Aljur Abrenica says Kimerald loveteam is "friendly competition"

"Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari sa madaling panahon. Three years pa lang, kahit paano, nakakapag-lead na rin. So, wala akong masasabi kundi thank you lang," says Aljur Abrenica about his success in showbiz.


Maganda ang pasok ng taong 2010 para kay Aljur Abrenica.

Kung matatandaan, ang primetime series nila ni Kris Bernal na The Last Prince ang naging opening salvo ng GMA-7 this year. Bagamat may kaba noong una, naitawid ito nina Aljur at Kris dahil isa sa top-raters ng Kapuso network ang kanilang telefantasya.

Aljur is obviously being groomed as one of the most important stars of GMA-7. Ano ang masasabi rito ng StarStruck 4 Ultimate Hunk?

"Very thankful lang po ako," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pakiramdam ko, ganun pa rin. Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari sa madaling panahon. Three years pa lang, kahit paano, nakakapag-lead na rin. So, wala akong masasabi kundi thank you lang.

"Sa mga fans, sa mga nagtitiwala, sa mga bosses ng GMA, wala, wala akong masabi kung hindi thank you lang. Parang iniisip ko, trabaho lang. Masaya ako, yun lang."

Aljur can never discredit the fact na malaking factor talaga ang loveteam nila ni Kris sa kung anumang tinatamasang tagumpay niya ngayon.

"Sobra, sobrang laking factor ng loveteam namin ni Kris sa isa't isa. Sobra talaga. At kung hindi rin naman dahil kay Kris, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko," sabi niya.

ALKRIS VS. KIMERALD. Aware din si Aljur na hindi man sinasadya, pero tila ang tambalan nila ni Kris ang ipinantatapat sa loveteam nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa ABS-CBN.

Alam din ng young actor na merong negative reaction at hindi gusto ang ideya na sila ang magkatapat.

"Sa aking nakikita, siyempre yung competition, nakakaramdam na rin ako na noon, wala naman. Bale sa akin, natutuwa ako na nagkaroon ng friendly competition. Kasi, bago pa lang kami ni Kris. Mas nauna sila sa amin. Nakilala ko na rin sila, mababait sila. Wala, trabaho lang.

"Iba ang talents nila, iba ang kakayahan nila. Iba rin ang kakayahan namin ni Kris. Meron silang nagagawa na hindi namin nagagawa. Pero meron din naman kaming nagagawa na hindi nila nagagawa," saad ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa binata, "nakakatuwa" raw ang ideya na siya ang ipinantatapat kay Gerald.

"Kasi noong hindi pa ako artista, isa ako sa sumuporta sa kanila [Gerald and Kim] sa PBB [Pinoy Big Brother]. Siyempre, Kapuso na rin ako nun, pero nakakasilip ako sa ibang istasyon. Isa ako sa sumuporta sa kanila. Nanood pa ako ng movie nila, hindi pa ako artista. So, to think na from normal na tao lang ako noon na supporter niya, ikinukumpara ako sa kanya ngayon, parang ang sarap ng feeling. Parang nakaka-overwhelm," nakangiti niyang pahayag.

Wala pa bang nagsasabi o nagpaparatang sa kanya na yumabang o lumaki na ang ulo niya?

"Tanungin n'yo na lang sila," mabilis at nakangiti niyang sagot. "Kasi, hindi ko rin naman masasagot. Sa akin naman, tingin ko, mas naging seryoso lang sa trabaho. Pero playful pa rin ako. Ganun pa rin ako, mapagbiro pa rin ako. At saka bata pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Yun po."

STILL SINGLE. When it comes to lovelife, inunahan na namin si Aljur sa pagsasabing alam naming isang topic ito na hindi niya paborito.

"Hindi naman, hindi naman sa ayaw!" natatawang bawi naman niya.

Pero siya na rin ang nasabi na: "Single pa rin...single pa rin po. Wala akong lovelife ngayon. Talagang ang focus ko lang po, sa trabaho lang po."

Sila ni Kris, kumusta na?

"Okey naman po kami ni Kris. Sana masundan pa yung project namin na magkasama," maikli niyang sagot.

So far, wala pa raw sinasabi sa kanila ang management kung pagkatapos ng The Last Prince ay sila pa rin ang magkakasama sa mga susunod nilang show. Pero kung si Aljur ang tatanungin, gusto niyang si Kris pa rin ang makatambal niy.

"Siyempre, gusto kong siya pa rin. Pero depende sa network kung sino ang gusto nila. Ako naman, trabaho kung trabaho. Alam naman nila kung ano ang makagaganda sa career namin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy rin si Aljur na makakasama pa rin siya sa bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas.

"Ang daming bago!" excited niyang sabi. "Isa ako sa nag-meeting... Actually, hindi naman nag-meeting, pero isa ako sa nakarinig sa mga pinag-uusapan nila. Maraming mga choreographers na darating galing sa ibang bansa. Maraming madaragdag na director, lahat, mga wardrobe... So, exciting. Maraming pagbabagong mangyayari at pati stage, binago talaga."

Pero sa ngayon, naka-focus muna raw siya sa nalalapit niyang first major concert sa Zirkoh Tomas Morato on March 26, ang I'm Yours.

"Parang birthday celebration ko na rin po yun," sabi niya. "At kung sa kinakabahan, talagang kinakabahan po ako dahil first po, e, first po talaga sa akin 'to. At saka nga po pala, may mga nagtatanong po kung saan daw makakabili ng tickets. Puwede pong tumawag sa PPL office sa 411-6773 or kahit sa mismong Zirkoh po.

"Sana po, makapanood po lahat dahil bukod po kasi sa mga guests ko na sina Ms. Jolina Magdangal, Mr. Allan K at Ms. Kris Bernal, sigurado pong marami pa pong ibang stars na manonood at makikita nila," ani Aljur.

Aljur will celebrate his 20th birthday on March 24.

NEW STARSTRUCK BATCH . Tinanong din ng PEP si Aljur tungkol sa bagong batch ng StarStruck. Si Aljur kasi ang madalas na sinasabi ng mga kalalakihan ng StarStruck V na gusto nilang tularan o sundan ang career path. Isa na nga rito ang Second Prince na si Rocco Nacino, who is very vocal in saying na kahit yung pagiging hunk ni Aljur ay gusto niya ring magawa.

Ano ang reaksiyon dito ni Aljur?

"Siyempre, nakakatuwa naman isipin na nilu-look up nila ako," nakangiting sagot niya. "Kasi ako noon, parang ang nilu-look up ko naman, si Marky Cielo. Siyempre, hindi rin naman ako nalalayo sa kanila. Parang magkasunod lang kami ng batch. Kaya nakakatuwang isipin na may humahanga na sa 'yo na mga survivors din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko naman sa kanila na mararating din nila ang gusto nilang marating. Like si Rocco, parang nakikita ko yung sarili ko kung paano siya makitungo sa mga artista. So, yun...sana, sana.

"Ang payo ko sa kanila since bagong buhay na 'to, lahat ng pagbabago sa kanila, pagdadaanan nila: relasyon sa family, sa buhay, lifestyle, social life. So, dapat i-enjoy lang nila ang trabaho. Gawin nila ang lahat ng makakaya nila, their best, para hindi masayang ang oras."

Hindi ba niya nakikita ang mga ito bilang threat sa kanyang career?

"Ay, hindi," mabilis na sagot ni Aljur. "Nakikita ko sila as parang mga kasamahan ko sa GMA na mas natutuwa ako na nandiyan sila. Mas dadami yung kabataan, mas dadami yung mag-e-entertain sa kabataan na katulad ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN