Marvin Agustin on sexy roles: "Kung kailangan talaga at kaya ko naman, why not?"

"Diyos ko, ang role ko ngayon, e demonyo na [as Lizardo in GMA-7's Panday Kids], so wala na 'kong ibang pupuntahang role kundi mag-bold," joked the busy actor, who also runs nine restaurants.


Matapos i-launch si Billy Crawford last week, February 25, may bagong celebrity endorser na naman ang Calayan Surgicentre, si Marvin Agustin.

Last Thursday, March 4, sa launching ng aktor sa A Taste of LA restaurant sa Morato, Quezon City, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marvin kung bakit ang clinic ni Dr. Manny Calayan ang pinili niyang endorsement.

"Hindi ako mahilig dati sa mga facial na ganyan dahil tamad ako, e, at takot ako sa mga masasakit na procedure but with Dr. Manny almost walang sakit," pahayag ni Marvin.

Bukod sa balat ay pagpapaganda ng katawan ang aatupagin din ni Marvin sa Surgicentre. Hudyat ba ito na sasabak na siya sa sexier and more daring roles?

"Diyos ko, ang role ko ngayon, e demonyo na [as Lizardo in GMA-7's Panday Kids], so wala na 'kong ibang pupuntahang role kundi mag-bold," pagbibiro ng aktor.

Wala naman daw siyang tutol sa sexy roles, "kung kailangan talaga, at kaya ko naman, why not?"

Hindi pa lang daw dumarating ang tamang project for him to go sexy.

SUCCESSFUL CAREERS. Dating taga-Dos si Marvin na lumipat sa Siyete, at "since nag-move ako dito 2005 hindi pa ako nagpahinga kaya wala na akong boses ngayon," pahayag ng aktor na medyo nga minamalat.

"Well, I guess, alagaan mo lang din ang trabaho mo, mamahalin ka din pabalik. Very happy ako, Calayan, GMA, mga restaurants ko," saad ni Marvin na nagmamay-ari na ngayon ng siyam na restaurants.

Dagdag ni Marvin, "Buti na lang meron akong tatlong pelikula kaya hindi ko naiisip ang lovelife ko na wala! So far yun, wala pa talaga."

Wala nga raw siyang ka-date noong Valentine's Day. "Nagte-taping kami ng Panday Kids that day.

"Suwerte ko ngayon sobrang busy, sa dami ng projects, TV, movies, I have a movie showing this March 10, and I'm shooting two other movies with Direk Joel Lamangan 'tsaka Marilou Diaz-Abaya, so sobra, this will be the best year for me, I think."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Red Shoes, ginagawa ni Marvin ang Sigwa for Direk Joel at ang Ikaw Ang Pag-ibig under Direk Marilou with Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo na produced by Unitel.

"Aktibista ako sa Sigwa 'tapos demonyo naman ako sa Panday Kids so talagang ang babait ng mga roles ko, tapos magnanakaw ako sa Red Shoes!

"Pero pari ako sa Ikaw ang Pag-ibig, so na-balance naman ang mga roles ko," natatawang sabi ni Marvin.

SECRET OF RESTO SUCCESS. Gusto ni Marvin na maging isang producer ng pelikula.

"Yes! It's another career, hindi siya yung lagi kang pera, produce, sayang naman yung journey at experience.

"Pero kung gusto mong mga-produce, make sure na gusto mo yung project, gusto mo yung material, na you'd really be a part of it, not just your money.

"So, yes, gustung-gusto ko, kaya lang, parang asawa 'yan e, hindi 'yan basta-bastang dumadating. Minsan 'yan love at first sight 'yang pag-produce na 'yan. Kapag nasimulan mo 'yan direderetso. Tingnan mo kapag nag-asawa, direderetso rin."

Sinasabing isa na siya sa pinakamayamang young actors ngayon. "Sana totoo!" natatawang sagot ng binata.

Ilan sa siyam na restaurants niya ay ang Marciano's, Sumo Sam, at John & Yoko.

"Kasi maganda yung expansion namin this year... utang yung mga yun, 'no, akala ninyo ba akin lahat yun?"

Ang sekreto ng tagumpay niya sa food business ay, "Make sure the quality of the food, yung service, talagang make sure you exceed expectations. Kaya yun, maganda din ang pasok ng blessings sa restaurant businesses namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN