Gerald Anderson laughs off rumor that Jennylyn Mercado is often seen in front of his house

"Kasi 'yong yaya [ni Jennylyn Mercado], 'yon nga, nag-bike siya, kasama niya, at nagpa-picture sa akin. Siguro 'yon nga simula ng [kuwento]," says Gerald Anderson to clarify reports that Jennylyn is often seen in front of his house.


Natawa ang young actor na si Gerald Anderson nang tanungin siya tungkol sa napabalitang madalas na pagkakakita kay Jennylyn Mercado sa tapat ng kanyang bahay. (CLICK HERE to read related article.)

Nauna na itong pinabulaanan ni Jennylyn sa interview sa kanya ng Showbiz Central last Sunday, February 28. "Ano ba gagawin ko at kapitbahay ko siya [Gerald]? Pero kasi ako naman, e, lagi akong nagba-bike sa village namin. Siyempre, lahat ng bahay doon madadaanan ko, di ba?" paliwanag ng Kapuso star.

Halos ganito rin ang naging paliwanag ng Kapamilya actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa birthday presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic kahapon, March 4. Ayon kay Gerald, sa tingin niya ay naiba na lamang ang kuwento.

"Wala naman po talaga. Kahit ako nagulat ako. Parang nadagdagan lang. Siyempre, hindi totoo 'yan," sabi niya.

Nang tanungin kung ano ba talaga ang totoong kuwento sa likod ng balitang ito, naisip ni Gerald na marahil ang sinasabing pagkakakita kay Jennylyn sa kanyang bahay ay nang minsan napadaan ang actress-singer, kasama ang kanyang yaya. Kuwento ng young actor, "Kasi 'yong yaya niya, 'yon nga nag-bike siya [Jennylyn], kasama niya, at nagpa-picture sa akin. Siguro 'yon nga simula ng [kuwento]. "

Para kay Gerald, hindi na niya masyadong binibigyan ng pansin ang ganitong mga isyu, lalo pa't alam niyang hindi naman ito totoo.

"Actually, pagtatawanan ko lang," sabi niya. "Nakakatawa kasi siyempre ako, alam ko naman na hindi totoo 'yon. Kahit si Jennylyn yata nag-deny din. Ako, wala naman akong magagawa doon kung katulad niyan, sinabi daw na galing sa bahay ko, may nakitang ganun."

THE NEXT ACTION STAR. Kapansin-pansin naman ang pagbabago ng katawan ni Gerald. Sang-ayon ang karamihan sa media na naimbitahan kahapon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN na naging mas matikas ang kanyang pangangatawan kumpara noong nasa Pinoy Big Brother pa lamang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gerald, who will celebrate his 21st birthday on March 7, dahil daw ito sa pagdyi-gym sa loob ng kanyang bahay at paglalaro ng basketball. Isang paghahanda na rin daw ito para sa kanyang nalalapit na proyekto, Your Song, kasama ang dating PBB Double Up housemates .

Bukod dito, napapabalita rin na maaaring ang kanyang susunod na pelikula ay isang action film bilang bahagi ng kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema. Kahit hindi pa kumpirmado ang balitang ito, ikinatuwa pa rin ito ni Gerald dahil isa sa mga pangarap niya ang makagawa ng action film.

Aniya, "Bata pa lang, mahilig na ako sa action, mga Jackie Chan [movies]. Ngayon, I have a chance para gawin ang mga ginagawa nila, talagang dream ko."

Bagamat batid ni Gerald na nitong mga nakaraang taon ay hindi na masyadong tinatangkilik ang action films, gusto pa rin daw niyang makagawa ng ganitong klaseng pelikula.

"Ayoko lang ng action lang, gusto ko may drama, gusto ko maganda ang kuwento. Kumbaga, 'yong action, bumabagay lang 'yong kuwento. Pero ang pinakaimportante doon ay 'yong lalim ng kuwento, 'yong drama, kaya pangalawa lang 'yong action," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN