What made co-host Ruffa Gutierrez walk out on The Buzz?

Ruffa Gutierrez walking out on The Buzz yesterday is now the biggest news in showbiz. What made Ruffa leave the show even if it wasn't finished? Did Kris Aquino say anything offensive? These are just two of the questions that the viewers are asking after watching that episode of The Buzz.


Usap-usapan na ang nalalapit na pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil sa paglipat ng TV host-actress sa TV5, kung saan magkakaroon siya ng ibang showbiz talk show, kasama sina Cristy Fermin at Mo Twister.

Pero bago pa man ang tuluyan niyang pag-alis ay nagkaroon ng malaking isyu nang mapabalitang nag-walkout si Ruffa sa The Buzz kahapon, March 7, dahil sa umano'y pagkapikon sa pambabara raw sa kanya ng co-host na si Kris Aquino.

THE BUZZ INCIDENTS. Nagkaroon ng ilang sapantaha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang mapanood ang The Buzz kahapon tungkol sa ilang insidenteng maaaring naging dahilan o nagbunsod ng umano'y tensyon sa pagitan nina Ruffa at Kris.

Sa opening pa lang ng The Buzz ay naging kapansin-pansin ang tila hindi agad pagbati ni Kris kay Ruffa. Nauna kasing binati ni Kris si Boy at sinabing na-miss niya ito sabay yakap sa kabigan at co-host. Tila naghintay naman ng pagbati si Ruffa, kaya siya na ang nag-initiate sa pagsasabing, "Ako, hindi mo ako na-miss? Malapit na..." Tila ang tinutukoy rito ni Ruffa ay ang nalalapit niyang pag-alis sa ABS-CBN.

Sinagot naman ito ni Kris na matagal daw kasi silang hindi nagkita ni Boy kumpara dati na araw-araw silang nagkikita dahil sa palabas nilang SNN (Showbiz News Ngayon). Nag-leave kasi si Kris sa show dahil na rin sa sobrang stress matapos ang aksidente niya sa banyo kung saan nabagok ang kanyang ulo.

Isa pang insidente ay nangyari naman during their "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment. Ang topic nila for discussion ay ang nangyaring pagbibi-break umano nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ngunit nagkabalikan din daw after three weeks.

After ng VTR about the story, si Ruffa ang naunang nagbigay ng comment. Aniya, "Kanina we're actually discussing it, di ba? Every couple goes through problems. Ang napatunayan, they did go through a bump in their relationship. Pero doon sa two or three weeks na naghiwalay sila—"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biglang sumabat si Kris at sinabing hindi sila naghiwalay.

Patuloy ni Ruffa, "Hindi sila naghiwalay. Nagkaroon sila ng problema. So, naayos naman nila yun. And now they're back in speaking terms and their really good."

Sumunod namang nagbigay ng komento si Boy na sinegundahan pa ni Ruffa. Hanggang sa turn na ni Kris na magpahayag. Nagsalit-salitan na ang pagbibigay nila ng opinyon.

Nang muli namang magsalita si Ruffa sinabi niya, "In any relationship, you either accept the guy or accept the person for the way he considers everything. O kaya iwanan mo na lang."

Bagay na kinuwestiyon ni Kris. At dito na sila nagsimulang magdiskusyon.

"I'll argue lang with Ruffa, shortly. You'll also change," sabi ni Kris.

"That's what people are saying," sabi naman ni Ruffa.

"Ako, me... quiet na ako," ani Kris.

Tanong ni Ruffa, "Why did Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband] didn't [sic] change?"

Paliwanag naman ni Kris, "No, I'm just saying. Ako nag-a-adjust. I'm trying my best and I see my husband [James Yap] is trying also to adjust. Like yung mga, I'm trying to be a little more quiet. No, really, di ba? Tapos noong sinabi niya na basta walang halikan. Okay. Di ba nga, nagkadalawang anak na ako sa KTM [Kung Tayo'y Magkakalayo], walang halikan. Yun lang yun, you're trying to adjust talaga."

Sumabat naman si Boy na, "What Ruffi is trying to say is you either accept... Part of acceptance is adjusting, you know. And part of quitting and going away after you tried many times and things don't work, remember you have a choice to say goodbye."

"Especially kung nagmumukha ka nang tanga," wika ni Ruffa.

"Korek, yun naman ang hindi dapat, na magmukha ka nang tanga," pagsang-ayon naman ni Kris.

"I'm always the first to know. Okay next. Number two," pag-cut ni Ruffa para sa susunod na story tungkol sa umano'y hindi pagpapansinan nina John Lloyd Cruz at John Prats sa nakaraang Gawad Tanglaw dahil na rin sa isyu ng dalawa kay Shaina Magdayao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After ng VTR, magkakasama pa sina Boy, Kris at Ruffa sa pagbibigay ng komento tungkol sa naturang istorya. Walang mapapansing anumang tensyon sa tatlo. Hanggang sinabi Kris, "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito."

Na sinagot ni Ruffa ng, "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ayon naman kay Boy, "No. But we run in circles. Don't say goodbye."

Sabi naman ni Kris, "Ano ka ba? We're neighbors."

Hindi na nagsalita si Ruffa ngunit halatang-halata na mangiyak-ngiyak na siya. Pagkatapos, kitang-kita ang pagtayo ni Ruffa mula sa kanyang kinauupuan bago ang commercial gap.

Iyon na ang huling appearance ni Ruffa sa show. Marahil, ang pinakahuling exchanges ang naging mitsa ng umano'y pagkapikon ni Ruffa. Hanggang sa nangyari na nga ang walkout niya.

CAUGHT ON GMA NEWS' CAMERA. Sa Sunday edition naman ng 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA-7, ibinalita rin ang pag-walk out ni Ruffa sa The Buzz. Binangggit din sa report ang tungkol sa pagpapa-interview ng ina nitong si Annabelle Rama sa Showbiz Central. (CLICK HERE to read related story.)

Matapos daw ng walkout ni Ruffa, nakita naman ng GMA News ang TV host-actress sa isang restaurant sa Tomas Morato pero tumanggi muna itong magbigay ng pahayag.

Sa video na ipinalabas sa 24 Oras, ipinakitang agad sumakay si Ruffa sa kanyang van pagkalabas ng restaurant. Kasama niya nang mga oras na iyon ang PR man ng Gutierrez family na si Jun Lalin.

Pinakiusapan ng news team si Jun na mahingan ng pahayag si Ruffa. Pero ayaw nga raw muna ni Ruffa, sabi ni Jun.

Sinubukan din kunan ng pahayag ng GMA News si Kris Aquino, pero tumanggi muna itong magsalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN