alberto] who are watching. Sila ang nagsilbing Good Samaritan that brought us together bago pa magkaroon pa ng gulo na hindi inaasahan," ani Ruffa.

Sa parte naman ni Shaina, nagpasalamat siya kina Ruffa at Boy sa pamamagitan ng ipinost niyang mensahe sa kanyang Tweeter account kahapon, March 1. Aniya, "Thank you Ms. Ruffa and Tito Boy for clearing my name (The Buzz). I sincerely appreciate it. We both already changed our numbers to have peaceful no-more-hate-texts-received days ahead. Let us just pray for the texters soul."

THE BACK STORY. Nagkakaroon ng isyu sa pagitan nina Ruffa at Shaina dahil sa pagkaka-link ng dalawa sa aktor na si John Lloyd Cruz. Natsismis na diumano'y sinulot o inagaw raw ni Shaina si John Lloyd kay Ruffa.

Alam naman ng lahat na unang na-link si John Lloyd kay Ruffa. Kinabitan pa ito ng iba't ibang kontrobersiya lalo nang mapaulat na nakitang magkasama ang dalawa sa U.S., with matching photos pa na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) habang papasok sila ng SLS Beverly Hills Hotel sa Los Angeles, California at habang naglalakad sa harap ng Salvatore Ferragamo boutique sa Rodeo Drive. (CLICK HERE to read related story.)

Na-link naman si Shaina kay John Lloyd nang matsismis na ang aktor daw ang boyfriend ngayon ng aktres matapos itong makipag-break kay John Prats. May lumabas ding picture dito sa PEP na magkasama sina John Lloyd at Shaina sa isang bike shop. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN