Ruffa Gutierrez decides to skip farewell episode on The Buzz

"I would love to say goodbye to all the viewers and to the staff. But, parang feeling ko, if I'll go back pa, the issue might get worse. Sinabihan na nga ako na gumigimik. Na baka ginagamit ko yung show or yung istasyon para mapag-usapan ako," Ruffa said on Startalk.


Esklusibong nakapanayam ni Ricky Lo para sa Startalk si Ruffa Gutierrez kahapon via taped interview. May kaugnayan pa rin sa namagitan kina Ruffa and Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo, March 7.

Pinansin ni Ricky na naka-smile na raw si Ruffa, so kumusta na ba siya after the incident?

"I'm okay, Tito Ricky. I've decided to move on with my life and work. Ako kasi, Tito Ricky, I really cried easily. Minsan yung iyak ko, yung parang tears lang, hindi yung talagang mabigat sa dibdib. Pero pag once na umiyak ako, all-out na buong katawan ko nanginginig, mahirap na talagang pigilan."

"HINDI AKO PIKON." Sinabi daw ni Kris na with affection naman yung mga sinabi niya kay Ruffa sa The Buzz. Ano ang comment ni Ruffa dito?

"Actually, I would like to correct that hindi ako pikon. Kasi, kung pikon ako, e, di sana noon pa ako napikon. I'm the person that you can even joke with."

Sinabi niya na feeling niya minsan binabara siya ni Kris. Naitanong niya ba kay Kris kung bakit may mga pangyayaring ganoon?

"Actually, no, no... kasi ako naman, everyone knows that Kris is Kris. She speaks her mind. So, I mean, I never get involved in any arguments or ayokong makipagtalo sa mga kasamahan ko sa trabaho, di ba?

"Basta yung particular araw na yun, that Sunday, I greeted her, pero, parang wala siyang nakita. So, sabi ko, baka something's wrong. Ano kaya yun? So, even in between commercial breaks, she was just, ano, hindi niya ako kinakausap, e."

Ngayong araw supposedly ang last appearance niya as co-host sa The Buzz, pero totoo bang ayaw na ng mommy niyang si Annabelle Rama na sumipot pa siya?

"Well, kasi naman, Tito Ricky, I would love to say goodbye to all the viewers and to the staff. But, parang feeling ko, if I'll go back pa, the issue might get worse. Sinabihan na nga ako na gumigimik. Na baka ginagamit ko yung show or yung istasyon para mapag-usapan ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ano na lang ang message niya kay Kris?

"Kris, I hope to see you soon. I already miss Baby James and tell him Lorin and Venice miss him, too. I hope that we can put this episode behind us. I just moved on."

YILMAZ'S VISIT. Inamin ni Ruffa na isa sa dahilan ng pagiging emotional niya lately ay ang napipintong pagdating ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.

"Natataranta ako kasi darating siya. You know, it's been a really long time since I last saw him. I think it's been more than a year."

Hihingan na raw ba niya ng financial support si Yilmaz para sa dalawa nilang anak?

"I don't wanna force him to give anything for the kids, kasi kaya ko naman, e. I'm very, very independent. I don't need a man to survive. Not at all. Emotionally, not even financially."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN