Precious Lara Quigaman says she and Marco Alcaraz are not yet officially committed

"Siguro, hindi ko mae-explain kung anong meron kami ni Marco. Ito na lang...sobrang okey kami ni Marco. We're happy together, walang gulo sa amin. At sana lang, yung ibang tao, maging masaya na lang para sa amin. Kasi ang ibang tao, gusto nilang laging nagbi-break ang mga showbiz couple," says Precious Lara Quigaman about Marco Alcaraz (inset).


Sa simula ng interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Precious Lara Quigaman sa presscon ng indie film na Slow Fade kahapon, March 2, nahiya pa kaming tanungin siya ng personal questions. Bukod kasi sa hindi siya madalas ma-interview ay baka hindi nito sagutin ang mga itatanong namin sa kanya. Kaya puro tungkol sa pelikula muna ang aming napag-usapan.

Ikinuwento ni Lara na 10 days siyang nag-shooting para sa Slow Fade, kapareha si Diether Ocampo, produced by PLDT-Smart Foundation and Cinemabuhay International headed by Albert Martinez.

Nang malaman ni Lara na ipapasok ang pelikula nila sa Paris, Tokyo, at Pusan international film festivals, humirit siya kay Atty. Roger Quevedo, VP ng PLDT-SMART Foundation, kung puwede siyang sumama sa mga nabanggit na bansa, lalo na sa Paris.

Third movie pa lang ito ni Lara and her second indie movie.

Ayon kay Albert, napili si Lara sa role ni Tere, asawa ni Darius (Diether), dahil bagay raw sa kanya ang nasabing role. Nag-enjoy rin ang dating Miss International sa shooting dahil comfortable siya sa aktor at agad niyang nakasundo ang staff na karamihan ay kaedad lang niya.

MARCO ALCARAZ. Pagkatapos nito ay hindi na kami nakapagpigil kaya tinanong na namin si Lara kung siya ba ang na-blind item na pinuri for standing by her man sa conflict ng huli sa former manager nito. Ayon sa report, inaway raw ng talent manager ang isang dating beauty queen dahil sa relasyon nito sa isang aktor na talent ng manager.

Nali-link kasi ngayon si Lara sa hunky actor na si Marco Alcaraz. Kaya siya nga ba ang tinutukoy na beauty queen na inaway diumano ng isang talent manager?

"Walang nang-aaway sa akin at hindi rin ako palaaway na tao, kaya wa epek sa akin ang isyung 'yan. Narinig ko rin ang tungkol diyan, pero hindi ko siya maisip dahil sobrang happy kami ni Marco," sagot ni Lara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang relasyon nila ni Marco?

"Hindi kami officially committed, pero hindi ko dinidenay na lagi kaming magkasama. Lumalabas kami early 2009 pa. Na-meet ko na ang family niya at na-meet na rin niya ang family ko. Masaya kami together."

Ayon pa kay Lara, nasanay na siya sa tsismis dahil natsismis na rin siyang nagbuntis, na may anak, at syota ng sikat na male TV host. Lahat daw ng mga ito ay hindi totoo at tinawanan lang niya.

Wala na si Marco sa poder ng talent manager na si Arnold Vegafria. Nagkita na ba sila ng dating manager ni Marco?

"I've never met him, honestly. Hindi ko pa talaga siya nakikilala," sagot ni Lara.

Kumusta sina Marco at Arnold ngayon?

"I have no idea," aniya. "Pagdating sa mga bagay na ganyan, I don't think I'm in the position to say anything because whatever is going on between them, it's their business. Hindi ako involved sa kanilang dalawa."

Paano pag nagkita at kinausap siya ni Arnold?

"Wala kaming pag-uusapan," maikli at simpleng sagot ni Lara.

TO SEE IS TO BELIEVE. Sa tanong kung bakit parang handa niyang ipaglaban si Marco, ang sabi ni Lara, siya ang tipo ng tao na hindi agad naniniwala sa mga tsismis hangga't hindi niya napu-prove na totoo.

"Kailangang makita ko nang personal bago ako maniwala," sabi niya. "Hindi ako naniniwala sa mga naririnig ko lang o may nagsabi lang sa akin, kahit close ko pa ang nagsabi. Lahat naman tayo, meron tayong nakikita sa isang tao na hindi nakikita ng maraming tao.

"Siguro, hindi ko mae-explain kung anong meron kami ni Marco. Ito na lang...sobrang okey kami ni Marco. We're happy together, walang gulo sa amin. At sana lang, yung ibang tao, maging masaya na lang para sa amin. Kasi ang ibang tao, gusto nilang laging nagbi-break ang mga showbiz couple."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo" naman agad ang sagot ni Lara sa tanong ng PEP kung ang ibig ba niyang sabihin ay walang makakapaghiwalay sa kanila ni Marco.

"Unless dumating si Piolo [Pascual]!" biro ng beauty queen turned actress. "Si Piolo lang talaga ang makakapaghiwalay sa amin ni Marco at alam niyang crush ko siya. Hindi pa ako artista at beauty queen pa lang ako, crush ko na si Piolo."

Paano nga kung pumasok sa eksena nila ni Marco si Piolo?

"Ay, iiwan ko si Marco at alam niya 'yan! Iiwan ko talaga si Marco for Piolo. Sorry na lang siya. Magkalimutan na kami!" sabi ni Lara na sinundan niya ng tawa.

Pinuna ng PEP na parang cool at walang pakialam si Lara kahit may intriga na pilit silang ini-involve.

"Kasi, hindi naman ka-care-care yung isyu, 'no!" rason ni Lara na sinundan pa rin ng tawa .

Ayon pa kay Lara, hindi pa sila officially committed ni Marco kahit more than a year na silang lumalabas. May right time daw para gawin nilang public ang kanilang relasyon, hindi lang niya alam kung kailan ito mangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN