Aljur Abrenica stages his first major concert I'm Yours on March 26

"Hindi lang ito parang SOP noon na nakikita nila akong kumakanta ng pasaglit-saglit. Ito, buong concert nandun ako. Tapos yung mga kantang gagawin ko, medyo mahihirap, hindi basic lang. Ito, pinaghirapan ko talaga, pinag-aralan kong talaga," says Aljur Abrenica about his first major concert.


There's no doubt that Aljur Abrenica is one of the most important stars of GMA-7 today. Nakikita naman na isa siya sa young actors ngayon na binibigyan ng maraming pagkatataon ng network para mas lalo pang ma-develop ang talents niya. He is currently seen in the telefantasya The Last Prince opposite Kris Bernal.

Bukod sa pag-arte ay nakikitaan din ng husay si Aljur sa pagkanta. Kaya hindi na kataka-taka na magkakaroon siya ng kanyang solo album under SonyBMG and GMA Records.

Bagamat sanay na siyang kumanta at sumayaw dahil sa SOP noon, mahuhusgahan na ang pagiging live performer niya via his first concert titled I'm Yours na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato on March 26.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur, inamin niyang hindi nawawala ang kaba sa dibdib niya lalo na nga't malapit na ang kanyang concert.

"First major concert ko 'to. At the same time, birthday concert ko na rin. Ang birthday ko po talaga is March 24, Wednesday, kaso mas maganda kung gagawin siya [concert] ng Friday.

"Iba siya, e. Ngayon ko lang mae-experience 'to. Kahit ako ngayon nate-tense na. Ang dami kong kakantahin, siguro more than 14 songs. Karamihan sa lahat, e, mga bagong piyesa," sabi niya.

Kinakabahan man dahil first time niyang magkakaroon ng concert, isang bagay raw ito na pinapangarap ni Aljur magawa sa kanyang showbiz career.

"Siyempre, alam naman nila kahit paano nakakaintindi rin ako sa musika. At gusto ko talagang ma-experience ito. Nandito na rin naman ako sa industry kaya gusto ko rin talagang makapag-entertain ng mga tao para maiba. Gusto ko ring magkaroon ng concert para sa kanila."

Natapos na rin daw niyang gawin ang kanyang album, which is a combination of original and revival songs. Posible rin daw na during his concert sa Zirkoh ay magkaroon ng chance ang mga fans niya na makabili ng first copies ng kanyang unang album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang maging versatile performer ba talaga ang gusto niyang maging goal sa kanyang showbiz career?

"In a way, yes," sagot ni Aljur. "Kasi gusto kong gamitin yung mga talents na ibinigay sa akin ni God. Alam ko na lahat may purpose kung bakit nandito tayo. Yun na rin ang sinasabi ko sa sarili ko kung bakit ko ginagawa 'to."

Ano ang mga bago niyang maipapakita sa concert dahil nakikita na rin ng mga tao na kumakanta at sumasayaw siya?

"Actually, maraming bago kasi iba 'to," sabi niya. "Hindi lang 'to parang SOP noon na nakikita nila akong kumakanta ng pasaglit-saglit. Ito, buong concert nandun ako. Tapos yung mga kantang gagawin ko, medyo mahihirap, hindi basic lang. Ito, pinaghirapan ko talaga, pinag-aralan kong talaga."

Bukod sa special guests daw niyang sina Jolina Magdangal, Allan K, at Kris Bernal, posible rin daw na may iba pa siyang surprise guests na darating.

"Hindi natin alam. Baka dumating din sila Moymoy Palaboy. Sana pumayag yung ibang friends ko sa showbiz. Kasi ako mismo, personal na nag-i-invite."

Base sa title na I'm Yours at sa picture niya sa poster na naka-topless siya, ibig bang sabihin nito ay may pagka-sexy ang concert niya?

"Obvious naman na sa poster pa lang, ganun na," nakangiti niyang sabi. "Expect na nila sa show na merong ganun."

Noong sinabi sa kanyang may pagka-sexy ang tema ng concert niya, pumayag ba siya agad?

"Okey naman ako, kumportable naman ako. Para sa mga fans, gagawin ko," sagot ni Aljur.

Pinaninindigan ba niya ang titulo niya sa StarStruck 4 na "Ultimate Hunk"?

"Yes, opo!" natatawa niyang sabi.

Ang producer ng I'm Yours ay ang PPL Entertainment ng talent manager na si Perry Lansigan. Kaya masaya rin si Aljur dahil sa tiwala sa kanya ng PPL, lalo pa nang malaman niya na siya ang kauna-unahang artist na ipinag-produce nila ng major show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, na-touch nga ako kasi alam naman natin na ang PPL ay bago lang at may mga big stars sila. So, parang it's my privilege. Nakaka-overwhelm na ipag-produce nila ako ng ganitong show. Yung tiwala nila sa akin, kakaiba talaga. Talagang ibinuhos nila ang atensiyon nila rito. Yung totoo, nahihiya rin ako, pero mas natsa-challenge ako na gawin ang show na ito para sa kanila," saad niya.

Sa huli ay nag-plug na nga si Aljur ng kanyang first major concert,

"Iniimbitahan ko po kayo na manood ng aking first major concert. Sa March 26 po 'yan. It's a hot Friday night at 10 p.m. Sa inyong sa inyo po ako, I'm Yours. May mga special guest po ako. Sana makarating kayo dahil kakaibang Aljur po ang makikita n'yo rito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN