'80s celebrity Ronnie Henares returns to TV via reality-sitcom Pepito Manaloto

It was Michael V who convinced him to face the cameras again. "Sabi niya sa akin, 'Pare, perfect ito para sa 'yo.' Sabi ko, 'Anong klaseng arte ko dito?' Sabi niya, 'Just be yourself!' Nung nagbasa na kami ng script, nakita ko yung character, taking advantage of people, asshole, flirt. Sabi ko kay Bitoy, 'Baka suntukin kaya kita!'"


Makalipas ang maraming taon, muling nagbabalik sa telebisyon si Ronnie Henares.

Isa siya sa main cast members ng Pepito Manaloto ng GMA-7, ang pinakabago at pinakaunang reality-sitcom sa telebisyon.

Matagal din siyang huling napanood sa TV.

"Tagal na hindi ko na mabilang. As an actor, the last time was with sina Hilda Koronel at sina Lino Brocka pa. Tagal na nun, siguro at least 20 years ago, sa Lino Brocka Presents.

"I also did one with Coney Reyes. Di ba si Coney Reyes meron din siyang series dati, yung Coney Reyes on Camera?" umpisang kuwento ni Mr. Henares nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pepito Manaloto ni Michael V noong Huwebes, March 4, sa 17th floor ng GMA TV complex.

THANKS TO BITOY. Si Michael V daw ang nagkumbinsi sa kanyang humarap muli sa kamera.

"Na-convince ako dahil kasama ko si Bitoy, talagang bilib na bilib ako sa kanya. First of all he's a very nice guy, second of all, definitely, talagang creative siya, e.

"Sabi niya sa akin, 'Pare, perfect ito para sa 'yo. Pinag-iisipan namin itong show na ito, ikaw agad napag-isipan namin.'

"Sabi ko, 'Anong klaseng arte ko dito?'

"Sabi niya, 'Just be yourself!'

"Nung nagbasa na kami ng script, nakita ko yung character, taking advantage of people, asshole, flirt. Sabi ko kay Bitoy, 'Baka suntukin kaya kita! Nang-iinsulto ka yata!'

"So natawa kami, but no, he chose me because of the way I talk, sabi niya kailangan ganun," kuwento ni Mr. Henares na gumaganap bilang Tommy Diones, isang financial analyst na magiging kalaban ni Pepito Manaloto.

ALL'S WELL WITH HIM AND REGINE. Dating siyang manager ni Regine Velasquez, at marahil, kung walang Ronnie Henares, wala ring Asia's Songbird.

Una niyang nakita si Regine in 1986 nang mag-guest ito sa Penthouse Live! kung saan producer si Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May communication pa sila ni Regine hanggang ngayon.

"Yes! We communicate very much and we're still very, very close. In fact, last Christmas we were together, nag-Christmas dinner kami sa bahay niya...

"You know, the career of Regine is, I think, very well taken care of by her sister Cacai. I'm sure Regine takes care of a lot of decisions, but Cacai also helps in the decision-making, 'tsaka magaling siyang mag-facilitate, magaling, I must say, ang galing niya talaga."

Kailan sila naghiwalay ng landas ni Regine as manager and talent?

"Wow, nag-manage kami kay Regine ng 17 years. Siguro I stopped managing her maybe about seven years ago."

Balita noon na hindi naging maganda ang pag-alis ni Regine sa poder niya.

"No, not necessarily. I mean, there were some tsismis, even I heard some tsismis, e, but para sa akin wala naman akong alam na may masamang hangin or whatever, and I think through time, kung talagang hindi niya ako nagustuhan or meron siyang sama ng loob, hindi kami kasing close as we are right now.

"As a matter of fact, si Cacai took me as her ninong for her wedding. Nag-wedding siya lately sa Tagaytay, ako ang kinuhang ninong, and then yung 25th wedding anniversary kami ng asawa kong si Ida, of course her and Ogie and her mommy and her daddy and Cacai were all invited. This was June 25 last year."

SPOTTING NEW TALENTS. Wala na ba siyang planong magdiskubre ulit ng isang Regine Velasquez?

"Of course, parating may plano, ang problema nga lang, yung maghanap nang ganun...

"Sarah Geronimo is good. Other than Sarah may magagaling din actually, but they are all being handled by other people, e.

"Maraming magagaling. Yung talagang gustung-gusto ko ngayon yung La Diva [na binubuo nina Jonalyn Viray, Maricris Garcia at Aicelle Santos].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like them very much. As matter of fact, si Aicelle I want to manage her sometime, but well, she's being handled by GMA."

Kasama rin sa Pepito Manaloto sina Carmina Villarroel, John Feir, Joshua Pineda at Manilyn Reynes, with the special participation of former senator Freddie Webb.

Mapapanood ito simula sa March 20 pagkatapos ng Pinoy Records sa Sabado Star Power.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN