Jolo Revilla has follow-up project with ABS-CBN after success of Pepeng Agimat

Young actor Jolo Revilla is getting good projects in ABS-CBN. After the successful run of Pepeng Agimat, Jolo is set to star in a TV remake of another Ramon Revilla movie, Kapitan Inggo, Kumakain ng Bala.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Jolo Revilla noong Martes, March 16, sa press conference na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para sa kanyang mga magulang na sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado. Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Masayang ibinalita ni Jolo sa PEP na may kasunod na siyang project sa ABS-CBN after niyang magbida sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Pepeng Agimat.

"Gagawin ko yung Kapitan Inggo, Kumakain ng Bala, which is kasama rin doon sa Mga Alamat ni Ramon Revilla," banggit ni Jolo.

Dagdag niya, "So far I'm happy with ABS-CBN naman. Nag-e-enjoy naman ako at nagpapasalamat din ako sa management dahil kumbaga, inaalagaan nila ako ng todo."

Sinasabing ang Pepeng Agimat ni Jolo ang may pinakamataas ang rating na nakuha sa lahat ng series ng Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla. Ano ang masasabi ni Jolo tungkol dito?

"Masarap pakinggan. Pero para sa akin, mahirap paniwalaan kasi, siyempre, yung mga kasabay ko, mga galing sa...yung mga series na talagang tinangkilik ng mga tao. At nagulat ako dahil... Hindi ko naman sasabihin na mas mataas, pero mataas yung ratings nung sa akin. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa Panginoon at lalung-lalo na dun sa mga nakapanood ng Pepeng Agimat."

Bukod kay Jolo ay lumabas na rin sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla sina Gerald Anderosn (Tiagong Akyat) at Coco Martin (Tonyong Bayawak).

Sa GMA-7 unang nagkaroon ng TV show si Jolo. Pero support lang siya sa naging shows niya roon. Ang ABS-CBN ang talagang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makapagbida. Masasabi ba ni Jolo na mas inalagaan siya sa ABS-CBN kesa noong nasa GMA 7 pa siya?

"Ay, I don't wanna comment about that. Basta masaya ako ngayon," iwas ni Jolo.

MELISSA RICKS. Si Melissa Ricks ang naging leading lady ni Jolo sa Pepeng Agimat. Kahit matagal nang wala sa ere ang kanilang show at tuloy pa rin ang communication ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, kagabi [March 15] nung birthday ko, nandun siya. Nagulat nga ako nagpunta siya. Yung ibang mga kaibigan ko sa showbiz nagpunta rin. May surprise party kasing ginawa sa akin yung mga empleyado sa office ni Papa," sabi ni Jolo.

Noong magkasama pa sila sa Pepeng Agimat ay laging dinadalhan ng pagkain ni Jolo si Melissa sa kanilang set. May balitang hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin ng pagkain si Jolo kay Melissa sa set ng drama series ng dalaga sa ABS-CBN na Tanging Yaman. Bukod pa rito ay kung anu-anong regalo pa raw ang binibigay ni Jolo kay Melissa.

Pero nang tanungin ng PEP si Jolo tungkol dito ay ayaw niyang magbigay ng anumang pahayag. "Mas maganda, siya na lang ang sumagot no'n," iwas ni Jolo.

Nililgawan ba niya si Melissa?

"Basta magkaibigan lang kami ni Melissa. 'Saka sa ngayon, siguro ayoko munang magka-girlfriend ulit. Ayoko munang manligaw. Bata pa naman ako. Gusto ko munang bigyan ng oras yung sarili ko," sabi niya.

LOVI POE. What about Lovi Poe. Nakalimutan na ba talaga ni Jolo ang ex-girlfriend niya?

"Basta ang masasabi ko ngayon, hinahanap ko muna yung sarili ko. Mas okey na huwag na nating pag-usapan. Nakapag-move on na ako. At malamang, obvious na obvious naman na naka-move on na rin siya," sabi ni Jolo na ang titinutukoy ang balitang relasyon ni Lovi sa businessman na si Ronald Singson.

Binati ba siya ni Lovi noong birthday niya?

"A, bumati naman. Nag-text siya sa akin," sagot ni Jolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN