Is Francine Prieto mad at Bubble Gang staff?

"Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa puwesto ko ng assistant wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di marunong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, ma­buti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, traba­ho 'yan di gimik," Francine Prieto reportedly wrote on her Facebook account.


Marami palang isyu ang sexy comedienne na si Francine Prieto sa staff ng iniwan niyang gag show sa GMA-7, ang Bubble Gang.

Ayon sa isang blog site, nag-resign daw si Francine sa Bubble Gang dahil may mga ilang tao raw roon na hindi niya nakakasundo. Inakala ng marami na baka isa sa cast ng Bubble Gang ang hindi nakakasundo ni Francine, pero ang mismong staff daw ang hindi type na makatrabaho ni ng aktres.

Nasulat sa naturang blog site ang mga ipinost na entries ni Francine sa kanyang Facebook account tungkol sa nararamdaman niya sa staff ng Bubble Gang. Nandiyan ang hindi raw pagtrato sa kanya nang tama ng staff at iba pang internal issues. In short, walang magandang isinulat si Francine tungkol sa staff ng Bubble Gang.

Kailan lang ay naging kontrobersiyal din si Francine nang ma-quote siya sa sinabi niyang "I hate God" dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa buhay niya. Nandiyan ang sakit na cancer ng kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon at ang patung-patong na hospital bills na kailangan niyang bayaran kaya hindi na nahiya si Francine na manawagan at humingi ng tulong.

Pero ang pinakahinaing niya ay ang kawalan niya ng trabaho. Pagkatapos raw mag-expire ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center at magkaroon siya ng bagong manager ay doon pa raw siya hindi nabigyan ulit ng trabaho. Huli siyang napanood sa mga programang Darna at Sana Ngayong Pasko.

Heto ang mga isinulat ni Francine sa kanyang Facebook account noong March 14, Sunday, 1:15 p.m.:

"Bakit kayo ganun? Wala na nga ako diyan, umalis na ako. Di pa rin ninyo ako tinatantanan. Di ako humihingi ng tulong sa inyo. Masamang-masama ang loob ko sa show ninyo.

"Isipin ninyo bakit ko nagawa ang lahat ng yun, kasi palpak naman talaga kayo eh. Walang nagtatanggol sa ken, kaya ako ang humaharap sa mga paratang sa aken. May mali kasi talaga sa sistema ninyo. Salamat sinaktan ninyo na naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa pwesto ko ng asst. wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di marunong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, ma­buti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, traba­ho 'yan di gimik.

"Never ko na feel na sikat ako, kasi alam ko hindi. Hindi ako naging sakit ng ulo sa show ninyo. Staff lang, tatamad-tamad, tatanga-tanga. Puro tsismis ang alam. Nauuna pang magpa-blower kaysa sa artista, di magamit make up artist kasi nag-blower pa ng staff???

"Dami kong kwento. Wala akong regrets na umalis ako, kaso tantanan na ako ng Bubble lalo na team ng EP. Kaibigan ko pa rin mga artista at ilang staff & crew."

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anumang gustong sabihin ni Francine at ng staff ng Bubble Gang tungkol sa isyung ito. Kung totoo man o hindi na si Francine ang nagsulat nito sa kanyang Facebook account, malaya siyang magbigay ng pahayag sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN