Vice Ganda offended by comparison between Showtime and Diz Is It!

"Sabi nila imitation is the highest form of flattery dahil ginagaya kami. Kaya lang, kung ang panggagaya sa iyo ay nakaka-offend, parang binababoy naman kami, hindi mo kami binibigyan ng tribute kundi binababoy mo kami," says Vice Ganda about the comparison between their show Showtime and GMA-7's Diz Is It.


Sa pagsikat ni Vice Ganda dahil sa programang Showtime, kasabay naman nito ang pagpukol ng mga intriga at kontrobersiya sa kanya.

Kamakailan ay naglipana sa mga Internet forum ang usap-usapan na isang grupo raw sa Showtime ang sadyang pinatalo ni Vice dahil hindi raw pinagbigyan ng isang guwapong miyembro ng grupo ang hiling ng stand-up comedian na makipag-sex sa kanya. Carlo ang pangalan ng miyembrong nabanggit na pinersonal daw ni Vice dahil hindi napagbigyan ang hiningi niyang kundisyon.

Agad naman itong pinabulaanan ni Vice nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Napaka-cheap ng issue na 'yan!" bulalas niya. "Nung una ko ngang marinig 'yan, gusto ko nang magsalita. Pero sabi ng mga nag-advice sa akin, 'Huwag ka nang magsalita kasi pag nagsalita ka, bibigyan mo sila ng dahilan para matuwa lalo pag pinatulan mo yung gusto nilang mangyari.' Pero since naitanong na, gusto ko na ring sagutin.

"Unang-una, siyempre sasabihin kong hindi totoo dahil hindi naman talaga totoo. Ang suggestion ko, hanapin nila yung lalake, tanungin ninyo siya nung totoo. Kahit hindi ninyo iharap sa akin, tanungin ninyo siya. Nagsimula 'yan sa Internet, yung mga sulat-sulat na sinasabi, e, hindi ko naman kilala kung sino yung taong nagpakalat. So, anong kredibilidad nun, e, wala naman humaharap na tao na nagsasabi na 'ako ang saksi at masasabi kong totoo ang statement na ito.'

"Pangalawa, kung saka-sakaling mayroon akong tao na hiningan ng pabor, pero hindi ako pinagbigyan tapos pinatalo ko, paano mangyayari, e, hindi lang naman ako ang hurado? Kung ako lang ang hurado, kayang-kaya kong manipulahin yun, pero hindi lang ako ang hurado.

"Saka para malaman ninyo ang totoo. Panoorin ninyo, balikan ninyo sa anumang site yung episode na naganap na yun na monthly finals. Makikita mo na ang nanalo nung monthly finals na yun, lahat ng score, perfect 10. Yung natalong grupo na sinasabi nila, hindi sila perfect 10. At ako, ang ibinigay kong score sa kanila ay hindi rin 10. At kahit bigyan ko sila ng 10 o 15 pa nung oras na yun, hindi pa rin sila mananalo. So, hindi ako ang nagpatalo sa kanila. Lahat kaming hurado, pinatalo sila kasi hindi nila deserve na manalo," mahabang paliwanag ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May idea rin si Vice kung saan maaaring ibinase ng iba ang lumabas na balita tungkol sa kanila ng isa sa miyembro ng natalong grupo.

"Yung Carlo ang pinangalanan nila, hinarot ko yun sa show mismo," sabi niya. "Ang konspeto nila is Pharaoh siya tapos ako ang parang reyna nila. Ako naman, pinatulan ko ang konsepto. E, nanggaganun naman talaga ako."

SHOWTIME VS. DIZ IZ IT. May mga nakakapansin din sa mga patutsada diumano ni Vice tungkol sa katapat na programa ng Showtime, ang Diz Iz It! ng GMA-7. Marami raw ang na-offend nang sabihin ni Vice na kokopya na lang daw ang Diz Iz It! ay sablay pa at malayo kung ikukumpara sa Showtime.

"Ang unang pakiramdam ko, kinabahan ako," sabi ni Vice. "Bilang tao, normal lang naman ang kabahan kami pag mayroon ka nang katunggali. Pero hindi ko pa siya napapanood. Wala akong napapanood na episode nila kasi unang-una, pareho kami ng timeslot.

"Pangalawa, nung um-absent ako sa Showtime, mayroon na akong chance na mapanood sila, tiningnan ko sa 'Net, wala, e, walang file, walang nag-upload. So, nagre-rely na lang ako sa mga hearsay, sa mga nakapanood, sa mga nagkuwento. Base sa mga kuwento nila, sa mga napanood nila, wala naman palang dahilan para ma-offend kami. Unang-una, wala akong binaggit na Diz Is It, wala akong tinukoy na Kapuso o GMA-7. Wala akong tinukoy na ganun. Gaya ng sinabi ko, hindi ko sila napanood. Ang sinabi lang sa akin, ginaya nga raw yung konsepto, tapos pareho pa ng timeslot, talagang tinapat.

"Sabi nila, parehong-pareho. Pero sabi din nila, hindi rin naman daw kasi malayong-malayo raw kung ikukumpara. Kung ganun naman pala, nakaka-offend. Kasi, for example, ginaya kita tapos hindi ko naman na-justify yung panggagaya ko sa iyo, di ba, nakaka-offend?

"Sabi nila, 'imitation is the highest form of flattery' dahil gingaya kami. Kaya lang, kung ang panggagaya sa iyo ay nakaka-offend, parang binababoy naman kami, hindi mo kami binibigyan ng tribute kundi binababoy mo kami," makahulugang sabi ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng mga intriga at kontrobersiya, maligaya si Vice sa patuloy na pamamayagpag ng Showtime sa ratings.

"Nung una, aminado naman ako, kahit kina Direk Bobet [Vidanes], bago nagsimula ang show, nung nag-mock episode kami, hindi ako masyadong nagandahan. Sabi ko nga, jologs na ako pero yung konsepto ng show, jologs na jologs pa. Kaya lang, sabi ko, okey lang. Tinanggap ko na rin kasi wala naman akong shows, better than none. Sabi ko nga, ang talino ng nakaisip nito kasi hindi namin ito nakita. Pero yung nakaisip nun, yung nag-conceptulaize, nakita niya agad yun, na-imagine niya.

"Hindi naman sa pag-aano, sila Vhong [Navarro], Anne [Curtis] at Kuya Kim [Atienza], kahit wala ang Showtime, Anne, Vhong at Kuya Kim na sila. Ako, parang kahit papaano, nagkaroon ng Vic Ganda dahil sa Showtime talaga. Parang sa aming lahat, sa akin pinakamalaki ang naitulong ng Shwotime," saad ni Vice.

STILL HURT BY INTRIGUES. Ayon kay Vice, kahit handa na siya sa mga intrigang ipinupukol sa kanya, nasasaktan pa rin siya sa mga ito.

"Handang-handa na ako dun. Ngayon, unting-unti ko nang hinahanda ang sarili ko. Nag-usap nga kami ng manager ko [Ogie Diaz], nung sunod-sunod na yung mga issues. Nasaktan ako at may dahilan bakit ako nasaktan. Hindi ito dahil sa ginawa nila o sinabi nila. Ang sabi ko nga kay Ogie, kaya ako nasaktan dahil may mga taong nasasaktan para sa akin, at yun ang masakit para sa akin.

"Sabi ko nga, ang hirap pala nitong trabaho na pinasok natin. Akala ko magpapatawa ka lang, hindi ko ito na-anticipate agad. Sa comedy bar kasi, pumapasok lang ako para magpatawa at kumita, 'tapos, tapos na. Pero iba sa showbiz.

"Ang hangad ko lang talaga ay magpatawa. Oo, sasabihin nila may mga pumupuri, may mga humahanga, pero may may mapait din palang kapalit. Hindi lang basta hindi mo sila ma-please, sasaktan ka nila, ia-attempt ka nilang saktan. Kaya sabi ko nga, ang labo pala nitong negosyo na pinasok natin," pahayag ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Vice na pinupukol daw talaga ang isang puno na hitik sa bunga. Pero ayaw niyang isipin na nasa ganito siyang sitwasyon kaya siya pinuputakti ng kabi-kabilang mga intriga ngayon.

"Oo, I also believe in that. Pero ayokong sabihin, puno ako ngayon na hitik na hitik kaya pinupukol nila. Masyado nang kayabangan yun para sabihin ko," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN