Lani Mercado says she feels the loneliness and sadness of son Jolo Revilla

"Sinabi ko na mai-deliver ko lang yung para sa bayan, I'm willing to step down. Depende talaga 'yan sa lahat ng magaganap. Ayoko rin namang magsalita ng patapos dahil baka mamaya, mag-clamor ang constituents ko na tumakbo ako ulit. Basta as long as kailangan ako ng bayan at kailangan nila ng kasama at katulong, nandito lang ako. Ako naman, e, palaging tumutulong lang. Hindi talaga ako nag-aambisyon," says Lani Mercado.


Naging emosyunal ang mag-asawang Sen. Revilla at Lani Mercado sa press conference na ibinigay ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films para sa kanila kagabi, March 16, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City. Hindi kasi napigilan nina Bong at Lani ang mapaluha dahil sa narinig nilang mensahe mula sa ama ni Bong na si dating Senator Ramon Revilla Sr., na binasa ng kapatid ng actor-politician na si Rowena Bautista-Mendiola.

When it was Lani's turn to give a message to her husband, hindi pa man siya nagsasalita ay emosyunal na siya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Lani, inamin nitong dahil sa pagka-miss niya sa kanyang father-in-law ang dahilan kung bakit siya naiyak.

"Si Daddy has been very supportive of us. Nagpapa-flashback sa akin noong panahon na nagsasalita si Daddy. Si Daddy ang nagsasalita, siya yung present sa mga ganitong okasyon. Ngayon, nandun siya sa bahay imbes na nandito siya kapiling namin. Kumbaga, nagpa-flashback lang. Ang nagsimula talagang tumulong sa amin ni Bong, si Daddy," paliwanag ni Lani.

Mahina na kasi ang pangangatawan ng dating aktor at senador magmula nang ma-stroke siya noong September 30, 2008.

LANI RUNS AGAIN. Katulad ng kanyang asawa si Bong, who is running for senator, si Lani ay tumatakbo rin ngayong May 2010 elections. Lani is running for a seat in Congress sa Bacoor, Cavite, at tulad ni Bong, nangunguna rin daw si Lani sa survey.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatakbo si Lani. Matatandaang tumakbo siyang mayor ng Bacoor, Cavite noong 2001, pero natalo siya ng noo'y incumbent mayor na si Jessie Castillo.

Pero this time, nagbitiw ng salita si Bong na "pang-one term" lang ang misis niya kung palarin itong manalo ngayong eleksiyon.

"Sinabi ko kasi kay Bong 'yan," sabi ni Lani. "Sinabi ko na mai-deliver ko lang yung para sa bayan, I'm willing to step down. Depende talaga 'yan sa lahat ng magaganap. Ayoko rin namang magsalita ng patapos dahil baka mamaya, mag-clamor ang constituents ko na tumakbo ako ulit. Basta as long as kailangan ako ng bayan at kailangan nila ng kasama at katulong, nandito lang ako. Ako naman, e, palaging tumutulong lang. Hindi talaga ako nag-aambisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handang-handa na ba siya kung sakaling manalo siya bilang kongresista?

"Handang-handa na!" bulalas niya. "Simula pa noong tayo'y nag-iikot last year at pinakikiramdaman natin kung magiging lone district ba ang Bacoor, hinanda ko na ang puso ko at saka utak ko."

SHOWBIZ CAREER. Kung mananalo ba siya ay itutuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career?

"Hindi ko yun masasagot kasi nakikita ko na ang bulk ng trabaho ngayon pa lang. Pero definitely, hindi na ako makakabalik from what I used to do. Siguro magge-guest-guest lang ako. I do believe I cannot maintain a drama series," sabi ni Lani.

Huli siyang napanood sa afternoon drama series ng GMA-7, Kaya Kong Abutin ang Langit.

Pero aminado si Lani na nami-miss na niya ang pag-arte sa telebisyon.

"Oo, nami-miss ko," sambit niya. "Biro mo noon, walang patid ang trabaho ko sa istasyon. Kumbaga, blessing yun para sa akin. Pero noong naging lone district ang bayan ng Bacoor, I felt that was my sign already. Dapat tumulong ako kay Strike [Revilla, kapatid ni Bong na mayor ng Bacoor]. Dapat tumulong ako sa Bacoor."

JOLO REVILLA. Last March 15 ay nag-celebrate ng 22nd birthday niya ang anak nina Lani at Bong na si Jolo Revilla. Kuwento ni Lani, sinorpresa nila si Jolo sa headquarters ni Bong sa may Greenhills.

Sumang-ayon din si Lani na ngayong single ang anak ay naging less complicated ang buhay nito.

"Yes, he can move freely," sabi ng aktres. "Nakakatuwa si Jolo kasi kahapon, galing pa siya ng Pangasinan at umuwi siya. Hindi niya alam na meron siyang surprise party sa headquarters sa gabi. Yakap nang yakap kagabi at thank you nang thank you.

"Napi-feel ko naman na lonely siya at malungkot siya. Pero despite that, he wants to prove his worth to his dad. He wants to prove his worth sa pamilya kaya ganun na lang ang pagsisipag niya na tumulong sa pangangampanya ng Papa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Give him time, give him space. Marami siyang naranansang pain."

Bilang isang ina, kilalang-kilala na raw ni Lani ang ugali ng anak kapag in love ito.

"He's very giving, passionate siyang magmahal. Kung puwede siyang magbigay ng lahat, ibibigay niyang lahat—materyal, emotional...lahat, buhos!"

LOVI POE. Ang huling nakarelasyon ni Jolo ay ang young singer-actress na si Lovi Poe.

Kahit paano ay napalapit din si Lani kay Lovi, kaya tinanong siya ng PEP kung nanghinayang din ba siya sa kinasapitan ng relasyon nina Jolo at Lovi.

"Mahal ko ang anak ko, mahal ko si Lovi," sabi ni Lani. "Pero siyempre, kahit saan mo naman tingnan, mas mahal mo ang kadugo mo dahil anak mo yun. Alam mo, bata pa sila, e. Hindi mo masabi ang panahon kung magkakabalikan sila o hindi. Ang panahon ang magdidikta."

May communication pa rin ba sila ni Lovi?

"Wala na kaming communication. Baka kay Jolo, meron pa!" natawang sagot ni Lani.

Sabi rin niya, "Pero alam n'yo, mga bata 'yan, let's give them space. Kailangan din niya [Lovi] ng panahon na hanapin din niya ang sarili niya. Same way na kailangang hanapin din ni Jolo ang sarili niya. Pareho pa silang bata. When they are successful with their career and then later on, if they find themselves available, kung sila pa rin, sila pa rin."

Hindi man daw niya nakitang umiyak sa harapan niya ang anak, pero bilang ina, malalaman daw niya through Jolo's actions na nasaktan ito.

"Well, kagabi lang, yayakapin ka niya, 'Mama, wala akong lovelife, pero thank you.' Tapos, yayakapin ka niya nang matagal. Alam mo na may nami-miss siya, may pinagdadaanan siya," kuwento ni Lani.

RAM REVILLA. Tungkol naman sa bunsong anak na lalake ni Lani na si Ram, nakikita raw niyang nag-e-enjoy naman ito sa pag-pinch-hit sa daddy nito sa Kap's Amazing Stories dahil kumikita raw ito ng sariling pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako ay nagi-guilty dahil hindi ko pa siya nasasamahan kahit sa isang taping," nakangiting sabi ni Lani. "Hindi ko pa rin napapanood kahit isang show niya. And eventually, mapapanood ko yun kapag kumpleto na ang buong season kasi ganun ang delivery ng tapes sa akin."

Pero proud daw siya para sa anak.

"Proud ako kasi I'm seeing his difficult task. At wala talaga siyang basically experience sa larangan ng pag-arte at pagtatalumpati or pagsasalita. Pina-train ko rin siya kay Audie Gemora bago sumabak para alam naman niya kung ano ang gagawin niya."

Will she encourage Ram to pursue a career in showbiz?

"Sabi ko, incentive niya ang pag-aartista. Kapag kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral niya at pag-aartista, sige. Pero kapag magsa-suffer talaga ang isa, I think he has to give it up. Kasi nakita ko yung experience ko kay Bryan at kay Jolo, nagsimula silang mag-artista, kumita, medyo naging second priority ang pag-aaral. So, gusto ko naman na i-prioritize ni Ram ang pag-aaral niya and showbiz will come after," sabi ni Lani.

LANI'S GRANDSON. During the press conference, kumpleto ang mga anak nina Bong at Lani. Kasama rin ang dalawang apo nila na sina Alexa Daniella (anak nina Ynna Revilla at Vince del Rosario) at Gab o Budoy (anak ni Jolo sa dati nitong girlfriend na si Grace Adriano).

Tinanong namin si Lani kung kumusta na ang relasyon nila ng isa pang lola ni Budoy na si Rosanna Roces.

"Hindi kami nagkakausap," sabi ni Lani. "Pero natutuwa ako na nahihiram-hiram na niya si Gab. Siguro panahon lang talaga ang maghihilom ng maraming sugat, mag-aayos ng mga sitwasyon. Ang natutuwa ako, may pintong bukas pa, nahihiram niya ulit."

Nabanggit din ni Lani na hindi pa rin completely healed si Gab sa naging sakit nito na primary complex.

"May six months pa ulit na gamutan," sabi niya. "Tapos na yung six months, pero may six months pa ulit. Hindi pa siya magaling. Hindi pa tumatalab yung paggagamot. Kasi dapat regular siya na six months. Kapag may liban, nakakalimot at saka kailangan lumakas ang resistensiya ng bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Lani, napaka-ismarte raw ng apo niya.

"He's very smart. Inglisero na siya kasi palagi niyang kausap si Vince. I am blessed to have Vince and Ynna in the house right now."

Pero si Jolo na ba talaga ang may legal custody kay Gab?

"May temporary custody. I do believe it is temporary kasi kapag permanent, sa korte 'yan. You have to go to court. May written agreement lang sila [Jolo and Grace]. Pero nahihiram din naman ni Grace kapag weekend, kapag walang school," sabi ni Lani.

Nangiti na lang si Lani nang ipaalala sa kanya na hindi na natuloy ang sinabi ni Osang noon na mangangampanya siya against Lani sa Cavite.

"I think, kung may isa man malulungkot diyan ay si Gab kung matuloy yun. Kasi, kumbaga, tahimik na ang buhay ng apo namin. I think yun din ang wish ni Osang. Tahimik kami pare-pareho. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi kami-kami rin naman? Kapag may problema kami, sana tulungan din niya kami," saad niya.

Kung meron man daw siyang maipagmamalaki ngayon, ito ay ang nakikita rin niyang suporta sa kanya ng mga anak.

"Blessing ito para sa amin," nakangiting sabi ni Lani. "Nauunawaan nila na minsan, kapos ang panahon namin para sa kanila. Pero despite that, hindi sila nagrerebelde sa bahaging yun. Very supportive sila kapag araw na walang pasok, nandiyan sila tumutulong sa amin. At yung pagkukulang din namin sa panahon sa kanila, kino-cover up ng mas matatanda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN