Diva Montelaba on Steven Silva: "Mas importante siya kesa sa tatay ko!"

But, says the StarStruck V First Princess, she and the Ultimate Male Winner have decided not to go steady to give their budding careers a chance. "Ang nangyayari sa amin," said a forlorn Diva, "para kang nanonood ng movie. Pause muna, tapos it needs time na i-play ulit."


Alam ng mga tagasubaybay ng StarStruck V na may pagtingin sina Diva Montelaba at Steven Silva sa isa't isa. Pero dahil kapipirma lang nila ng exclusive contract sa GMA-7, nag-usap ang Season 5 First Princess at Ultimate Male Survivor at napagdesisyunan nila na unahin muna ang career.

"Kasi mahirap din siya kung ipagsasabay mo yung dalawa [lovelife at career]. Mabuti kung beterano na kami, e, we're still beginning with our careers," pahayag ni Diva.

Hanggang saan umabot ang relasyon nila bago mag-Judgment Night?

"Hindi ko kasi masasabi, honestly lang talaga, kasi hindi ko siya iniisip kung anong meron kami. Hindi ko alam, e."

Gaano niya kamahal si Steven?

"Ganito na lang, siguro sa lahat ng lalaking kilala ko ngayon, si Steven ang pinakaimportante. Mas importante siya kesa sa tatay ko!"

Ang nagustuhan niya raw kay Steven ay, "sa lahat ng taong nakilala ko, siya yung parang nagpakita ng totoong sarili niya. Kasi si Steven sobrang tahimik niyan pero kapag mapi-feel mong may tiwala siya sa 'yo kasi sine-share niya lahat. And thankful ako kasi isa ako sa mga tao na nag-open siya sa akin."

NOT AN EASY DECISION. Mutual ang desisyon nilang mag-focus muna sa careers nila bago pa sila pumirma ng kontrata sa GMA-7 noong March 11.

"Masakit? Hindi ko alam kung masakit," sabi ng dalaga. "Siguro naman hindi ko sasabihin na okay lang, na madali lang."

Inamin niyang dalawang beses niyang iniyakan ang desisyon nila.

"Twice, I have my best friend ko sa room ko. Hindi alam ni Steven, hindi naman niya naiintindihan."

Diretsong tinanong ng PEP kay Diva kung utos ito ng GMA-7? Bilang Ultimate Male Survivor kasi, natural lang na ang maging ka-love team ni Steven ay ang Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati.

"Hindi! Hindi naman ako... kasi hindi naman ako nauutusan kung ano ang gusto kong gawin," sagot ni Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO WAIT. Ano ang mararamdaman niya kapag sina Steven at Sarah na ang magka-love team? Masasaktan ba siya?

"Alam naman ni Steven yun, malaki na siya. Hindi ko alam, siguro oo, pero mas nagdo-dominate yung pagiging open-minded ko.

"Pero may times talaga na mahirap siyang isipin. Isa rin sa parang nagpapaintindi sa akin, kasi I've seen Steven work hard for what we had right now, so parang ayokong sirain yun, kasi nakita ko mismo," nangingilid ang luhang sinabi ni Diva.

"Ganun niya kagusto ito at nakuha niya yun, being the Ultimate Survivor, so go for it."

Kailan makaka-move on si Diva?

"I don't want to move on! Meaning ang nangyayari sa amin, para kang nanonood ng movie. Pause muna, tapos it needs time na i-play ulit."

Hanggang kailan niya kayang hintayin para mag-play ulit?

"Siguro kapag nag-settle na lahat, nag-settle na ako, kasi now I'm pairing up with Enzo [Pineda, ang First Prince], so we're both in the same situation. Mangyayari at mangyayari naman yun, hindi siya pinaplano, hindi ko alam kung kailan...

"Ang maganda is nag-uusap kami once in a while. Nag-uusap kami kung paano naming iha-handle yung mga ganito...

"[Steven] will always be special, now until kung kailan maging okay lahat."

Maghihintay ba si Diva hanggang kailan maging okay ang lahat?

"Yeah!" ang madiing sagot ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN