Gretchen Barretto vows to unleash the "real Greta" in her first teleserye

Gretchen Barretto will soon topbill a teleserye on ABS-CBN, alongside Bea Alonzo and Derek Ramsay.


Last Wednesday, March 3 ay pumirma ng per-project contract si Gretchen Barretto sa ABS-CBN para sa teleseryeng gagawin niya sa Kapamilya network. Ito ay ang proyektong dapat pagsasamahan nila ng kapatid niyang si Claudine Barretto, pero hindi natuloy dahil lumipat na ng GMA-7 ang huli.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gretchen, inamin niyang nanghinayang siya na hindi natuloy ang pagsasama nilang magkapatid sa isang trabaho. Pero sa kabila nito ay hindi raw siya nakaramdam ng kaba na baka hindi na matuloy ang nasabing proyekto.

"Kasi alam ko naman na sa ABS pag may sinabi sila, gagawin nila yun, tutuparin nila. Habang nag-uusap kami tungkol sa kontrata at tungkol sa teleserye na dapat si Claudine ang kasama ko, sinabi nila na, 'Baka hindi matuloy si Claud. Kung mangyari ba yun, matutuloy ka pa rin ba, because we still want you.' Sabi ko naman, 'I gave my word, kapag sinabi ko, gagawin ko.'

"Nanghinayang ako na hindi na si Claud, pero siyempre, hindi naman ibig sabihin nun hindi na kami magkakatrabaho sa isang teleserye, na hindi na magkikita. Again, maliit lang ang show business. Alam ko naman yung decision ni Claudine na lumipat ng ibang istasyon, pinag-isipan niya yun at nirerespto ko yun," saad niya.

Ayon kay Greta, kahit nga raw siya ay nabigla sa naging desisyon ng kapatid at nalaman na lang niya ito nang lumabas na sa mga balita.

"Pero gaya ng sinabi ko, nirerespeto ko ang naging desisyon niya. Hindi kami nagkikita, tine-text ko siya, tinatawagan ko ng ilang beses. Pero I guess busy siya o baka gusto niya munang mapag-isa, so ibigay natin yun sa kanya."

BEA ALONZO. Ang kinuha ng ABS-CBN bilang kapalit ni Claudine sa teleserye ay si Bea Alonzo. Ayon kay Gretchen, excited na siyang simulan ang taping.

"Unang-una, that's Bea Alonzo. She's one of the biggest stars of ABS-CBN, box-office princess. It's inspiring to know I'll be working with somebody as good and as famous as she is, so inspiring talaga for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-workshop na kami ng dalawang araw. And right before we shoot, pinagwo-workshop uli kami just to refresh, getting to know each other. Nagba-bonding kami para talaga pagdating sa set, wala na yung ilangan."

Ayon kay Gretchen, pinanood pa raw niya ang pelikula ni Bea with John Lloyd Cruz na Miss You Like Crazy. Humanga raw siya sa ipinakitang husay ni Bea sa pelikula.

"Sabi ko, 'Ang galing pala talaga nito! Kailangan yatang umatras na lang ako!' But then, na-inspire ako. Sabi ko sa sarili ko, 'No, I have to work harder. I have to be in touch with my emotions, I have to be real. Kailangang ibigay na ang totoong Gretchen Barretto.'"

DEREK & TONYBOY. Bukod kay Bea ay kasama rin ni Gretchen sa teleserye ang hunky actor na si Derek Ramsay. Aminado si Gretchen na showbiz crush niya si Derek at talagang ni-request niya itong makatrabaho. Pero hindi kaya pagselosan ng partner niyang si Tonyboy Cojuangco ang pagtatambal nila ni Derek?

"Hindi naman siya nagseselos kasi alam naman ni Tony na kahit ano pa ang mangyari, hindi ko naman siya iiwan," sabi ni Gretchen. "Alam naman niya na naughty-naughty ako minsan, pero alam din niyang good girl ako ngayon.

"He's very supportive, sinasabi niya lagi sa akin, 'Go, I want you to work, I want you to feel good.' Kasi siyempre, when I feel good about my career, about myself, I feel happy also. Alam niya na ito ang pinakagusto ko, alam niyang I'm happiest when I'm working."

THE BUZZ & RUFFA. May usap-usapan na si Gretchen ang papalit sa puwestong iiwan ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Kumpirmado na kasi ang paglipat ni Ruffa sa TV5 at may ilang espekulasyong lumabas na baka si Gretchen daw ang kunin ng The Buzz para pumalit dito.

"Hindi pa namin napag-uusapan yun ni Boy Abunda, my manager," paglilinaw ni Gretchen. "Right now, naka-focus ako sa teleserye and then we'll see na lang kung ano ang mangyayari. Of course, I'm open working with Boy. Alam n'yo naman na nagsimula kami together sa Show and Tell [defunct GMA-7 show] nung araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman ni Ruffa," patuloy niya, "hindi pa kami masyadong nag-uusap about our career. Pag nag-uusap kami, 'How are you? What's happening?' It's not yung work-wise. Hindi ko rin alam na lilipat o lumipat na siya ng ibang station. Pero napakaliit ng mundo ng show business. Magkikita at magkikita kayo and one of these days, magkakaroon kayo ng project. Hindi man sa isang show, sa isang commercial, tulad na lang nung nagkasama kami sa isang commercial. Saka pag nami-miss naman namin ang isa't isa, nagkikita at nagkikita kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN