StarStruck V runner-up Enzo Pineda says career opportunity shouldn't be wasted

"Mga bata pa po naman kami ni Sarah [Labhati], top priority po namin ngayon ang aming career. Pinaghirapan po namin ito at ayaw naming masayang," said the StarStruck V First Prince, whose avowed crush is the Ultimate Female Suvivor.


Plano sana ni Enzo Pineda, StarStruck V First Prince winner, na pagkatapos ng Final Judgment ng reality-based artista search noong February 21, ay pupunta siya sa U.S. para suportahan ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa laban nito kay Joshua Clottey na gaganapin sa Sabado, March 13, sa Dallas, Texas (Linggo, March 14, sa Pilipinas).

Sasamahan raw niya ang daddy niyang si Eric Pineda, ang business manager ni Manny, at isang engrandeng bakasyon na rin daw ito para sa bagong artista, matapos ang five months na isinagawa ang StarStruck V.

Pero nag-iba na raw ang mga plano niya, ibinalita ng binata sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nang makausap ito sa contract signing ng Final 14 last Thursday, March 11, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

"Hindi na po," nakangiting wika ni Enzo. "Priority ko po ang ginagawa naming workshop ngayon. Excited po ako, lalo na nang mag-pictorial kaming lima [Sarah Labhati, Steven Silva, Diva Montelaba at Rocco Nacino] para sa Sunday musical-variety na Party Pilipinas na magiging mainstay na po raw kami starting March 28."

READY FOR SHOWBIZ. For sure, mapapalaban siya ng dancing sa bagong Sunday noontime show na kapalit ng SOP.

"Siguro po, kaya po nag-enrol ako sa Powerdance ng gymnastics, jazz, hip-hop at classic dance, preparation na rin po sa puwedeng ipagawa sa amin."

Almost a month na ay wala pang projects ang StarStruck V batch. Kung sakaling ipasok si Enzo sa mga ongoing soaps ng GMA-7, saan niya gusto?

"I'm looking forward po na maipakita na rin ang talents ko, pero naniniwala po akong hindi naman kami pababayaan ng network, lalo ngayon na nakapirma na kami ng five-year managerial contract sa kanila," sagot ni Enzo.

"Pero kung ako po ang papipiliin, gusto ko pong makasama sa Panday Kids o sa The Last Prince. Mahilig po kasi ako sa action-drama at kapag may chance po na wala kaming workshop, nanonood po ako ng dalawang telefantasya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, last Wednesday, March 10, nag-audition sila nina Steven at Rocco para sa isang role sa dramang Gumapang Ka Sa Lusak ng Sinenovela..

"Nakakanerbiyos po, pero okey naman po kasi si Direk Maryo J. delos Reyes ang director. Isa po siya sa naging mentor namin sa acting challenge namin sa StarStruck V. Hindi pa po lamang namin alam kung sino po sa aming tatlo ang makukuha."

CAREER FIRST. Kumusta na sila ni Sarah, ang Ultimate Female Survivor? Inamin na noon pa ni Enzo na crush na niya talaga si Sarah simula nang magkasama sila sa Final 14.

"Close friends pa rin po kami, masaya na ako na lagi pa rin kaming magkasama sa workshops, sa TV guestings at may countrywide tour po kaming five winners. Sa Sunday po March 14, nasa Araw ng Davao kami. Sa March 20, sa Bacolod, April 10 sa Cebu, April 17 sa Dagupan, May 15 sa Iloilo, at May 28 sa Lucena.

"Mga bata pa po naman kami ni Sarah, top priority po namin ngayon ang aming career. Pinaghirapan po namin ito at ayaw naming masayang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN