Dingdong Dantes says a little jealousy is good for a relationship, "Pangit naman kung wala"

Dingdong Dantes and Marian Rivera are currently doing their second movie together, You To Me Are Everything, which they say sums up their relationship.


Pinuntahan ng Startalk ang shooting ng bagong pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, You To Me Are Everything, under GMA Films and Regal Films. Mauuna ang pagpapalabas ng pelikulang ito bago ang kanilang pagbabalik-tambalan sa primetime via the Pinoy adaptation of Korean soap Endless Love.

Ayon kay Dingdong, ang ginagawa raw nilang movie ay masasabing nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Dugtong ni Marian, "Although may mga twist na medyo malungkot."

Puwede rin ba nilang sabihin sa isa't isa, "You to me are everything"?

"Hindi lang everything, e, siyempre, it's more than everything," sagot ni Dingdong.

DAY AND NIGHT. Ayon naman kay Marian, "Kung anuman ang meron kami ngayon, hindi ko na lang nilalagyan ng label. Kapag sinabi mong label, ibig sabihin may katapusan 'yan. May hangganan. Para sa akin, wala, e."

So, masasabi ba nilang wala na talagang hangganan ang kanilang pagmamahalan?

"Sana. Yun ay isang napakalaking wish na sana ay matupad," ani Dingdong.

"Siyempre, ano, hindi kumpleto ang araw ko na wala si Dong. Yun lang yun," hirit naman ni Marian.

Natatawang sinundan ito ni Dingdong ng, "Pati gabi sa akin. Sa kanya araw lang, e, ako, pati gabi," kunsaan napayakap sa kanya si Marian sa tuwa.

A LITTLE JEALOUSY IS OK. Marami raw showbiz couple na naghihiwalay dahil sa selos. May mga pinagseselosan din ba sila?

Ayon kay Marian, "Naniniwala naman kasi ako na depende naman sa pagseselos. Pero kami namang dalawa kasi, iba naman. Binibigyan naman niya ako ng assurance at palagi siyang nandiyan. Hindi ko maramdaman yun at wala naman siyang ibinibigay na dahilan sa akin para maramdaman yun."

Para naman kay Dingdong, "Sa totoo lang, mas maganda nga na meron kahit konti. Pangit naman kung wala. Para you know you should always be on your toes. Hindi ka kuntento lang."

Hindi ba nagseselos si Marian sa mga babaeng humahalik kay Dingdong sa game show nitong Family Feud?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho niya yun, e," sagot ni Marian. "Ako, basta palagi kong sinasabi, trust."

What about Dingdong, nagseselos din ba siya sa mga tagahanga ni Marian na palaging nakasunod dito?

"Magaling akong magbasa ng tao. Alam ko ang tao kapag sincere. Alam ko rin kapag may malisya. So, I can smell a person a mile away."

Nagkakatampuhan ba sila?

Sabi ni Marian, "Hindi naman kami nagkakatampuhan. Hindi naman kami nag-aaway. Ang corny, di ba?"

TOO SWEET IN PUBLIC? Hindi maitago sa kabuuan ng interview ng Startalk ang sobrang sweetness ng dalawa. Pero may mga nagsasabing masyado na raw ang kanilang PDA or public display of affection.

"Kapag sinabi mong sobrang PDA, ibig sabihin walang pakialam sa mga nakapaligid. Siyempre, concerned kami sa mga taong nakapaligid sa amin," sagot ni Marian.

As for Dingdong naman, "Hindi naman kami nagpapa-limit dahil nasa lugar na ganito. Siyempre, may iba't ibang opinion 'yan and we can't please everyone. Definitely, we have to please ourselves."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN