Michael de Mesa to Gina Alajar: "I hope that you'll find your next husband-to-be."

Michael de Mesa (right, with son Ryan who got married last Sunday) now lives in the U.S. and carries on a long-distance relationship with Hotlegs dancer Julie Reyes. He hopes his former wife Gina Alajar gets a second chance with someone else, too.


Bumalik kamakailan sa bansa ang aktor na si Michael de Mesa, na naninirahan na ngayon sa U.S. para sa kasal ng kanyang anak na si Ryan Eigenmann. Ginanap ang wedding noong Linggo, February 28, sa Coconut Palace.

Sa esklusibong panayam sa Startalk, nagkuwento si Michael tungkol sa buhay niya sa States.

"It's very different. It can get lonely. I do work for an ambulance provider. Kumbaga, nasa health care ako. So, I'm also a basic life support instructor."

Kumusta naman sila ng dating asawang si Gina Alajar?

"Okay naman," nakangiti niyang sabi. "Okay lang."

"I'M A CHANGED MAN." Nasabi na ni Michael noon na naka-move on na siya at may bago nang pag-ibig. Ibinalita sa kanya ng Startalk na si Gina raw ay naghahanap din.

"Oh, good for her. I mean, I wish her all the best. I mean, I hope she finds one already," ang sagot doon ni Michael.

Taong 2006 nang mapawalang-bisa ng korte ang 27 years nilang kasal ni Gina. Pero by the time that the marriage was dissolved, ilan taon na rin ang relationship ng aktor kay Julie Reyes.

Si Julie ay mula sa dance group na Hotlegs. Hindi ba nalulungkot si Michael na nandoon siya sa States habang narito sa Pilipinas si Julie?

"I'm a changed man. I've been loyal to Julie since the time that we we're together," ang sagot niya.

Nine years na ang relasyon nila ni Julie, pero muling nilinaw ni Michael na hindi ang dancer ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating asawa.

"I met Julie after Gina and I had separated." Dagdag pa ng aktor na "amicable talaga" ang paghihiwalay nila.

Nang lumabas ang Facebook issue ni Gina regarding Krista Ranillo, it was only their son Geoff Eigenmann who defended his mom. On his part, how did he feel when all those issues came up?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nothing... I've moved on. I'd rather talk about what's happening to me now and my plans for the future rather than dwell on things that happened in the past."

MESSAGES FOR NEWLYWEDS AND EX-WIFE. Nais niyang iparating sa anak na si Ryan at ang brand new wife nitong si Cathy Bordalba:

"I truly wish you both all the best. Just take care of each other. I know that both of you are good for one another. Take care one of another and always put God first in everything you do. I love you both."

At para naman kay Gina:

"I wish you all the best. Take care always... I wish for your happiness. I hope that you'll find your next husband-to-be."

Last Thursday, March 4, ay bumalik na sa States si Michael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN