Eugene Domingo plays a sex therapist in SRO's Hot Mama

Eugene would love to do a movie with Nora Aunor. "Kahit ano, drama o comedy. Gusto kong makita yung mga mata niya, gusto ko!" gushed the excitable comedienne, who hopes the original Superstar will really return in April. "Kailangan natin siyang ma-experience ulit!"


Nadiskubre ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano ang respeto at paghanga ni Eugene Domingo kay Ms. Nora Aunor.

Sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Hot Mama ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Eugene, tinanong ng PEP ang komedyana kung may dream role pa siya.

"Hindi ko alam kung anong role pero gusto ko sanang gumawa ng pelikula kasama si Nora Aunor! Hindi ko lang alam kung mangyayari."

Nang sabihin sa kanyang baka uuwi ang Superstar sa Abril, di mapigil ang excitement nito.

"Sino ang maysabi? Saan siya pupunta? Anong gagawin niya dito? Talaga?

"Kailangan natin siyang ma-experience ulit!"

ONE AND ONLY SUPERSTAR. Gustung-gusto niya si Ate Guy dahil "genius siya, e. Kung meron tayong artista na dapat ipagmalaki at paulit-ulit... kahit paulit-ulit na bigyan ng pagkakataon na maipakita sa bawat generation what a brilliant actress Nora Aunor is.

"We owe it to her kasi ang Himala hanggang ngayon nagbibigay sa atin ng karangalan, nanalo sa CNN."

Tinanghal ang pelikula sa 2008 CNNAsia Pacific Screen Awards (APSA) Viewers Choice Award bilang Best Asia-Pacific Film of All Time. (Ang Himala ay ginawa ng yumaong director Ishmael Bernal mula sa script ni Ricky Lee at cinematography ni Sergio Lobo noong 1982.)

"At walang artista na ganun, na yung tunay na buhay niya naging inspirasyon. Binago niya ang disenyo ng superstar, ng isang sikat na artista from maputi to moreno. Singer siya, yung buhay niya from rags to riches, hanggang sa nasaksihan natin kung paaano naman siya nawala...

"Alam mo, parte siya ng buhay natin na gusto nating makaahon siya ulit. At gusto ko pagbalik niya at umahon siya ulit, gusto ko sana kasama ako, kasama ko siya. Kasi isa lang ang Nora Aunor!"

FAN OF NORA & VILMA. Noranian pala siya?

"Hindi, Vilmanian rin, Noranian, hindi kasi sinu-sino pa ba ang... sila na lang, e. Parang natapos na sa Sharon-Maricel, Nora-Vilma, o sino ang sumunod? Juday-Claudine, hindi kasing kulay nung sa dalawa. Parang pagdating ng Juday-Claudine, maayos na maayos na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pang pahayag ni Eugene tungkol kay Ate Guy, "Gusto ko siyang makasama sa isang pelikula, gusto ko talaga, kahit ano, drama o comedy. Gusto kong makita yung mga mata niya, gusto ko!"

Alam ba ni Ate Vi (na nakasama na at ginagaya ni Eugene sa pelikula) na ganun niya hinahangaan si Ate Guy?

"Si Ate Vi naman, speechless ako kapag nakikita ko in person! Sa linis, sa bango, sa ayos, maayos, e, si Ate Vi, talagang ka-gov-gov, ganun. Yung isa naman, artist, 'noh, si Ate Guy.

"Sana kaming tatlo! Gusto mo yun? Ha! Ha! Ha! Hindi puwede? Puwedeng mangarap, di ba?

HOT PAPAS. Sa SRO Cinemaserye Presents Hot Mama na ipalalabas na sa Huwebes, March 11, pagkatapos ng GMA Telebabad, gumaganap si Eugene bilang Dr. Lola Cardenas, isang psychiatrist-sex therapist na kilala bilang si Hot Mama sa late-night radio program na hino-host niya. Leading man niya si Wendell Ramos.

Speaking of leading men, tinanong namin si Eugene kung sino sa mga hot papa sa showbiz na hindi pa niya nakakapareha ang gusto niyang makapareha.

Hindi na kasama dito si Wendell at si Dingdong Dantes na nakapareha na niya sa Kimmy Dora.

"Gusto kong makasama si Richard Gomez. Hindi ako gi-give up!... Alam ko kahit hindi siya masyadong lumalabas ngayon, bigyan mo siya ng tamang.... Naku, yes naman, sarap! Number one siya sa akin.

"Number two? Si Mark Anthony Fernandez, isa pa yun, e! Ang seksi nu'n e, effortless, e!" Nakasama na niya si Mark sa Ako si Kim Samsoon, but not as partner.

"Of course, Diyos ko, huwag mo nang i-one-two-three... Piolo Pascual! Huwag mo nang i-one-two-three, may sarili na siyang pedestal.

"Christopher de Leon! E, kung original si Richard, mas original si Christopher de Leon. At saka siyempre, Ate Vi-Ate Vi-han ang drama ko," tawa nang tawang pahayag ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa SRO Cinemaserye Presents Hot Mama sina Maureene Larrazabal, Victor Aliwalas, Ces Quesada, Joseph Smisek at Janna Dominguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN