Sam Milby admits ex-girlfriend Anne Curtis is his "deepest love"

"If you're asking kung nagka­balikan na kami, we're not together yet. But like we said, we're taking things day by day. We're enjoying the time together. We can start on a clean slate," says Sam Milby about the status of his relationship with ex-girlfriend Anne Curtis.


Aminado si Sam Milby na dahil noong una ay away sila nang away ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis, nagduda rin siya kung tama bang tinanggap nila ang Babe I Love You, ang unang pelikula nila together para sa Star Cinema at Viva Films.

Pero ani Sam, "Buti na lang it came out as a good thing. For me, it wasn't too much of a doubt [to accept the project] kasi we were past that... Ilang stage na merong mga away-away and then there were those first couple of days na nagdududa ako na parang I wasn't sure na it's a good idea.

"And it really helped na si Direk Mae [Cruz], kilalang-kilala niya kami. From the start, she saw our love story, in reel and in real life talaga. So she knows how to handle us. I think it's because we are really open with Direk Mae. So si Direk really knows how to handle us, how to help us out for the movie and sa personal."

DIREK MAE'S POINT OF VIEW. Nagkuwento naman si Direk Mae tungkol sa kanyang dalawang artista habang ginagawa nila ang pelikula.

Aniya, "Kasi yung dalawa mag-aaway, as in super hindi nag-uusap, galit na galit daw. Pero nung nagpapraktis si Anne na mag-drive [for a scene], si Sam lumilingon na ganun, then bubulong, 'Is it the clutch? Yung clutch!' na parang gustong lumapit at tulungan si Anne.

"Nung meron namang sakit si Sam, nasa loob siya ng car, nakita ko si Anne na nakatingin na parang gustung-gusto na siyang lapitan at sabihin na, 'Are you okay?' na pinipigilan ang sarili niya. Kaya ako, sabi ko sa sarili ko, 'Ay naku, sandali lang itong away na 'to!' Kaya hinayaan ko sila na let it pass, na kasi nga, pag mainit ang ulo, huwag mo munang pag-usapin. Na eventually sila na rin ang mag-uusap and things will just work out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Direk Mae ay may feelings na pinigilan sina Sam at Anne habang ginagawa nila ang Babe I Love You?

"Pinigilan? Silang dalawa? I think the two of them, they will always remain special. Special talaga sila sa isa't isa, it's undeniable, e. I mean, you can see naman how they are now. It's just that I think alam na nila kung ano yung mga mistakes nila before. And that now, parang they're taking it day-by-day na parang it's better, it's good that things are okay now, it's peaceful and they're getting to know each other better as friends," pahayag pa ni Direk Mae.

DEEPEST LOVE. Nang si Sam naman ang tanungin kung may na-develop ulit o may posibleng balikan na mangyari sa kanila ni Anne, ito ang kanyang sagot: "Well, if you're asking kung nagka­balikan na kami, we're not together yet. But like we said, we're taking things day by day. We're enjoying the time together. We can start on a clean slate.

"Kung may chance? May chance naman, like what I said, and I admit na siya yung deepest love ko. I mean, ang tagal ng relationship namin, from Maging Sino Ka Man, and that was four years ago na 'yan, so..."


Yung away-bati ba nila ang spice ng relationship nila?

"You guys know we're together before, but right now...we started on a clean slate kasi. It's nothing like we talk about it. It's nothing like 'Let's work things out,' you know, yung ganun. It's just sa day-by-day thing, nag-e-enjoy kami, yung time together," sabi ni Sam.

Pagod na ba si Sam sa gano'ng sitwasyon, na lagi silang away-bati, kaya hindi sila nagkakabalikan ni Anne?

"Hindi naman ako tired of Anne," paglilinaw niya. "Like I said, we actually very much enjoyed the shooting and we're taking things day by day. Ang mga away namin, that was during the shooting days, lately hindi na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas na sa April 3 ang Babe I Love You. Kasama nila rito sina Nikki Valdez, Guji Lorenzana, Tetchie Agbayani, AJ Perez, Megan Young, Thou Reyes, Kitkat, Nikki Bacolod, CJ Jaravata, Angel Sy, Cheska Ortega, Nina Dolino, Justin Gonzales, Joem Bascon, Nicole Uysiuseng, Leo Rialp, Roden Araneta, at Ms. Laurice Guillen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN