Akihiro Sato sends most of his earnings to his family in Brazil

"Being here in the Philippines is already my gift, so I'm enjoying it. Being in the showbiz is already enough for me," says model-actor Akihiro Sato.


Dalawang taon na ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato sa Pilipinas, at may kinapupuntahan naman daw ang kanyang kinikita bilang modelo at artista dito sa ating bansa.

"I have a new house in Brazil, and also a new car in Brazil," banggit ni Akihiro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview.

Ayon pa sa model-actor, nagpapadala rin siya ng pera sa kanyang pamilya sa Brazil.

"Yes, I want to give to my family, so I give most of my salary to my family."

Nagtitira naman daw siyempre si Akihiro ng para sa kanyang sariling pangangailangan.

"Of course, I think about myself here in the Philippines, so not all my salary. I need to survive here in the Philippines."

Blessing daw ang magandang career niya sa Pilipinas.

"Being here in the Philippines is already my gift, so I'm enjoying it. Being in the showbiz is already enough for me."

Ito ang dahilan kaya mas pinili niyang mag-concentrate bilang modelo at artista dito kesa sa Thailand, kung saan nagmo-model din siya.

"Both countries are very nice, but I'm enjoying here right now. I'm giving Philippines all my best," aniya.

Nagpapasalamat din daw si Akihiro sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

"You guys give me all I have. I feel that here is the place I belong also, and I really love to stay."


Pero wala naman daw sa plano niya na maging isang Filipino citizen. Hindi raw sa ayaw niya, kundi dahil hindi pupuwede.

"I cannot have a Filipino passport. That's kind of complicated, but I have a work permit and ID," paliwanag niya.

WOMEN & GAYS. Napag-usapan din namin ni Akihiro sina Rufa Mae Quinto at Rhian Ramos na na-link sa kanya before, at si Marian Rivera na nasa listahan ng prettiest actresses in showbiz ni Aikihiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Rufa Mae is close to me, we know each other. We worked for two shows. We know each other, really good friends. Si Rhian? We went to Iloilo, she was promoting Stairway [to Heaven] and me, Moshi, Moshi I Love You before. I met her there. Marian, we worked in Darna, and she is really beautiful!" saad ni Akihiro.

Nagtaka raw si Akihiro kung bakit napabalitang niligawan niya si Rhian.

"I didn't make ligaw to her, I don't see her now," sabi niya. "Rufa Mae, we're textmates. But not right now because I just arrived and we didn't have time. But we are friends, me and Rufa. All of them, we are just good friends. All of them, they are beautiful and I respect all of them."

Sino sa palagay niya ang pinakamagnada?

"I don't know which one is more beautiful. I think all of them!" natatawa niyang sabi.

Nasangkot na rin sa gay-related issues ang pangalan ni Akihiro, at inamin naman niyang nakatanggap na siya ng mga pabulosang indecent proposals mula sa mga bading sa Thailand at maging dito sa Pilipinas.

"I was offered a car, a house and lot, and money. I refused. I'm not that kind of a person. I don't need money from them, I don't want that. I just want to be friends with them. I'm not the kind of person that you can buy, I work hard," sabi niya.

Kasama si Akihiro sa Panday Kids ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN