Rocco Nacino fulfills promise to hold thanksgiving party for his StarStruck V supporters

"The other day nga po, kinuha ko yung lisensiya ko sa PRC [Professional Regulation Commission]. Nakaupo po ako, naghihintay. Sabi ko, ano ba talaga ang gusto ko? 'Tapos, sabi ko, ito talaga. Ito talaga ang gusto kong gawin. Matagal ko na rin naman pong gustong gawin ito and since nandito na po ako, I'll grab every opportunity pong talaga," says Rocco Nacino about his decision to focus on his showbiz career instead of pursuing a career in Nursing.


Tinupad ni Rocco Nacino ang pangako niyang magsagawa ng isang thanksgiving party at fans day para sa mga sumuporta sa kanya noon sa StarStruck V. Ito ay sa kabila na hindi niya nakuha ang major title bilang Ultimate Male Survivor sa Final Judgment noong February 21 sa Araneta Coliseum. Second Prince ang nakuhang puwesto ni Rocco, samantalang si Steven Silva ang itinanghal na Ultimate Survivor at si Enzo Pineda naman ang naging First Prince.

Ginanap ang thanskgiving party at fans day ni Rocco last Saturday, March 6, sa Anchor Pavilion sa San Joaquin, Pasig City. Ayon sa StarStruck V Second Prince, memorable sa kanilang pamilya ang naturang lugar.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco during the event, tinanong namin siya kung bakit naisipan niyang gumawa ng ganitong gathering para sa supporters at fans niya.

"Siyempre po, gusto ko pong makapag-give back sa mga fans na sumuporta sa akin. At the same time, thanksgiving na rin kay God dahil ang laki ng inspiration Niya sa buhay ko, sa pagtulong Niya sa akin sa StarStruck. Tapos, pinili po namin ang day at ang place din po. Memorable sa amin dahil dito rin po nag-thanksgiving ang Mom ko, 11 years of survival niya sa cancer. So, noong okay na siya, completely healed na siya sa cancer, dito po kami nag-thanksgiving," paliwanag ni Rocco.

Five years ago raw nang ma-heal sa breast cancer ang kanyang mommy na si Mrs. Linda Nacino. Dahil dito, taun-taon ay nagte-thanksgiving sila at isinasabay na rin nila ang outreach program para sa mga bata at out-of-school youth. Rocco and his family belong to the Born-Again Christian group Pax Christi.

"Sa family po kasi namin, nakaka-touch po yung bond namin sa Church, very helpful po sa mommy namin. Nandito nga po kami ngayon bilang victory, thanksgiving party and outreach na rin po para sa mga bata. Sinabay na po namin. Yung mga blessing po na nakuha ko sa StarStruck, gusto ko pong i-share sa kanila," saad ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa March 21 naman ay magse-celebrate si Rocco ng kanyang 23rd birthday. Pero ayon sa kanya, most likely ay isang intimate dinner na lang daw ang gagawin niya with his family.

ROCCOFELLAS. Ayon kay Rocco, ang talagang nag-asikaso raw ng thanksgiving party at fans day niya ay ang "Roccofellas," bansag sa kanyang mga tagasuporta. Ang ilang fans niya na sumuporta raw sa kanya during StarStruck V na nasa iba't ibang bansa at hindi nakarating ay nagpadala raw ng pera at nag-ambag-ambag para mas maging masaya ang kanilang celebration.

Napansin nga ng PEP na suot pa rin ng supporters niya ang violet shirts na siyang naging kulay ni Rocco noong Final Judgment ng StarStruck V.

"Very happy ako noong makita ko itong lahat. Wala akong ideya. Sabi ko na lang sa kanila, surprise me, na-surprise nga ako!" masaya niyang sabi.

Sa naturang thanksgiving party at fans day ni Rocco ay present din ang kanyang buong pamilya at ilang mga kamag-anak. Rocco's mom, Linda, was hands-on at may pagkakataong ito pa ang nagsilbing host sa programa. Rocco's father, Ralph, led the thanksgiving through a praise and worship song. Siyempre pa, naroon din upang sumuporta ang younger brother ni Rocco na si Kylie, na maraming nagsasabi na artistahin din ang hitsura.

CHANGES AFTER STARSTRUCK. After StarStruck V, ano-ano ang mga nakikitang pagbabago ni Rocco sa kanyang buhay?

"Marami po, marami...aside from the fact na maraming nakakakilala sa akin ngayon. Nakaka-inspire lalo. Nalalaman ko na may nata-touch akong buhay. I mean, like the kids here, natutuwa sila na nandito ako. Kaya po ako, parang I want to live up as a role model to them. Kaya po sinisiguro ko na lahat ng gagawin ko, may mapupulot silang maganda," saad ni Rocco.

Rocco actually has already an advantage among his peers. Nakatapos na siya ng Nursing at board passer na rin siya kaya isa na siyang registered nurse. Pero nagdesisyon na raw siyang pag-aartista talaga ang gusto niyang gawin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The other day nga po, kinuha ko yung lisensiya ko sa PRC [Professional Regulation Commission]. Nakaupo po ako, naghihintay. Sabi ko, ano ba talaga ang gusto ko? 'Tapos, sabi ko, ito talaga. Ito talaga ang gusto kong gawin. Matagal ko na rin naman pong gustong gawin ito and since nandito na po ako, I'll grab every opportunity pong talaga."

Dagdag ni Rocco, "Pero siyempre po, very happy rin po ako na i-prioritize ang pag-aaral ko and at the same time, natuwa rin po ang parents ko. Para sa kanila, very fulfilling yung mapagtapos nila ang anak nila."

At this point, naghihintay lang daw si Rocco kung ano ang ibibigay sa kanyang projects ng GMA-7. Naririnig lang din daw niya na makakasama raw siya sa afternoon soap na Gumapang Ka sa Lusak kaya ipinagpi-pray niyang matuloy ito.

ROCCO'S BATCHMATES. Kuwento ni Rocco, nagkakasama pa rin daw sila ng StarStruck V survivors, lalo na ang Final 5, tulad nang manood sila ng premiere night ng Alice In Wonderland.

Pero ngayong pare-pareho silang nasa mundo ng showbiz, mas nararamdaman na ba ni Rocco ang totoong competition among themselves?

"Walang competition. Walang nag-aagaw pansin sa amin," sagot niya. "Masaya kami sa mga trabahong napupunta sa kamay namin. We grab every opportunity that comes our way. So, masaya kami kapag magkasama kami. At saka, itinuturing ko silang parang mga kaibigan, kabarkada namin."

Sa batch nila, siya yata ang wala pa talagang masasabing ka-loveteam. Pero kung si Rocco raw ang papipiliin, may mga Kapuso girls daw siyang gustong makapareha.

"Gusto ko sila Carla Abellana, siyempre si Marian Rivera, si Heart Evangelista, and Kris Bernal. Si Kris, nakatrabaho ko na. Siyempre, gusto ko siyang makapareha kung papayag si Aljur [Abrenica, ka-loveteam ni Kris]!" natatawa niyang sabi.

Pero sino talaga ang ultimate crush niya sa mga binanggit niya?

"Si Carla. Kasi kapag nakikita ko siya, parang bumibigay ang tuhod ko, hindi ko kayang tumayo. Ganun talaga ang pagka-crush ko sa kanya!" natatawang sabi ni Rocco. Si Carla ang isa sa mga host ng StarStruck V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP also asked Rocco kung sa tingin niya ay nabura na yung naging impression sa kanya noon sa StarStruck V na mayabang siya at "inaapi" niya ang kasamahan niyang si Enzo Pineda.

"Sa tingin ko po, nawala na. Na-convert na rin into respect. Tingin nila sa akin noon kung mayabang, pero noong naging Second Prince of StarStruck, sinasabi naman po nila na, 'Ay, yun, magaling...' Siyempre po ako, nagte-thank you po ako at ina-appreciate ko po ang mga compliments na yun.

"Ako kasi, yung sa mga nangyari sa StarStruck, natuto na rin ako. Mas sensitive na ako sa mga ginagawa ko. As much as possible, I keep my feet on the ground po."

Ayon pa kay Rocco, mas natsa-challenge raw siya ngayon being the Second Prince of StarStruck V.

"Siyempre po, since sila Steven Silva ang nanalo, mas maraming opportunity sa kanila. But that pushes me to do better para kahit paano, mapantayan ko rin po ang mga opportunities na nakukuha nila. Kaya kahit guesting lang, ginagalingan ko po," saad niya.

THE HUNK. Noong Final Judgment ay marami ang nagulat at natuwa sa naging performance niya, lalo na noong pinunit niya ang kanyang damit to show off his body sa katapusan ng kanyang song-and-dance number. Ano ang ibig niyang sabihin dun?

"Ipinakita ko na, kumbaga, I flaunt na rin kung ano ang puwede kong ipagyabang. Kumbaga, pinaghirapan ko rin 'to. At the same time, open ako sa pagiging hunk. Kung yun po ang gusto nila, I'll give them what they want. Ako naman po, StarStruck pa lang, si Aljur na po talaga ang idol ko. Hanga po ako kung paano ang naging pag-angat niya sa showbiz," sabi ni Rocco.

CLICK HERE to view photos of Rocco's fans day in Peparazzi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN