Zanjoe Marudo's new BMW gives rise to gay rumor

"Sinwap ko yung luma kong sasakyan. Nag-loan ako sa bangko ng kulang. Tapos yun ang binabayaran ko monthly," explained Zanjoe Marudo, who's been swatting down rumors that his new car came from a gay benefactor.


May bagong kotse ang aktor na si Zanjoe Marudo, isang BMW 2008, na ayon sa mga bali-balita ay bigay daw ng isang gay.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe noong Huwebes, March 11, sa taping ng gag show na Banana Split, kung saan isa siya sa mainstay, at pinabulaanan nito ang mga haka-haka tungkol sa bago niyang kotse.

"Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman na may bago akong kotse. Hindi ko naman talaga alam ang isyung 'yan. May nagsabi lang sa akin, nanay ko ang nag-text sa akin. Sabi niya, may nabasa raw siyang blind item at parang ako ang tinutukoy. Wala lang... natural lang naman na nagiging isyu lagi ang mga ganoon," sabi ni Zanjoe.

"Di masaya sana kung binigyan ako ng kotse, di ba? At least, wala na akong babayaran sa bangko," tawa lang niya.

NO FREEBIE. Ang pinambili raw ni Zanjoe ng BMW ay galing sa sarili niyang sikap. At hindi raw full payment ang pagkuha niya rito.

"Sinwap ko yung luma kong sasakyan. Nag-loan ako sa bangko ng kulang. Tapos yun ang binabayaran ko monthly," paliwanag niya.

Ang balita pa'y nagulat ang girlfriend niyang si Mariel Rodriguez nang bilhin niya ang kotse. Sinamahan lang daw niya ito para tumingin ng sasakyan, pagkatapos ay na-shock na siya nang magkaroon ito ng magarang kotse. Wala raw siyang kamalay-malay na bibili agad ang boyfriend.

Pero ayon kay Zanjoe, "Kasama ko pa siya nung pumipirma ako sa bangko ng financing."

Alam daw ng girlfriend na matagal na niyang gustong bumili ng kotse. "Kaya nagpasama akong tumingin noon dahil humihingi rin ako ng second opinion."

May gay na bang nag-offer sa kanyang bigyan siya ng kotse dahil guwapo siya, maganda ang katawan at may pangalan?

"Si Pooh dati, inalok ako," pagbibiro niya.

Naapektuhan ba si Mariel sa tsismis tungkol sa kotse niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi... Parang sabi nga niya, 'Okey lang 'yan. Natural lang 'yan kasi lahat naman ng lalaking artista ay binibigyan ng ganyang isyu,'" pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN