Akihiro Sato, Daniel Matsunaga, and Fabio Ide star in indie comedy film D'Survivors

Rufa Mae Quinto visited the set of the indie film D'Survivors, which features the three Brazilian-Japanese models: Akihiro Sato (main photo) Daniel Matsunaga (inset, top) and Fabio Ide (inset, bottom).


Napuno ng mga nagseseksihang mga katawan ang tahimik na isla sa Nasugbu, Batangas noong March 18. Nasa naturang isla kasi ang mga sikat na Brazilian-Japanese male models na sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga, at Fabio Ide para sa shooting ng indie film na D'Survivors.

Mula sa direksyon ni Adolfo Alix Jr., produced by Astral Productions, ang D'Survivors ay kuwento ng ilang male models na stranded sa isang isla sanhi ng isang plane crash. Isa itong comedy na tatalakay sa magkakaibang kuwento ng mga male models at kung paano sila makikisama sa isa't isa sa malayong isla.

Ito ang unang pelikula na magtatampok sa tatlong sikat na Brazilian-Japanese male models ngayon sa Pilipinas. Enjoy sina Akihiro, Daniel at Fabio sa paggawa ng pelikula because they get to play themselves.

Kasama rin sa D'Survivors sina Kai Brosas, Rocky Salumbides, Lemuel Pelayo, Jubail Andres, Kerbie Zamora, Don Mendoza, Darlene Anderson, Marife Necesito, at Kenneth "Tetay" Ocampo.

Bukod sa Nasugbu, kinunan din ang karamihan ng eksena ng pelikula sa isang isla sa Caramoan Islands.

AKIHIRO SATO. Hindi ang D' Survivors ang unang movie ni Akihiro, nakagawa na siya last year ng isang indie movie titled Handumanan. Nahasa na sa pag-arte si Akihiro through his TV shows on GMA-7: SRO Cinemaserye Moshi-Moshi, Darna, at Panday Kids.

"I'm happy with the work that GMA-7 is giving me right now. I get to do other things aside from modeling," sabi ni Akihiro sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Right now, I'm in this movie [D'Survivors]. I play a special role here and I have a few funny scenes playing a character similar to the ones in the movie Avatar. They have to watch the movie in order to see it."

DANIEL MATSUNAGA. Sa GMA-7 telefantasya naman ng The Last Prince nabigyan ng pagkakataong makaarte si Daniel bilang si Prince Nikolai na nagiging isang werewolf. Though hindi kasing demanding ang role niya rito sa D'Survivors, magandang training ground pa rin ito para kay Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I really enjoy acting. Most especially in The Last Prince, I get to portray a role that I have to understand and really get the right performance. I took up an acting workshop to hone my skills and I'm continuing my lessons on my Tagalog. Now I can understand more Tagalog words.

"Here in the movie, it's not that hard in acting because it's very light. It's a comedy, so we are just having fun. This is my first movie and I am very excited for it to be finished," saad ni Daniel.

FABIO IDE. Mas matagal naman sa modeling business si Fabio Ide, pero ngayon lang niya papasukin nang husto ang showbiz. Kasama nga pala si Fabio sa bagong late-night comedy show ng GMA-7 na Laugh Kita kung saan makakasama niya sina Allan K at Eugene Domingo.

"The world of showbiz is not that different from the world of modeling," sabi ni Fabio. "We all get to meet different people from both. And both are forms of entertainment. But now, I want to break into showbiz and things are really coming out great.

"I have this upcoming TV show for GMA-7 and now this movie. I'm really happy because I'm meeting more people every day. I get to meet the people from the entertainment business. I am constantly learning from this new experience in my career."

FOOT VOLLEY. Nakigulo rin si Rufa Mae Quinto sa shooting ng D'Survivors sa Nasugbu. Nandoon siya para sa kanyang segment for Showbiz Central na "Team RMQ" kung saan nagpakita ng husay sa paglalaro ng foot volley sina Akihiro, Daniel at Fabio. Ang foot volley ay isang sikat na sport sa Brazil which is a combination of beach volleyball and football.

Hindi naman pinalampas ni Rufa Mae ang makapunta sa shooting ng tatlong models. Close kasi siya kay Akihiro dahil nagkatrabaho na sila sa dalawang TV shows sa GMA-7: ang SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi at Darna. Matagal na rin daw niyang kilala si Fabio, pero first time niyang makilala nang personal si Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa April 2010 ipalalabas ang D'Survivors.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN