Gina Pareño defends acting of Kris Aquino in Kung Tayo'y Magkakalayo

"Sa acting naman, si Kris, very natural na bumigay ng linya. Nasa role niya yun, e. Pag dumarating siya sa set, alam niya ang mga linya at sequences. Para sa akin, okey naman siya. Siyempre, wala pa kami sa highlight," says veteran actress Gina Pareño (in photo) about Kris Aquino.


Ipinagtanggol ng award-winning actress na si Gina PareƱo ang co-star niya sa Kung Tayo'y Magkakalayo na si Kris Aquino dahil sa mga puna na "bano" raw itong umarte. May ibang televiewers pa nga raw na pinapatay ang TV nila dahil naiinis sila sa acting ni Kris.

"Alam mo, you cannot please everybody. Siyempre, merong hindi maka-sa 'yo, merong maka-sa 'yo. May kanya-kanya tayong character, di ba? Lulusot ba 'yan kay Direk? Okey naman siya. Take one naman siya," saad ni Gina na gumaganap bilang biyenan ni Kris sa primetime series ng ABS-CBN.

Dagdag pa ng veteran actress, "Alam mo kasi si Kris Aquino, pagdating sa emcee, only Kris Aquino. Kaisa-isa 'yan sa babae. Sa lalake, sina Willie Revillame at Boy Abunda. 'Yang tatlong 'yan, walang makakadikit sa hosting.

"Sa acting naman, si Kris, very natural na bumigay ng linya. Nasa role niya yun, e. Pag dumarating siya sa set, alam niya ang mga linya at sequences. Para sa akin, okey naman siya. Siyempre, wala pa kami sa highlight. At saka akala ko nung una... Hindi pa kami close masyado, ngayon pa lang.

"Nung napapanood ko lang siya sa TV, parang ako pala siya. Pag sinabi, sinabi. Matabil din. Ako rin, ganun din, e. At this point in time ba naman, tayo pa ba'y magbobolahan? Millenium na ngayon, pare! Si Kris kasi, pag gusto ka niya, humanda ka, pakikitaan ka niya na gusto ka niya. Ngayon, pag nagustuhan ka niya, hindi ka niya pipintasan. 'I like that,' ganun. Gusto niya baguhin ka. Magaling siya, hindi siya echosera. Dapat makilala mo siya talaga. Noong second day, third day, patag na ang loob ko sa kanya," saad ni Gina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May mga balita ring kumakalat na may gap daw sa pagitan ni Kris at isa pa nilang kasama sa Kung Tayo'y Magkakalayo na si Coco Martin. Aware ba si Gina sa isyung nababaduyan daw si Kris sa pananamit ni Coco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saan yun? Wala akong alam," nagtatakang reaksiyon ni Gina. "Hindi nagsasalita sa akin si Coco. Si Kris ay napakadisenteng tao, hindi naman magsasalita yun na cheap manamit ang isang tao. Edukada ang babaeng 'yan. Hindi ganun 'yan. Happy kami dito sa set."

Close si Coco kay Gina mula nang magkasama sila bilang mag-lola sa Tayong Dalawa at sa ilang indie films gaya ng Serbis.

NORA AUNOR. Welcome naman kay Gina ang pagbabalik ng Superstar na si Nora Aunor sa showbiz at wish niya na makasama ito sa proyekto.

"Oo naman!" bulalas niya. "Definitely, as in definitely. Buti nga 'yan, makumpleto tayo. Gusto ko siyempre makasama niya ako sa unang pelikulang gagawin niya."

Naniniwala ba siya na makakabalik pa ang isang Nora Aunor sa industriya?

"Alam mo, basta magaling ka, magagawa mong maibalik yun. At kinakailangan ay panindigan mo kasi tutulungan ka sa Taas, di ba? At saka kung magaling ka, nandoon talaga yung natural na talent mo," saad ng multi-awarded actress.

Ano naman ang masasabi niya sa pagpaparetoke ng mukha ni Ate Guy?


"Why not? Muntik na nga akong magparetoke rin, e. Nag-umpisa lang ako agad ng serye. Inabutan na ako ng Kung Tayo'y Magkakalayo. Gusto ko, e. Malandi ako, e!" tawa niya.

BAKAL BOYS. Kasama si Gina sa acclaimed indie film na Bakal Boys, kung saan nominated siya bilang Best Supporting Actress sa Urian Awards.

Naniniwala ang aktres na dapat masundan ang pelikula ng bidang bata sa Bakal Boys na si Meljun "Utoy" Guinto.

"Dapat. Sa lahat ng mga bata sa Bakal Boys, siya ang pinakamagaling. Pero lahat dun magagaling. Sa lahat ng mga bata dun, siya ang parang Dindo Fernando. Yung mata, gumalaw, pansinin niyo. Ang galing ng mata ng Utoy na yun," sabi niya.

Tinuruan ba niya ang mga bata habang umaarte?


"Naku, matuturuan mo ba, mga mahadero! Bago pa lang kami noon, ang ginawa sa amin ni Direk [Ralston Jover] bago mag-shoot, pinapunta ako sa Baseco para mag-merienda with the boys. Dinala kami sa isang restoran dun at pinakilala kami. Naku, maniwala ka, di ba, may mga Coke in can? Naglalagay sila sa bulsa, sa likuran ng pantalon. Namumutok talaga!" natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko kay, 'Utoy, hoy anak, ikaw ha!' Sagot sa akin, 'Para bukas ko po ito.' Di ba, marunong mabuhay? Siyempre, ganoon ang nakalakihan nila, e. Minsan lang mag-Coke in can. Kung pipintasan mo yun, pangit yun. Pero kung hahalukayin mo sa malalim, hayaan mo na. Kasi naman ang tao, hindi natututo bigla. Sa Lunes, tuturuan mo, sa Martes perfect na.

"Alam mo, natuwa ako sa kanya. Sabi ko, 'Matinggero ito!'" tawa ulit ni Gina. "Tanungin mo si Utoy, sinita ko noon. Pero nung first, second shooting namin, nagdadala ako ng crackers, nauubos talaga. Kahit limang supot o sampung supot dala mo at ihagis mo sa kanila, ubos-ubos yun!

"Si Utoy, nagpaalam pa sa akin, 'Tita, mag-uuuwi ako para sa kapatid ko.' Di ba, cute? Gusto rin niyang matikman ng mga kapatid niya ang nakakain niya. Gusto niya mag-share. Pero nung mga third day kami, may mga sotanghon, may mga noodles kami, hindi na sila masyadong nae-excite.

"Pero alam mo yung kay Utoy, hindi arte, e. Very, very natural. Sana huwag siyang mag-last-last na pelikula. Sana may mga producers na kunin pa rin siya. Gusto kong umarte siya. Magaling yung bata. Outstanding kasi atribido, magaling magnakaw ng eksena," kuwento ni Gina.

Nakita rin daw niya na nagmukhang tao na ang mga bata nung magbihis sila at pumunta sa parangal ng Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines kung saan nanalo ang Bakal Boys. Nakita niyang nakapantalon, nakaayos ang mga bata, pero may konting likot-likot pa rin.

Gumaganap si Gina sa Bakal Boys bilang isang lola na naghahanap sa kanyang nawawalang apo na kasama ng mga bakal boys sa dagat. Para maging realistic ang kuwento, mga real-life children metal divers sa Baseco ang gumanap na mga bida sa Bakal Boys. Sila ang mga napili sa audition na ipinatawag ng Apogee Productions nina Bessie Badilla at Albert Almendralejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN