Marvin Agustin was easily convinced to do the indie film The Red Shoes

"Hindi naging mahirap sa akin na tanggapin kasi napakaganda ng material. Yes, it's just a love story served on an unusual platter, served in an unusual type of storytelling. Ang ganda ng pagkakagamit ng backdrop ng 1986 revolution. So, maganda ang material the way it was written, alam mo na magiging magandang pelikula," says Marvin Agustin about The Red Shoes.


Kagabi, March 3, lang napanood ni Marvin Agustin ang ginawa niyang indie film para sa Unitel Productions, The Red Shoes. Ang screening ay special preview para sa advertisers sa Greenbelt, Makati. Lahat silang bumuo ng pelikula ay masaya at ipinagmamalaking nakakuha ito ng grade na A mula sa Cinema Evaluation Board.

"Well, excited ako sa movie," simula ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Like ako, two years akong na-involve sa pelikulang ito. Mula noong maging entry pa lang ito sa Cinemalaya, original part ako ng cast. Then the writer, the staff, kami, we decided to pull it out. Hindi namin matapos for a lot of reasons. Budget siyempre... yung mga location. E, malapit na ang deadline. Parang sayang kapag nagawa mo na ang material, you can't do it again, di ba?"


(CLICK HERE to learn more about the background of The Red Shoes)

May impression kay Marvin na kapag indie film ang inaalok sa kanya ay medyo mahirap siyang i-convince na gawin ito, unless napakaganda talaga ng material.

"Hindi naman ako mahirap i-convince," paglilinaw ni Marvin. "Nagkataon lang na wala lang magawang material. At the same time, marami rin kasing TV works. Yung scriptwriter kasi ng movie, si James Ladioray, neighbor ko siya sa subdivision namin. Dinala niya yung script sa bahay. Pero one week after na, hindi ko pa rin nagagalaw, hindi ko pa nababasa. May common friend kami na nagsabi sa akin na basahin ko naman daw. So, after kong mabasa yung ilang page, hindi ko na mabitawan ang script!

"Hindi naging mahirap sa akin na tanggapin kasi napakaganda ng material. Yes, it's just a love story, served on an unusual platter, served in an unusual type of storytelling. Ang ganda ng pagkakagamit ng backdrop ng 1986 revolution. So, maganda ang material the way it was written, alam mo na magiging magandang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilarawan ni Marvin ang role niya sa The Red Shoes:

"Well, ako si Lucas. Noong 10 years old ako, nagnakaw ako ng isang pares ng sapatos ni Imelda Marcos [sa MalacaƱang]. Para sa pagmamahal. Para sa aking magulang at para sa First Lady ng buhay ko. Tapos, nag-evolve ang istorya at ang journey ni Lucas, at kung paano nag-meet ulit yung magkapares na sapatos na yun. Kasi pinaghiwalay ko sila, isa kay Nikki [Gil], si Bettina, at isa sa nanay ko," lahad ng aktor.

Pang-award ba ang The Red Shoes?

"I don't know... I gave my best, 100 percent sa lahat ng ginagawa ko. Wala naman akong sinu-shortchange. So, sila na lang ang humusga. I never really think about something like that naman kapag may ginagawa kang character," sagot niya.

TEAM-UP WITH NIKKI GIL. Dito sa The Red Shoes ay nakatambal ni Marvin sa unang pagkakataon si Nikki Gil. Kumusta naman ang naging working relationship nila?

"Masarap katrabaho si Nikki," sabi ni Marvin. "Tulad ng sinabi ko kanina, masuwerte ako. Kapag indie, it needs a lot of preparation. Kaya nga lang, since nakatrabaho ko na rin siya before, naging madali. Nag-host kami before sa MRS."

Hindi ba naging mahirap na isang Kapuso (Marvin) at isang Kapamilya (Nikki) ang magkatambal sa isang pelikula?

"Hindi, hindi... Yun namang branding na yun, branding kung saan tayo nagkakatrabaho. Hindi yun branding ng pagkatao natin. So, hindi, hindi naging mahirap," saad ni Marvin.

Sa palagay ba ni Marvin ay napakasuwerte ni Billy Crawford having Nikki as girlfriend?

"Oh yes, oh yes!" sambit niya, "Smart, sexy, classy woman...masuwerteng-masuwerte si Billy."

Kung sakali raw, yung tipo ni Nikki ang babaeng gusto rin niyang makatuluyan.

"Yes, of course! Si Nikki ay, above all, mabuting tao. Alam mo yun?"

Wala pa rin ba siyang nahahanap?

"Wala pa...sana ma-clone si Nikki!" natatawang sabi ng single father. "Siguro darating 'yan. It is something na hindi naman pinipilit at hindi naman pinaplano. Masaya ako, e. So, I guess, kapag masaya ang isang tao, hindi mo lang nakikita ang mga kakulangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may mga not-so-serious relationship?

"I'm very happy right now!" tawa ulit ni Marvin. "Masaya ako...masayang-masaya. You don't look at it kung ano ang wala. Minsan tinitingnan natin kung ano ang meron."

PARTY PILIPINAS. Feeling naman namin, ayaw lang ni Marvin na sa kanya manggaling na magiging part pa rin siya ng Party Pilipinas, ang bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7 na papalit sa SOP.

"Ganun ba? Part pa rin ba ko?" tawa niya. "Hindi ko pa alam. Well, I'm very happy kung talagang part ako. It's something na na-enjoy ko nang gawin every Sunday. I used to not to like to work every Sunday. Pero sa SOP, binago nila ang Sundays ko. I'm happy and I enjoy every Sunday na nandun ako sa studio na yun. Making people happy."

Tila ginagawa talaga siyang pang-all around ng GMA-7. Kontrabida man siya ngayon sa primetime series na Panday Kids, pero ibang-iba naman ang napapanood sa kanya kapag naghu-host siya.

"Yes, para akong Mang Tomas, sarsa sa lahat!" biro ni Marvin. "I enjoy lahat ng trabahong ibinibigay sa akin ng GMA. Dahil dun, I'll be forever grateful sa GMA-7."

JOLINA MAGDANGAL. Tinanong din ng PEP si Marvin kung ano ang masasabi niya sa bagong look ng perennial love-team partner niyang si Jolina Magdangal.

"Well, it's about time na may gawin siyang kakaiba," sagot niya. "Dun naman nakilala si Jolina, sa mga ganyang pagbabago niya ng hitsura. And, I guess, tulad nga ng sinasabi niya na hindi naman niya mapi-please ang lahat ng tao. But what I'm telling her, what I would tell her, 'Masaya ka sa ginagawa mo.' Masaya nga ang ibang tao, ikaw, hindi naman masaya. So, what is the point of doing it?"

Pero ayon kay Marvin, alam na raw niya ang gagawing move na yun ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even before that, nagkausap na kami. Happy ako for her. At saka, mas lalo siyang gumanda at mas sexy siya ngayon, ha! Yung mga sinusuot niya, puro sexy," nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN