Aubrey Miles waiting for contract with current manager to end so she can look for new one

"I'm just finishing my contract with my manager. Hindi pa rin kami nagkakaayos or nagkakausap. Ayaw niya akong kausapin. We'll see, we'll see kapag natapos na. At sana matapos na. By August na lang ang contract ko sa kanya," says Aubrey Miles about her manager Dondon Monteverde.


Isa si Aubrey Miles sa hindi nakakalimot magpunta tuwing may event ang FHM Magazine. Dumating nga siya kagabi, March 11, sa 10th anniversary celebration ng FHM, featuring the 25 Sexiest Women of the Decade, sa NBC Tent sa Taguig City. Isa si Aubrey sa 25 Sexiest Women na napili ng nangungunang men's magazine sa bansa.

Malaking bagay raw para kay Aubrey ang patuloy na pagkakasama ng pangalan niya sa sexiest women list ng FHM. Kung tutuusin nga naman, matagal-tagal na rin siyang hindi masyadong visible sa telebisyon at isa na rin siyang "hot mama" dahil sa pagkakaroon na niya ng dalawang anakā€”isa sa live-in partner niyang si Troy Montero at isa sa dati niyang boyfriend na si JP Obligacion.

"Siyempre, ang daming sexy girls ngayon, siyempre, popular at ang daming magaganda at sexy. Pero napansin pa rin nila ang mga naunang covers, especially yung first at second cover ko na 'hot cover' or 'babe' yata ang inilagay nila. Happy ako siyempre na na-recognize nila ang mga first covers ko, and proud," sabi ni Aubrey sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero ano nga ba ang sikreto niya for staying a "hot mama" all these years?

"Sa akin siguro, kung talagang gusto n'yo, magagawa n'yo, e. Yun nga ang palagi kong motto: You don't have to deprive yourself from eating. You can eat anything but not everything. You can go the gym at kung hindi ka magdyi-gym, try to do diet and healthy diet at support din from your partner. Mahirap kasi kapag walang support, but at the same time, do it for yourself, kaya mo."

Ayon pa kay Aubrey, malaki ang utang na loob niya sa FHM.

"Very, very talaga!" bulalas niya. "Nag-start ako and then, you know my career is going up and down, it's like a rollercoaster. They got me on the second cover and now, after giving birth, they gave me a chance again. So, talagang thankful ako na na-support nila ako at ni-recognize nila my hard work at saka thankful ako sa kanila. I'm so proud."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOLY WEEK IN NEW ZEALAND. Ikinuwento rin ni Aubrey sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang plano nila ng kanyang partner na si Troy sa New Zealand sa darating na Holy Week.

"I really wanted to go there before I got my visa. Sabi ko, hindi ko nagagamit, so why not use it now? I wanna check it now. Kaso, summer nga rin dun ngayon. Sabi ko, I wanna dress up. Kaso yun nga, naka-book na kami. E, hindi pala malamig dun, so, gusto ko lang, curious na makita. Mainit dun pero hindi pa rin naman ganito kainit sa atin. Hindi ako makapag-gym sa sobrang init," lahad niya.

One year and five months old na ang anak nila ni Troy na si Hunter Cody. Kuwento ni Aubrey, nag-gain siya ng weight ulit ngayon kumpara noong magpapayat siya after niyang manganak.

MANAGERIAL POSITION. Pagdating naman sa career ni Aubrey, wala pa rin siyang regular show or project dahil sa kontrata niya sa kanyang manager na si Dondon Monteverde.

"I'm just finishing my contract with my manager," sabi niya. "Hindi pa rin kami nagkakaayos or nagkakausap. Ayaw niya akong kausapin. We'll see, we'll see kapag natapos na. At sana matapos na. By August na lang ang contract ko sa kanya."

Nakiusap daw siya sa manager niya na i-release na siya, pero hindi raw siya pinayagan.

"Hindi, e, I requested from my lawyer na i-release nga ako. I got a reply from his lawyer na wala, ayaw talaga. It's their decision daw to release me, hindi ako, parang ganun."

Yun daw ang rason kung bakit hindi rin siya nakakapagtrabaho regularly.

"Puwede naman akong mag-guest, pero hindi ako puwedeng mag-movie or yung mga regular. So, hopefully, hanggang August na lang and then 30 days na waiting na lang na hindi na ako magre-renew, that's it."

Wala rin daw silang personal communication sa kanyang manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit may number niya ako, hindi siya nagre-reply, e," banggit ni Aubrey. "Two years. Two years na niya akong hindi nabibigyan ng work. Siguro yung mga work ko ngayon, puro ako lang, like FHM or mga guesting."

Ano ang plano niya after that?

"I'm starting to look for a manager na okey and they are saying na mag-freelance. But I'm still okay with the manager, you know," sabi niya.

GENEVA & KC. Tinanong din si Aubrey sa kumpirmadong paghihiwalay ng kapatid ni Troy na si KC Montero at ang asawa nitong si Geneva Cruz. Pero, aniya, clueless siya sa isyu.

"Alam n'yo, ito ang totoo, ha, wala talaga akong alam," sabi niya. "Kasama lang namin si KC two weeks ago. Then, pumunta pa si Troy sa bahay nila, magkasama pa sila. So, I don't know kung ano yung mga bali-balita na nangyayari, hindi ko alam. Basta ako, happy together ni Troy Montero."

Hindi ba sila nagkakausap ni Geneva?

"Ano, e, masyado siyang busy. Minsan sa Facebook na lang kami nag-uusap."

Although, ayon kay Aubrey, mas close siya talaga kay KC Montero.

Ano ang message niya sa dalawa?

"I don't know... Honestly, wala akong alam. Kung maghiwalay sila, maghiwalay sila. Siguro ganun."

Nalungkot ba siya?

"Hindi ko alam. Confirmed na ba talaga?" tanong pa niya. "Baka mamaya naman sinasabi n'yo lang sa akin. Siguro kapag sila na ang nagsabi sa akin, masu-surprise ako. Pero walang feelings na bakit naman? Wala, masu-surprise lang ako."

Kasal sina Geneva at KC, hindi ba yun magiging factor sa kanya para magpakasal din with Troy?

"Kaya nga sisiguraduhin ko. Gusto ko na kapag nagpakasal ako, wala nang hiwalayan."

Hindi pa rin ba siya sure kay Troy?

"Hindi, sure na ako sa kanya. Gusto ko siya," diin niya. "Pero hindi pa naman...siguro napi-feel niya na kaya hindi pa rin siya nagpo-propose kasi hindi pa ako ready sa ganun. Talagang gusto ko, steady lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN