Vilma Santos on Nora Aunor's cosmetic surgery: "There's nothing wrong with that."

With the expected return of Superstar Nora Aunor (inset) in the Philippines, the rivalry between her and Star for All Seasons Vilma Santos (main photo) will surely be revived by their most loyal fans.


Expected na kapag napag-uusapan ang tungkol sa Superstar na si Nora Aunor ay hindi puwedeng hindi hingan ng reaksiyon ang kanyang pinakamagipit pa ring karibal sa showbiz industry—ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Usap-usapan kasi ngayon ang nalalapit na pagbabalik ni Nora sa Pilipinas upang i-resume ang kanyang showbiz career. Pero bago rito ay naging laman ng balita ang pagpaparetoke ng mukha ng Superstar sa Japan.

Sa presscon na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para kina Vilma at sa asawa nitong si former Senator Ralph Recto kagabi, March 3, ay tinanong ang Star for All Seasons kung ano ang reaksiyon niya sa pagpaparetoke ng mukha ni Nora.

"Hindi lang naman ang kumare ko ang gumawa niyan, marami pang iba," sabi ni Vilma. "Not for anything, mas bata sa amin, nagpapaayos na. There's nothing wrong with that. Kung sa tingin mo, e, kailangan na, bakit naman hindi? Walang masama na i-enhance mo yung beauty mo, di ba?"

Welcome na welcome naman daw kay Vilma ang pagbabalik ni Nora sa bansa sa April.

"Oo naman!" bulalas niya. "At saka noong magkaroon kami ng premiere night sa L.A. ng In My Life, nagkakausap kami niyan. Dapat nga manonood siya, e. Kaya lang, biglang nagkaroon ng bisita sa kanila. Kaya ang pinapunta niya, mga close friends niya, which we accommodated, at nag-thank you siya."

Sa isang episode ng Wowowee kung saan nag-guest si Vilma ay sinabi niya kay Nora, through phone patch, na pag-uwi ng huli ay susunduin niya ito sa airport. Tutuparin ba niya ang pangako niyang ito kay Nora ngayong malapit na itong bumalik ng Pilipinas?

"Kapag tinawagan niya ako, susunduin ko siya at dadalhin ko siya sa Batangas!" natatawang sabi ni Vilma. "Pero alam niya, alam niya ang number ko."

Sa hiwalay na interview kay Nora ay sinabi niyang payag siyang gumawa ng pelikula with Vilma. Si Vilma ba ay gustong makasamang muli sa pelikula ang kanyang archrival?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, gusto kong gumawa ng movies. Ang daming naka-lineup. But again, ang nangyayari ngayon, priority is... Tinitira na nga ako! Hindi raw 24 oras [na nagtatrabaho]. I mean, after seven years, why not? Maybe later on, pagdating niya. Pero ngayon, yung priority kasi is still as public servant. That's my second priority after my immediate family," paliwanag niya.

Sa mahigit apat na dekadang pagiging magkaribal nila ay tatlong pelikula pa lang ang pinagsamahan nina Vilma at Nora. Ito ay ang mga sumusunod: Young Love (1970), Ikaw ay Akin (1978), at T-Bird at Ako (1982).

ACTING AWARDS. Sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato ginanap ang presscon para kina Vilma at Ralph Recto kagabi. Pero bago nagtungo doon ang mag-asawa, kasama ang kanilang anak na si Ryan Christian, ay nanggaling muna si Vilma sa awarding ceremony ng Gawad Tanglaw Awards. Siya kasi ang nahirang na Best Actress para sa pagganap niya sa In My Life (2009), samantalang ang panganay niyang anak na si Luis Manzano ang nanalong Best Supporting Actor para rin sa naturang pelikula.

Bagamat madalang nang gumawa ng pelikula si Vilma ay patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga mananood at patuloy pa rin ang pagtanggap niya ng acting awards. Dahil dito, hindi kaya lalo niyang ma-miss ang showbiz ngayong masyado na siyang abala sa pulitika?

"Nami-miss ko talaga, sa totoo lang," pag-amin niya. "Pero wala, I'm here now as a public servant. Ang kapalit na lang nito, yung alam mong tiwala, suporta, pasasalamat sa 'yo ng tao, yun naman ang hindi kayang bayaran ng pera. Once na nandun ka na at nakikita mo na yung kanilang pagmamahal sa 'yo, suporta at pasasalamat na nanggagaling sa puso, yun na ang pinakabayad mo dun, yun na ang legacy mo. Sa akin, okey na bayad na yun. The trust, the support, the love at pasasalamat nila sa nagawa mo sa kanila, bayad ko na yun, at tinatanaw ko na malaking utang na loob sa mga Batangueño."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Vilma sa pagwawagi ni Luis ng kanyang kauna-unahang acting award.

"Marami na rin siyang awards, pero hosting. First niya ito sa acting. Pero sabi ko nga, mas na-excite ako sa kanya kanina. Sarap...sarap! Proud mama, proud nanay!" sambit ni Ate Vi.

MOVIE PROJECTS. Ayon sa Star for All Seasons, may natitira pa siyang dalawang pelikula sa kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema

"Ang maganda lang sa Star Cinema, naghihintay sila. Ginawa ko ang In My Life after seven years and, thank God, we had a good script kahit papaano."

Alam din daw niyang naghahanda na ang Star Cinema para sa pelikulang pagsasamahan nila ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Kumusta naman yung pelikula kung saan siya raw ang gaganap sa buhay ng dating Pangulong Corazon Aquino?

"Alam niyo, gustung-gusto kong gawin 'yan. Wala na yatang honor sa isang artista kung hindi ang makaganap ng isang Corazon Aquino. Kaya lang, depende 'yan. Kasi kung gusto na nilang gawin right away para mahabol sa death anniversary at birthday ni Presidente Cory, hindi ako pupuwede," saad ni Vilma.

Dugtong pa niya, "Nanghihinayang ako. Pero again, yung pagiging public servant po ang priority. So, kung hindi ko man matanggap yun, malaking panghihinayang. Pero at the same time, this is my job. Reality ng totoong buhay sa Batangas."

ANGEL LOCSIN. Naitanong din kay Vilma ang tungkol naman sa kinahinatnan ng relasyon ng anak niyang si Luis at ni Angel Locsin.

"Basta ang alam ko, ang anak ko matiyaga," sagot niya. "Basta kung anu't anuman ang mangyari, sa akin, respect lang. Gusto kong matapos man or magkabalikan man, maiwan lang ang respeto nila sa isa't isa. Kasi, may pinagsamahan sila, e. Sabi nga nila, don't burn bridges."

Aminado naman si Luis na nasa kanya ang naging pagkakamali. Ano ang masasabi ni Vilma rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat niyong hangaan ang anak ko because he's such a gentleman kung meron siyang nagawang hindi maganda. So, I'm proud of him," pagmamalaki ni Vilma sa panganay na anak.

Kahit hiwalay na sina Luis at Angel, wala bang sinasabi si Angel kay Vilma kung susuporta ito sa kampanya nila ni Ralph?

"Wala, kasi hindi rin naman ako nag-i-invite. Kasi siyempre, kapag may nangampanya sa 'yo, dapat yung nanggagaling sa puso nila, kasi naniniwala sila sa 'yo. Pero hindi pa naman namin napag-uusapan, wala pa namang local. March 26 pa ang local," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN