Saida Diola reassures Angelica Panganiban: "Friendship lang talaga."

"Kung nanonood si Angelica [main photo], sorry kung may mga gulo na ganito," said EB Babe Saida Diola (inset), whose closeness to Angelica's boyfriend Derek Ramsay was said to have caused a rift between them. "Wala naman akong masamang intensiyon or wala naman kaming masamang intensiyon ni Derek. Friendship lang talaga. Kung kailangan na wala nang friendship, okey sa akin. Basta wala akong natatapakan na tao."


Noong nakaraang linggo ay lumabas ang balitang naghiwalay na raw sina Derek Ramsey at ang girlfriend niya of three years na si Angelica Panganiban. Pero agad naman nilang pinabulaanan ito.

Sa isang kasalan kamakailan ay nakausap ng Startalk si Angelica pero matipid ang mga sagot niya sa mga tanong hinggil sa isyu.

"Nabalitaan nga po namin," ang nakangiti niya lang sinabi.

Kumusta naman sila ni Derek?

"Okay naman po kami."

Kinausap ka raw ni Derek na huwag nang magsalita?

"Wala... wala," ang maikli pero nakangiti pa rin niya sabi.

EB BABE IN THE MIDDLE. Lumabas naman sa ilang pahayagan na ang EB Babes member na si Saida Diola ang tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng hiwalayan isyu nina Derek at Angelica.

May tsismis pa na binigyan daw ni Derek si Saida ng diamond ring at sinusundo ito ng kotse. Sa puntong yun, nakausap naman ng Startalk si Saida para makuha ang kanyang panig.

Ayon kay Saida, "Lumabas sa article na nagselos daw... parang ako, ay ganun? Masama palang makipagkaibigan. Parang ako, saan galing yun? Bakit may ganun? Kailangan ako ang gawing dahilan?"

Wala ba talagang namamagitan sa kanila ni Derek?

"Walang something, e. Kung may something, friendship talaga. Magkaibigan lang. Ganun..."

REASSURING ANGELICA. Pero nabalitaan niyang pinagselosan daw siya ni Angelica?

"Nakikita ko lang sa diyaryo."

Matapos lumabas ang mga ganoong balita ay nagkausap na sila ni Derek.

"Sinabi ko na, 'Ay, ano ba 'yan? May mga isyung ganun? Pasensiya na kung may mga naapektuhan dahil sa friendship natin.'

"Nag-sorry siya na nadawit ako sa thing nila... sa isyu nila."

May message ba siya for Derek and Angelica?

"Kung nanonood si Angelica, sorry kung may mga gulo na ganito. Wala naman akong masamang intensiyon or wala naman kaming masamang intensiyon ni Derek. Friendship lang talaga. Kung kailangan na wala nang friendship, okey sa akin. Basta wala akong natatapakan na tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN