Anne Curtis says she and Sam Milby are rediscovering each other

"Basta ako, I'm happy that Sam and I are okay now and it's a fresh start. Who knows what will happen. Ang haba pa ng buhay, ang haba pa ng life. We both admitted to each other that we'll never close our doors," says Anne Curtis about ex-boyfriend Sam Milby.


Nasubaybayan ng publiko ang love story nina Anne Curtis at Sam Milby since they were paired in the ABS-CBN primetime series Maging Sino Ka Man. Pero nakita rin ng publiko ang mga away-bati nila and their much talked-about breakup.

Their breakup could be one of the reasons kung bakit matagal bago sila nakagawa ng pelikula together. And now, Anne and Sam star in their first movie together—Star Cinema's Babe, I Love You that will have its regular run starting April 3, Black Saturday.

During the general presscon of the movie last night, March 17, at Dolphy Theater, Anne and Sam were asked kung may mga bago ba silang na-discover sa isa't isa ngayon.

"Well, I guess pagdating sa bago kasi, wala masyado," sabi ni Anne. "The only thing about sa amin ngayon is pelikula na ang ginawa namin. Of course, it's a different commitment din kasi sa isang eksena, ilang oras kaming magkasama. Wala naman pong bago masyadong na-discover.

"Medyo matagal kaming hindi nagsama, so it's getting all over again. I think, more than anything, it's nare-rediscover. Pinagtawanan nga namin dito, parang yung isang eksenang kinunan na ipinakita sa trailer, natawa kami kasi magkaaway kami noong kinunan ang eksenang yun. Maraming nangyaring ganun sa set. Pero ang maganda, mas madali kaming mag-make peace ngayon. So, siguro yun...yun ang magandang traits na nadi-discover kasi mas mature kami this time around. Mas madalas kaming hindi na magkaaway or magkatampuhan."

LOVE-HATE RELATIONSHIP. Aminado sina Anne at Sam na napakarami talagang episodes sa kanilang relasyon na away-bati sila. Pero ano nga ba ang mga nagiging dahilan ng away o tampuhan nilang dalawa?

"Well, yung iba, medyo personal!" natatawang sabi ni Anne. "Pero baby boy kasi si Sam. Kung minsan kailangang turuan. Like noong isang gabi, bigla na lang siyang umalis sa tabi ko. So, sabi ko, 'Bawal ang mag-excuse me?' At least ngayon, nag-e-'excuse me' na siya kahit sa ibang mga babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But seriously, marami rin naman daw siyang natutunan kay Sam.

"That would be patience. Sam is a very patient guy. So, when I see how patient he can be, it makes me want to be patient, too," saad niya.

Kung pagmamasdan silang dalawa ay parang in love pa rin sila sa isa't isa kahit break na sila. Pero anong klaseng relasyon nga ba meron sila ngayon?

"Siguro this time around, kasi kami ni Sam, it's really a love-hate relationship. Parang alam n'yo yun, yun ang nakita siguro, yung cold war namin noon. Tapos through this movie, naging journey lang talaga is also how to patch things up personally. So, mas naging kumportable na rin kami to work with each other.

"So, day by day, no expectations na lang din siguro. Alam mo yung that's why I really think this movie is napaka-true-to-life. Kasi ganun ang character ko talaga, ayaw niya ng expectation. But, of course, along the road, that can only get so much, so bahala na," sabi ni Anne.

FIRST MOVIE. Ayon kay Anne, nagdalawang-isip talaga siya nang i-offer ng Star Cinema ang pelikula nila ni Sam sa kanya. Pinag-isipan daw niya if she's ready to work with Sam again.

"To be honest, yes!" natatawa niyang sabi. "Alam mo yun, siyempre nandun ang fear to work with him again or kung anuman. Pero alam n'yo yun, more than anything, I think Sam and I, we owe it to our fans talaga who waited so long. I think, it's really a journey talaga.

"Direk Mae [Cruz], thank you for helping us out in the personal department para matuloy yung movie. You know, it came out well talaga and for me, it's a blessing that it came to our lives. At least, Sam and I are okay and honestly, hindi na kami enemy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May preparation ba silang ginawa especially during their first shooting days?

"Yun ang preparation namin, hindi nagpapansinan!" natatawang sabi ni Anne. "Pero sabi nga ni Direk Mae, nakikita niya sa monitor yung mga little nuances na, 'Naku, magkakabati rin 'tong dalawang 'to.'"

Wala pa nga bang balikan na nagaganap?

"With our history, never naman kaming umaamin or nagbibigay ng...or hindi kami super open when it comes to that. And siguro, that's how we want to keep it kasi nagkaroon ng time na masyadong naging open and it brought a lot of memories.

"So, I think ngayon, it's safe to say na kung anuman ang meron kami, what you see it what you get. Ganun na lang siguro para mas safe. Basta ako, I'm happy that Sam and I are okay now and it's a fresh start. Who knows what will happen. Ang haba pa ng buhay, ang haba pa ng life. We both admitted to each other that we'll never close our doors," pagwawakas ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN